Inicio / Romance / Liyab ng Tukso (SSPG) / Kabanata 2 - Maid

Compartir

Kabanata 2 - Maid

Autor: Saevris
last update Fecha de publicación: 2026-11-09 08:37:35

Elyse Sarmiento’s Point of View

“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.

Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.

“Bitawan mo ako!”

Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.

Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.

“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”

“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”

Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.

Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.

Isinara niya kaagad ang p***o, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-lock pala.

“Uuwi ako!” kinakabahan kong sambit nang pumasok na siya sa loob ng kaniyang sasakyan.

Hindi niya ako nilingon nang makaupo siya driver’s seat. Kaya hinampas ko na ang bintana, pero hindi man lang ‘to nasira.

Buong lakas ko na nga ‘yon, pero bakit ganoon?

“Buksan mo ‘yong p***o!”

“At bakit, huh?” angil nito nang buhayin niya ang makina ng kaniyang sasakyan.

Lumingon siya sa akin, ngunit nanatili pa ring malamig ang kaniyang mga mata nang masilayan ko ‘yon.

“Anong bakit? Kailangan kong magpahinga,” walang lakas kong paliwanag, pero tumawa lang siya nang mahina.

Sinamahan pa nga niya nang pag-iling. Nagtagal ang kaniyang titig sa akin, pero sa ilang segundong nakatitig siya sa akin, pansin ko ang pagsulyap niya sa aking labi.

Umigting pa ang panga niya, bago niya tuluyang ilihis ang kaniyang mga mata, at nagsimula na lamang magmaneho.

Mas lalo lang akong nataranta. Hindi alam ang gagawin. Kasi bakit naman ako sasama sa kaniya, hindi ba?

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong kong muli.

Unting-unti na akong nawawalan ng pag-asa, dahil hindi siya nakikinig sa akin.

“Seatbelt,” saad niya lamang, habang mabagal ang kaniyang pagpapatakbo.

Hindi ako nagsalita, at nag-seatbelt na lamang, kahit labag ‘yon sa aking kalooban.

Naikuyom ko ang aking kamay. Hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung saan kami pupunta.

Hindi ko inaasahan na sa dalawang taon kaming hindi nagkita, ganito ang mangyayari. Akala ko pa nga noong una ay magagalit siya, o hindi ako papansinin.

‘Yong tipong parang hindi kami magkakilala? Ganoon ang alam ko, pero hindi naman nangyari. Sobrang layo sa inaakala ko.

Nang tumigil kami sa isang malaki, ngunit magarang tarangkahan, nanuyo ang aking lalamunan.

“Bakit mo ako dinala rito?” tanong ko sa kaniya, dahil napansin ko ang nameplate post.

Montenegro Residence.

“Hindi ba, ang sabi ko ay uuwi ako?”

Bumukas ang gate. Kaya itinuon na lang ulit ni Darius ang kaniyang atensyon sa harapan.

“Ikaw ba ang masusunod?”

Nalaglag ang aking panga sa kaniyang naging tanong. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato niya sa akin ngayon.

Para siyang galit na galit. Nanggigigil sa isang bagay na hindi ko naman alam ang dahilan.

Bumaba siya ng sasakyan, at mabilis na naglakad papunta sa aking gawi, pero kaagad ko namang ginaya ang kaniyang ginawa. Kaya nang mapansin niyang nakababa ako, sumama ang timpla ng kaniyang mukha.

Mas lalo lang ‘tong hindi maipinta, at ramdam ko ang pagbigat muli ng kaniyang awra.

Sa totoo lang ay hindi ko naman inaasahan na nakabukas ang p***o ng passenger seat, eh.

Dumiretso kaagad siya sa loob ng kaniyang mansion, habang ako naman ay wala sa sariling nailibot ang aking paningin sa buong paligid.

Wala pa ring pinagbago. Huling punta ko rito, ganoon na ganoon pa rin ang hitsura.

“Miss Sarmiento.”

Napingon kaagad ako sa nagsalita, at napansin ang butler ni Darius na hinihintay na pala ako sa main door ng mansion.

Inayos niya ang kaniyang salamin, habang ako naman ay napakurap na lamang.

“Pasok po kayo.”

Kumalabog nang malakas ang aking puso sa kaniyang pag-aaya sa akin. Alam ko namang hindi iniutos ni Darius ‘yon sa butler niya na papasukin ako, pero parang hindi ako puwedeng pumasok.

“Uuwi ako,” saad ko, at umaasang makikinig sa akin ang butler ni Darius.

Tinangka kong tumalikod, at maglakad na lamang palabas ng gate, pero natigilan ako sa sinabi ng butler.

“Hinihintay ka ho ni Sir Montenegro sa study roon niya.”

“What?” paos na boses kong usal. “Para saan?”

Bakit naman kasi niya ako hihintayin sa study room niya? Sa anong dahilan?

“Sumunod ka na lang daw po.”

Yumuko ang butler, habang ako ay nagtataka sa mga nangyayari. Una, nagawa akong tanggalin sa trabaho. Pangalawa, nagtagpo ang landas namin ni Darius. Tapos ganito naman ngayon? Dinala niya ako sa mansion niya, at hinihintay niya ako ngayon sa study room niya? Para saan?

Kung magtatanong ako sa butler, hindi naman niya ako sasagutin. Kaya sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ay pumasok na lamang ng mansion niya.

Sumunod ako sa butler niya na ngayon ay papunta sa study room ni Darius.

Kung may katanungan siya, puwede naman niyang tanungin kanina. Bakit umabot pa kami sa ganitong punto?

“Take your seat,” malamig na utos ni Darius nang makapasok ako sa kaniyang study room.

Narinig ko naman ang pagsara ng p***o sa aking likuran, habang si Darius naman ay nakatuon ang kaniyang atensyon sa mga papel na nasa table niya.

I pursed my lips. Humugot ako nang malalim na hininga, at dahan-dahang naglakad papunta sa kaniyang table. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan lamang.

“Bakit ako nandito?” basag ko sa katahimikan. “Kung may tanong ka, puwede mo namang itanong kanina. Hindi ‘yong aabot pa tayo sa ganitong punto.”

Hindi siya sumagot. Kaya umigting lamang ang aking panga, dahil hindi niya ako tinitingnan hanggang ngayon.

“Kailangan kong umuwi. Katatapos ko lang magtrabaho. Pagod ako. Hindi rin ako nakikipagbiruan ngayon—”

“Nakikipagbiruan ba ako ngayon?” malamig na tanong nito, at tuluyang nag-angat ng tingin.

Inilapit niya ang isang document sa aking harapan. Kaya bumaba ang aking mga mata roon, at nabasang kontrata pala ‘yon.

“I heard what happened a while ago. You were fired,” he stated, letting me remember what happened.

“How did you—”

“Narinig ko sa mga guard kanina,” sagot niya kaagad, at tinaasan ako ng kilay.

Sumandal siya sa kaniyang swivel chair, at nanatili pa rin ang kaniyang mga asul na mata sa akin.

“Be my personal maid, Elyse,” he said with a smirk on his lips. “Deal?”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 5 - Caught

    Elyse Sarmiento’s Point of View“Wala,” sagot naman niya kaagad. “Morning ang shift ko ngayon. Kabi-break time ko lang din.”Napahugot naman ako nang malalim na hininga, at napapikit na lamang ng aking mga mata.Dapat ko naman na talagang asahan ‘to, eh. Hindi ko lang alam kung bakit nadismaya pa ako.“Puwede bang magpunta sa apartment mo? Saglit lang.”“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.“I saw him!” kuwento ko kaagad na siyang nagpasinghap sa kaniya sa kabilang linya. “Siya ang naghatid sa akin, pero ayaw kong malaman niya ang address ko, dahil alam mo naman kung bakit.”“My gosh! Seryoso ba ‘to?! Ganoon ba kaliit ang mundo niyo’t nagtagpo ulit kayo?”Napailing na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magagawa ko na talaga siyang layuan kung siya rin naman talaga ang gumagawa ng paraan para mahanap ako.Hindi ko alam kung bakit. Ang hirap kung tutuusin. Parang alam na alam niya ang ba

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 4 - Hide

    Elyse Sarmiento’s Point of ViewKagaya ng napag-usapan namin ni Mama, mag-a-apply muna ako bago kami magtungo sa probinsya para makapagpahinga na lang muna.Kakapasa ko lang din naman ng aking application letter, pero tingin ko ay mas magandang mag-apply pa ako sa ibang company, at umasang tatawagan nila ako, kahit sobrang labo naman.“Hindi naman dapat ako nawawalan ng pag-asa,” bulong ko, at napatingala na lamang sa langit. “Kung para naman kay Kaelen ang lahat ng ‘to, bakit ako susuko?”Kinagat ko nang mariin ang aking labi, at naghanap pa ng mga business, o company na nagha-hire. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako, ang sabi nila ay nakapaghanap na raw sila, at nalimutan lang nilang tanggalin ang mga nakapaskil sa labas ng kanilang business.Bumagsak ang aking mga balikat, dahil ilang oras na rin akong naghahanap ng trabaho, pero iisa pa lang ang napagpasahan ko ng aking application letter. Ni hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako, o ano.“Kakain muna siguro ako,” bulong ko

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 3 - Pride

    Elyse Sarmiento’s Point of ViewPersonal maid? Seryoso ba siya?Napakurap ako. Hindi makapagsalita lalo na’t naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi.“Bakit ka mag-o-offer ng ganiyan? Dahil nawalan ako ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.Para akong iniinsulto ng lalaking ‘to. Alam ko naman na mayaman siya, pero hindi naman yata ibig sabihin nito ay puwede na niya akong insultuhin.Hindi porque alam niya ang tungkol sa pagkatanggal ko ng trabaho ay ganito na. Kailangan ko man ng trabaho, hindi ko tatanggapin kung galing sa kaniya.“You can say that.”Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Puwede akong maghanap ng trabaho kung gugustuhin ko. Kaya ko naman.”Tumayo ako, at tumalikod na sa kaniya. Balak ko na sanang maglakad patungo sa pinto, pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko.Dahil sa kaniyang ginawa, napatingin ako sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan, binawi ang aking siko. Kaya lang ay mas hinigpitan ni

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 2 - Maid

    Elyse Sarmiento’s Point of View“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.“Bitawan mo ako!”Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.Isinara niya kaagad ang pinto, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-loc

  • Liyab ng Tukso (SSPG)   Kabanata 1 - Danger

    Elyse Sarmiento’s Point of View“You’re fired, Miss Sarmiento.”Para akong pinagbagsakan ng lupa nang marinig ko ang katagang binitawan ng boss ko. Akala ko pa man din ay magandang balita ang sasabihin niya, pero hindi pala.Napakurap ako, habang nakatitig sa boss ko na ngayon ay seryoso lamang. Walang kahit anong bakas ng emosyon kung hindi ay ‘yon lang.“Bakit po? Ano po ang dahilan kung bakit natanggal ako?” naguguluhan kong sambit.Umiling lamang ang aking boss, at parang dismayado pa sa hindi ko malaman na dahilan.“Huwag ka ng pumasok bukas. Nandito na ang huling salary mo. Advanced pa ‘yan,” aniya, at inilapit sa akin ang check. “You did your best, pero may kulang pa rin.”Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa check na nasa aking harapan, at wala sa sariling inabot ‘to.Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Wala akong ideya kung ano ang dahilan. Na kahit pinipilit ko namang tanungin si sir, hindi niya magawang sagutin.“Salamat po,” mahina kong wika, bago lisanin ang of

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status