INICIAR SESIÓNElyse Sarmiento’s Point of View
Kagaya ng napag-usapan namin ni Mama, mag-a-apply muna ako bago kami magtungo sa probinsya para makapagpahinga na lang muna. Kakapasa ko lang din naman ng aking application letter, pero tingin ko ay mas magandang mag-apply pa ako sa ibang company, at umasang tatawagan nila ako, kahit sobrang labo naman. “Hindi naman dapat ako nawawalan ng pag-asa,” bulong ko, at napatingala na lamang sa langit. “Kung para naman kay Kaelen ang lahat ng ‘to, bakit ako susuko?” Kinagat ko nang mariin ang aking labi, at naghanap pa ng mga business, o company na nagha-hire. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako, ang sabi nila ay nakapaghanap na raw sila, at nalimutan lang nilang tanggalin ang mga nakapaskil sa labas ng kanilang business. Bumagsak ang aking mga balikat, dahil ilang oras na rin akong naghahanap ng trabaho, pero iisa pa lang ang napagpasahan ko ng aking application letter. Ni hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako, o ano. “Kakain muna siguro ako,” bulong ko na lang, at pumasok sa isang fast food restaurant. Magti-take out na rin ako ng pagkain nina Mama lalo na si Kaelen, dahil alam kong paborito niya ‘to. Kaya lang ay habang papasok na ako, naramdaman ko ang pamilyar na mga mata sa may hindi kalayuan. Nang lingunin ko ‘yon, nandoon si Darius. Nakasandal na naman sa kaniyang sasakyan, at may sigarilyo sa kaniyang labi. Sinindihan niya ‘yon, habang nanatili ang kaniyang mga mata sa aking gawi. Ngunit bago pa tumagal ang pagtititigan namin, inilihis ko na kaagad ang aking mga mata, at basta na lang pumasok sa loob ng fast food restaurant. Hindi rin naman ako nagtagal sa paghihintay, eh. Kaya nawala na sa isipan ko si Darius, at kumain na lamang ako nang tahimik. Naparami rin ang order ko, dahil iniisip kong maraming makakain si Kaelen. Although, minsan lang naman siya kumain ng ganito, pero wala naman sigurong masama kung bibigyan ko rin ng pasalubong, kahit papaano. “Bakit naghahanap ka pa ng trabaho kung puwede mo namang tanggapin ‘yong offer ko?” tanong sa akin nang isang pamilyar na boses. Bago pa ako makapag-react, bigla siyang umupo sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. Nagtaas siya ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata, habang ako naman ay hindi magawang lunukin ang aking kinakain. “Ganiyan ba talaga kataas ang pride mo, kahit pa gawin kong triple ang sahod mo?” Hindi ako umimik. Tiningnan ko lamang siya, at lumunok na lamang. Wala akong panahong makipag-usap sa kagaya niya lalo na’t ang priority ko talaga ngayon ay maghanap ng trabaho. Pero dahil nga naman nakapag-order na ako ng pagkain ni Kaelen, uuwi na lang siguro ako. Kumakalabog man nang malakas ang aking puso, dahil sa kaniyang presensya, hindi ko ipinahalata sa kaniya ‘yon. Nanatili nga lang ang mga mata niya sa akin, hanggang sa matapos akong kumain. “Please lang, kung manggugulo ka lang naman, tumigil ka na,” saad ko nang ipatong niya ang kaniyang mga siko sa mesa, at bahagyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Tumayo ako, at kinuha ang aking mga gamit para lisanin ang lugar. Uuwi na ako, dahil panigurado akong kailangan ako ni Kaelen. Kaya lang ay bago pa ako makalayo nang tuluyan sa fast food restaurant na ‘yon, naramdaman ko na ang pag-angat ko sa ere. Huli na nang natanto kong binuhat pala ako ni Darius para lang isama yata ulit sa kaniya. “Ano ba?!” singhal ko sa kaniya, habang patuloy siya sa paglalakad. Nang lingunin ko ang harapan, papalapit na siya sa kaniyang sasakyan. “Ibaba mo ako, Darius! Hindi ako sasama sa ‘yo!” Bakit ba sa tuwing magkikita kami ay ganito na lamang ang ginagawa niya? Wala naman akong planong sumama sa kaniya, pero heto siya, pilit akong ginugulo. Inabot niya ang p***o ng passenger seat para lang isakay paupuin ako roon. Nanlaki pa ang aking mga mata, at sinubukan siyang hampasin sa kaniyang dibdib, pero sinulyapan niya lang ako, at tinaasan ng kilay. “I’ll drive you home,” wika niya, saka niya isinara ang p***o. Mabilis siyang umikot papunta sa driver’s seat, habang ako naman ay biglang nataranta lalo na nang buksan niya ang p***o. “Hindi na kailangan!” sigaw ko sa kaniya. Pero hindi siya nakinig sa akin. Sumakay siya, at kaagad na isinara ang p***o, bago binuhay ang makina ng sasakyan. Nagsuot na rin siya ng seatbelt, saka sumulyap sa akin na para bang inuutusan na niya akong gayahin ang kaniyang ginawa. “Uuwi ako nang mag-isa. Hindi mo ako kailangang ihatid!” Ayaw ko rin naman kasing malaman niya kung saan ako nakatira, eh. Baka mamaya ay bigla na lang niya akong abangan sa mismong apartment ko, which is hindi puwede. “Delikado,” simpleng sagot niya, at tinaasan ako ng kilay. “Seatbelt?” “Darius,” pagod kong sambit sa kaniyang pangalan, dahil wala akong balak makipagtalo talaga sa kaniya. Pagod ako sa paghahanap ng trabaho, pero bakit naman umabot sa puntong makikita ko pa ang lalaking pilit kong iniiwasan? Sa huli, wala akong nagawa. Isinuot ko na lamang ang aking seatbelt, at naisipan na lamang na magbigay ng maling address sa kaniya. Kaya nang tumigil kami sa isang building, kaagad akong napasulyap kay Darius na ngayon ay pababa na ng kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya rin ako ng p***o. Kaya tahimik ako bumaba ng sasakyan. “Thank you,” bulong ko, at sinulyapan siya. “Alis na ako.” Hindi ko na siya hinintay pang umalis. Dali-dali na lamang akong pumasok sa building na kung saan ay nandito ang apartment ng kaibigan kong si Janice. Alam ko rin ang password ng kaniyang apartment. Kaya hindi problema sa akin ‘yon kung sakali man na biglang sumama sa akin si Darius. Mabuti na lamang, dahil nang lingunin ko kung nakasunod siya sa akin, natanto kong hindi. Kaya nagpatuloy pa rin ako roon, hanggang sa makarating sa lobby. Kaagad ko ring tinawagan ang si Janice, at hinintay na sagutin niya ‘to, dahil kailangan kong tumambay muna talaga sa apartment niya kung sakali man. “Elyse?” nagtatakang sambit niya nang sagutin niya ang tawag. “Bakit ka napatawag?” “Saan ka? Nasa lobby ako ngayon. Nandiyan ka ba sa apartment mo?” tanong ko kaagad, at medyo kinakabahan pa, dahil baka mamaya ay sumunod na lang nang basta-basta si Darius.Elyse Sarmiento’s Point of View“Wala,” sagot naman niya kaagad. “Morning ang shift ko ngayon. Kabi-break time ko lang din.”Napahugot naman ako nang malalim na hininga, at napapikit na lamang ng aking mga mata.Dapat ko naman na talagang asahan ‘to, eh. Hindi ko lang alam kung bakit nadismaya pa ako.“Puwede bang magpunta sa apartment mo? Saglit lang.”“Bakit?” nagtatakang tanong nito sa akin.“I saw him!” kuwento ko kaagad na siyang nagpasinghap sa kaniya sa kabilang linya. “Siya ang naghatid sa akin, pero ayaw kong malaman niya ang address ko, dahil alam mo naman kung bakit.”“My gosh! Seryoso ba ‘to?! Ganoon ba kaliit ang mundo niyo’t nagtagpo ulit kayo?”Napailing na lamang ako sa kaniyang sinasabi. Kahit ako rin naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay magagawa ko na talaga siyang layuan kung siya rin naman talaga ang gumagawa ng paraan para mahanap ako.Hindi ko alam kung bakit. Ang hirap kung tutuusin. Parang alam na alam niya ang ba
Elyse Sarmiento’s Point of ViewKagaya ng napag-usapan namin ni Mama, mag-a-apply muna ako bago kami magtungo sa probinsya para makapagpahinga na lang muna.Kakapasa ko lang din naman ng aking application letter, pero tingin ko ay mas magandang mag-apply pa ako sa ibang company, at umasang tatawagan nila ako, kahit sobrang labo naman.“Hindi naman dapat ako nawawalan ng pag-asa,” bulong ko, at napatingala na lamang sa langit. “Kung para naman kay Kaelen ang lahat ng ‘to, bakit ako susuko?”Kinagat ko nang mariin ang aking labi, at naghanap pa ng mga business, o company na nagha-hire. Kaya lang ay sa tuwing magtatanong ako, ang sabi nila ay nakapaghanap na raw sila, at nalimutan lang nilang tanggalin ang mga nakapaskil sa labas ng kanilang business.Bumagsak ang aking mga balikat, dahil ilang oras na rin akong naghahanap ng trabaho, pero iisa pa lang ang napagpasahan ko ng aking application letter. Ni hindi pa sigurado kung tatanggapin ba ako, o ano.“Kakain muna siguro ako,” bulong ko
Elyse Sarmiento’s Point of ViewPersonal maid? Seryoso ba siya?Napakurap ako. Hindi makapagsalita lalo na’t naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi.“Bakit ka mag-o-offer ng ganiyan? Dahil nawalan ako ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.Para akong iniinsulto ng lalaking ‘to. Alam ko naman na mayaman siya, pero hindi naman yata ibig sabihin nito ay puwede na niya akong insultuhin.Hindi porque alam niya ang tungkol sa pagkatanggal ko ng trabaho ay ganito na. Kailangan ko man ng trabaho, hindi ko tatanggapin kung galing sa kaniya.“You can say that.”Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang. “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Puwede akong maghanap ng trabaho kung gugustuhin ko. Kaya ko naman.”Tumayo ako, at tumalikod na sa kaniya. Balak ko na sanang maglakad patungo sa pinto, pero kaagad akong natigilan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko.Dahil sa kaniyang ginawa, napatingin ako sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan, binawi ang aking siko. Kaya lang ay mas hinigpitan ni
Elyse Sarmiento’s Point of View“Sir!” angal ko nang hilahin na lamang niya ako papunta sa kaniyang sasakyan.Sinubukan kong bawiin ang aking kamay, pero hindi ko magawa. Masiyado siyang malakas, at bukod pa roon ay mahigpit ang kaniyang pagkahahawak sa aking kamay.“Bitawan mo ako!”Hindi siya sumagot, o lumingon man lang sa akin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa buksan niya ang passenger seat.Nang ibaling niya ang kaniyang atensyon sa akin, malamig ang kaniyang mga mata.“Sakay,” utos niya, pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. “Don’t make me repeat myself, Elyse.”“Don’t use that tone on me,” saad ko, kahit na nanginginig pa rin. “Sir, mas magandang pauwiin mo na lang ako.”Umigting ang kaniyang panga, at basta na lamang akong binuhat na para bang bagong kasal lang kami.Tuluyang nalaglag ang aking panga, at nawala sa sarili nang ibaba niya ako sa passenger seat.Isinara niya kaagad ang pinto, pero nang matauhan ako, sinubukan ko ‘yong buksan, pero naka-loc
Elyse Sarmiento’s Point of View“You’re fired, Miss Sarmiento.”Para akong pinagbagsakan ng lupa nang marinig ko ang katagang binitawan ng boss ko. Akala ko pa man din ay magandang balita ang sasabihin niya, pero hindi pala.Napakurap ako, habang nakatitig sa boss ko na ngayon ay seryoso lamang. Walang kahit anong bakas ng emosyon kung hindi ay ‘yon lang.“Bakit po? Ano po ang dahilan kung bakit natanggal ako?” naguguluhan kong sambit.Umiling lamang ang aking boss, at parang dismayado pa sa hindi ko malaman na dahilan.“Huwag ka ng pumasok bukas. Nandito na ang huling salary mo. Advanced pa ‘yan,” aniya, at inilapit sa akin ang check. “You did your best, pero may kulang pa rin.”Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa check na nasa aking harapan, at wala sa sariling inabot ‘to.Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Wala akong ideya kung ano ang dahilan. Na kahit pinipilit ko namang tanungin si sir, hindi niya magawang sagutin.“Salamat po,” mahina kong wika, bago lisanin ang of







