Amara's PovPangatlong araw ko na sa mansyon. Unti-unti ko nang nasasanay ang aking sarili sa ritmo ng bawat umagagumigising bago sumikat ang araw, naghahanda ng almusal, naglilinis, at naghihintay sa kung ano ang ipapagawa nila sa akin. Tahimik ang lahat, tila isang paraisong nakabalot sa katahimikan. Pero alam ko sa ilalim ng kapayapaang iyon ay nakatago ang isang bagyo na maaaring sumiklab anumang oras.Alas-dos na ng hapon noon. Naglalakad ako sa pasilyo bitbit ang isang tray na may mga tasa ng mainit na tsaa para sa mga bisita kung mayroon man, o para lamang kay Aling Marta at sa iba pang katulong. Hindi ko inaasahang lalabas si Kaelus mula sa kanyang silid nang biglaan. Masyado siyang mabilis, at masyado akong nasa malayo ang iniisip.Nagkasalubong kami sa gitna ng pasilyo. Nabangga niya ang aking braso, at sa isang iglap, nahulog ang tray. Kalansing! Nabiyak ang isa sa mga tasa at nabasa ang sahig ng mainit na tsaa.Namutla ako. Agad akong lumuhod para pulutin ang mga bubog, na
Last Updated : 2026-11-09 Read more