MAYA’S POVIlang araw na ang lumipas at unti-unti nang nagiging normal ang bawat umaga. Gumigising ako bago sumikat ang araw, inihahanda ang kaniyang kape at almusal, nililinis ang buong bahay, at hinihintay ang kaniyang pagbabalik. Madalas ay tahimik lang kami, pero hindi na kasing bigat ng katahimikan noong una. Minsan ay magtatanong siya kung kumusta ang araw ko, at minsan naman ay magkukuwento ako nang kaunti tungkol sa mga nakita ko sa hardin. Nakikinig siya hindi laging sumasagot, pero alam kong nakikinig.Ngayong gabi naman ay iba. Alas-on na ng gabi at hindi pa siya umuuwi. Nakaupo ako sa sala, hindi makatulog. Ang pag-aalala ay unti-unting pumapasok sa aking isipan. Sanay akong umuuwi siya bago mag-hatinggabi. At kapag hindi, karaniwang nagpapadala siya ng mensahe. Pero ngayon, wala.Nang sumapit ang alas-tres ng madaling araw, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong tumayo at sinalubong siya sa pinto. Hinanap ko ang kaniyang mukha sa dilim, at nang makita ko siya, napah
Huling Na-update : 2026-11-10 Magbasa pa