Autumn’s Point of ViewHapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga. She's a sweet old lady.Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasy
Last Updated : 2026-11-12 Read more