Share

His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress
His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress
Author: Divina Gracia

Kabanata 1

Author: Divina Gracia
last update publish date: 2026-11-12 16:59:55

Autumn’s Point of View

Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Hindi ko rin kayang paniwalaan na ang asul na tintang naroon sa ibaba ng pape ay pirma ni Radleigh.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin, at kahit na pinigilan ko ang sarili, hindi ko pa rin nagawang pigilan ang panunubig ng aking mga mata.

May kung ano rin na nagbabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita.

Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sasabihin. Para akong napipi.

Nakatayo si Radleigh malapit sa bilugang mesa ng lanai. Ang malamig niyang likod ang aking nakikita.

Is this what he really wants?

Unti-unti akong tumayo para sundan siya sa lanai, alam kong naramdaman niya agad ang presensya ko, dahilan para maglakad din siya palayo sa akin.

Pakiramdam ‘ko, takot siyang magkalapit kami. Na para bang may nakakahawa akong sakit.

“Napirmahan ko na ang divorce agreement. I hope you do the same.” Malamig niyang turan, nanatiling nakatalikod sa akin.

So, this is what he truly wants. Gusto niyang pirmahan ko ang papel na magpapawalang-bisa sa kasal namin.

Ang alam ko, hindi pinapayagan ng gobyerno ng Pilipinas ang diborsyo, ngunit may iilang mag-asawa na nakapag-diborsyo pa rin. At sa yaman at impluwensya ni Radleigh, hindi imposibleng magawa niya ngang ipawalang bisa ang kasal naming dalawa sa pamamagitan ng pagdidiborsyo.

Sumisikip lang ang dibdib ko sa tuwing sinusubukan kong ibuka ang mga labi ko. Gusto kong tumutol, ngunit ko mahanap ang mga salita.

Bakit kami umabot sa ganitong punto? Akala ko… nagagawa ko ng tama ang responsabilidad ko sa kaniya bilang asawa.

“You should sign the divorce paper as soon as possible. Klea’s back, and I don't want her to know that I'm still married to you. Kaya habang maaga pa, kailangan na nating maghiwalay at itigil ang kahibangan na ‘to.”

Kahibangan?

Hindi na lamang ang puso ko ang nasaktan, ramdam ko na ang sakit sa buo kong katawan na nanunuot hanggang sa aking buto.

Kahibangan lang pala ito?

Ang dalawang taon naming pagsasama, ang dalawang taon kong pag-aalaga sa kaniya, at ang dalawang taon kong inaksaya para lang manatili sa tabi niya… kahibangan?

“Rad…” nabasag na ang boses ko sa pagtawag pa lamang sa pangalan niya.

Hindi ko alam kung paano magpapatuloy.

“You signed a prenuptial agreement, didn’t you, Amber?”

Lumingon siya ng kaunti, ngunit mabilis din na nag-iwas ng tingin.

“Wala kang makukuha kapag naghiwalay na tayo o kapag nawala ako. Ang sabi mo, hindi ang kayamanan ko o ang pera ko ang habol mo, kaya mabilis mong pinirmahan ang prenuptial agreement na pinahanda ko.”

Kinagat ko ang ibabang-labi. Wala naman talaga akong pakialam sa pera niya. Hindi iyon ang habol ko kaya wala akong pakialam kung may prenuptial agreement bago ang kasal naming dalawa.

Wala rin akong pakialam kung wala akong makuha kung maghiwalay kami.

Pero bakit binabanggit niya iyon ngayon?

“But you’ve done your best to become the best granddaughter-in-law with my sick Abuela…” dagdag niya.

“Bilang kompensasyon sa pag-aalaga mo kay Abuela, napagdisesyonan kong magbigay ng sampung milyon, isang villa, at sasakyan. I hope that's enough to pay you.”

Pay me?

Gusto kong matawa. Gusto kong idaan sa pagtawa ang nararamdaman kong sakit.

Babayaran niya ko ng sampung milyon at ilang ari-arian kapalit ng mga sakripisyo ko sa kaniya at sa pamilya niya?

Ano’ng tingin niya sa akin? Bayarang babae?

Marahan kong pinalis ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Ayaw kong makita niyang umiiyak ako, pero hindi ko rin mapigilan, masyadong masakit… masyado ko siyang mahal para hindi makaramdam ng sakit.

“H-hindi ko tatanggapin ang inaalok mo.”

Napalingon ulit siya dahil sa sinabi ko. Kumunot ang kaniyang noo nang makita marahil ang determinasyon sa mukha ko.

“You need it. Hindi kita pwedeng paalisin nang walang ibinibigay. You have nothing outside this marriage, how would you survive?”

You have nothing outside this marriage.

You have nothing outside this marriage.

Nag-eecho ang mga salitang ‘yon sa likod ng isip ko.

Iyon ang tingin niya, wala akong kahit na ano kapag natapos na itong pagsasama namin. Iniisip niyang maghihirap ako at magiging palaboy kapag pinaalis na niya ako sa bahay ng mga Lacsamana.

Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa mangyayari sa akin kapag maghiwalay na kami, o naaawa lamang siya sa kalagayan ko ngayon.

Ngunit alin man sa dalawa, pareho iyong masakit para sa akin. Dahil ibigsabihin lang nito, sigurado na siyang tatapusin niya ang pagsasama naming dalawa. Handa siyang magbayad ng malaking halaga para lang tahimik akong umalis sa buhay niya at hayaan siyang makasama ulit ang babaeng mahal niya.

Klea… his first love.

“P-paano si Abuela? Alam niya bang gusto mo nang makipaghiwalay sa akin?”

Unti-unting nagdilim ang kaniyang ekspresyon. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin, at galing sa kinatatayuan ko, nakita kong nagtagis ang kaniyang bagang.

Alam kong maling isali sa usapan si Abuela, ngunit si Abuela rin ang dahilan kung bakit kami nagsama. Hindi ko maisip na papayag na lang ng ganoon ang matanda kung sakaling maghihiwalay kami.

“Umaayos na ang kalusugan niya. Malakas na rin siya at sa bahay na lamang nagpapagaling. I’ve spoiled her for the past two years… but this time, I would not let her change my decision.”

Parang bibigay ang tuhod ko. Pakiramdam ko, habang humahaba ang usapan namin ay mas lalo lang akong nanghihina.

“I…” parang manginginig maging ang boses ko.

Ayaw kong magmukhang mahina sa harap niya. Ayaw kong magmukhang kawawa. Ngunit masyado na akong desperado para isipin pa ang ibang bagay.

“I don't want to divorce…”

Unti-unti akong yumuko at sa malamig na sahig na lamang ipinako ang tingin. Hindi ko kayang tingnan ang reaksyon niya.

“Ayaw kong….maghiwalay tayo. P-pwede bang subukan natin ulit? M-mas magiging maalaga na ako. Mas magiging maunawa. Mas magiging mabait.”

Mukha na akong desperada. Masyado ko nang ibinababa ang dignidad ko para lang magmakaawa. Ngunit wala na akong ibang maisip na paraan para lang manatili siya sa akin.

Hindi siya sumagot. Kaya nagkaroon ng katahimikan. Ako man din ay hindi na nadugtungan ang huling sinabi.

Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip na kailangan kong magmakaawa para lang piliin niya ako.

“Why?” Bigla niyang tanong.

Napaangat ako ng tingin at naabutan siyang malamig ang tingin sa akin.

Mukha siyang nagdududa at hindi natutuwa.

Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.

Kung mag-iiwas ako ng tingin ay baka pagsisihan ko rin. Posibleng ito na ang huling pagkakataon na mapagmamasdan ko ng matagal ang kaniyang mukha.

Maisip lang na hindi na kami ulit magkikita, napupuno na agad ng matinding pangungulila ang puso ko.

“Why would I not divorce you?” Malamig niyang tanong.

Sinundan ko ng tingin ang pagkibot ng kaniyang mapupulang labi. At kahit puno ng panghuhusga ang kaniyang tingin, sobrang ganda pa rin ng kaniyang mga mata, at ang makakapal na kilay na medyo magkasalubong ay bagay lamang sa kaniya.

Sa dalawang taon na magkasama kami, hindi ko kailanman pinagsawaan ang guwapo niyang mukha. Palaging maganda siya sa aking paningin.

Unti-unting umangat ang sulok ng aking labi para sa isang malungkot na ngiti.

“Mahal kita, Rad...” puno ng lungkot kong bigkas.

”Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ng iba.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 5

    Autumn’s Point of View Tahimik si Jacob nang sunduin niya ako sa labas ng villa ng mga Lacsamana. Nararamdaman kong napapasulyap siya sa rearview mirror, ngunit hindi niya magawang isatinig kung anuman ang kaniyang iniisip. Siguro’y nagulat siya, na sa halos tatlong taon kong pananahimik at pag-iwas sa aking pamilya, ay bigla akong tatawag para magpasundo sa kaniya. Pero alam ko, na sa kabila ng tatlong taon kong pag-abandona sa mga Martinez ay nasa akin pa rin ang kaniyang katapatan. “How’s Marco?” Mahina kong tanong. Ramdam kong hindi na siya komportable sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Ngunit ayaw kong mapag-usapan ang nangyari sa villa. Ayaw kong banggitin ang sinuman sa mga Lacsamana. Ayaw ko munang isipin kung gaano kawasak ang puso ko ngayon. Ayaw ko muna. “He’s fine. Every summer since he’s fifteen, ipinapadala siya sa El Nido para mamahala sa hotel ninyo at makita ng personal ang produksyon ng mga tela at muwebles. Naniniwala si Señor Santiago na sa paraa

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 4

    Autumn's Point of ViewNang makarating sa ikalawang palapag, lumiko ako agad sa kaliwang pasilyo para magtungo sa kuwarto ni Radleigh.Noon, dito kami natutulog. Ngunit mabibilang lang ang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, dahil minsan lamang siyang umuwi. Madalas siyang magtravel abroad para sa negosyo at halos inuumaga siya sa pakikipagmeeting sa ilang investor.Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng master bedroom nang matigilan ako.“Rad…”“Hmm…”Malalambot na ungol ang narinig ko galing sa pinto.Kung sinuman ang nasa loob, tila nakalimutan nilang magsara ng maayos ng pinto kaya naririnig ang mga ungol sa labas.“I missed you, Rad… do you miss me too?”Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko. Unti-unti iyong bumabaon habang lumalakad ako palapit sa nakasiwang na pinto.Hindi ko pa nakikita ng personal si Klea. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Ngunit alam ko, na siya iyon… ang boses na ‘yon.“Ugh, Rad… careful, please.”Gusto kong silipin. Gusto kong makita.

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 3

    Autumn’s Point of ViewHapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga. She's a sweet old lady.Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasy

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 2

    Autumn's Point of ViewSandaling dumaan ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita, tumitig lamang siya sa akin na para bang nahihiwagaan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Hindi rin nagtagal at nag-iwas siya ng tingin, parang mas lalong nagalit. Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. “Stop it, Amber. Don't make me laugh with your jokes.” Pinisil ng maliit na kamay ang puso ko. Gusto ko ulit matawa. Sana nga biro lamang iyon. Sana nga, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit iyon ang totoo, iyon ang nilalaman ng puso ko. Natatakot akong kapag maghiwalay kami ay hindi ko na kayang magmahal kagaya kung paano ko siya minamahal ngayon. “Sa una pa lang, alam natin pareho na walang patutunguhan ang pagpapakasal nating dalawa. Napilitan ka dahil kailangan mo ng matitir’han, samantalang ako, napilitan dahil sa kondisyon ni Abuela. Pareho tayong namanipula ni Abuela para magpakasal sa isa’t isa.” Tumalikod siya, hindi na gustong ibalik ang tingin sa akin. Habang

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 1

    Autumn’s Point of View Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Hindi ko rin kayang paniwalaan na ang asul na tintang naroon sa ibaba ng pape ay pirma ni Radleigh. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin, at kahit na pinigilan ko ang sarili, hindi ko pa rin nagawang pigilan ang panunubig ng aking mga mata. May kung ano rin na nagbabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sasabihin. Para akong napipi. Nakatayo si Radleigh malapit sa bilugang mesa ng lanai. Ang malamig niyang likod ang aking nakikita. Is this what he really wants? Unti-unti akong tumayo para sundan siya sa lanai, alam kong naramdaman niya agad ang presensya ko, dahilan para maglakad din siya palayo sa akin. Pakiramdam ‘ko, takot siyang magkalapit kami. Na para bang may nakakahawa akong sakit. “Napirmahan ko na ang divorce agreement. I hope you do the same.” Malamig niyang turan, nanatiling nakatalikod sa akin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status