Share

Kabanata 3

Author: Divina Gracia
last update publish date: 2026-11-12 17:15:39

Autumn’s Point of View

Hapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.

“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.

Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.

Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga.

She's a sweet old lady.

Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.

Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasyon naming dalawa ni Abuela. Parang apo kung ituring niya ako, at siya naman, para nang Lola ang tingin ko sa kaniya.

“Pupuntahan ko po si Abuela.” Imporma ko sa doktor.

Sa guesthouse ako ng mga Lacsamana tumutuloy. Personal kong hiniling kay Radleigh na sa guesthouse na lamang ako titira, pumayag naman siya nang hindi inaalam ang dahilan ko.

Ang totoo, kaya ko mas piniling sa guesthouse na lamang ay para makaiwas kay Tita Maggie at Margo. Hindi ko pa nasasabi kay Radleigh ang ginawa nila sa akin, mas pinili kong ilihim iyon upang hindi magkagulo, ngunit ngayon… naisip kong dalhin na lamang iyon sa hukay dahil wala rin naman iyong saysay.

Paano ko pa sasabihin sa kaniya na sinampal ako ni Margo isang gabi at pinagbintangan na kinuha ko ang isang mamahaling alahas pagkatapos niya akong utusan na linisin ang kaniyang kwarto? May pakialam ba si Radleigh sa bagay na ‘yon? Pakikinggan niya ba ako? Paniniwalaan niya ba ako?

Nang makuha ang bag ko, naisip kong dumaan na lang muna sa mainhouse bago umalis. Sa backdoor ako dumaan dahil madalas na nasa kusina ang mga kasambahay, at sila naman ang pakay ko.

Kung sinubukan tawagan ng doktor sila Tita Maggie at hindi sumagot, posibleng abala pa iyon sa trabaho. Pero si Margo, madalas ay nasa bahay lamang siya at walang ginagawa. Sa kaniya ko na lamang sasabihin na nasa ospital na naman si Abuela dahil inatake ng high blood.

“Manang Delfa.” Tawag ko sa matandang kasambahay nang makita sila.

Nakasiksik ang tatlong kasambahay sa sulok ng kusina. Pinapagitnaan ng dalawang mas batang kasambahay ang mayordoma. Halatang may pinag-uusapan sila at nagbubulungan pa.

Nang marinig ni Manang Delfa ang pagtawag ko, agad siyang umayos ng tayo at hinanap ako.

“A-amber…” nataranta siya.

“Ano’ng ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba? Saan ka galing?” Sunod-sunod niyang tanong.

Naglakad ako papasok ng kusina.

“Si Margo po, Manang?”

Sinalubong ako ni Manang Delfa. At habang palapit kami sa isa’t isa, hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Samu’t-saring emosyon ang dumadaan sa kaniyang mga mata. Ngunit mas nangingibabaw ang awa.

“Manang?” Nagtataka kong tanong.

Lumungkot ang kaniyang mga mata.

“Ayos ka lang ba, Amber?” Malungkot niyang tanong.

Hindi ko maintindihan. Bakit nalulungkot siya at naaawa sa akin?

Hindi kaya… alam na nila na inaalok ako ng diborsyo ni Radleigh?

Ngunit sa guesthouse kami nag-usap. Wala naman akong kasamang katulong sa guesthouse kaya walang ibang makakarinig sa napag-usapan namin ni Radleigh. Walang makakapagchismis tungkol doon.

Pero sa hitsura ni Manang Delfa, tingin ko’y may alam siya.

“Ayos lang po ako, Manang. Pero aalis din po ako agad, kailangan ko pong puntahan si Abuela sa ospital. Hindi raw ma-contact ng doktor si Tita Maggie at Tito Tristan. Si Margo po, kaya? Nasa bahay lang ba siya?”

Titig na titig sa akin si Manang Delfa. Tila binabasa niya ang ekspresyon sa aking mukha.

Naguguluhan ako sa ikinikilos niya.

“Manang…” tawag ko ulit nang halos matulala na lamang siya sa akin.

“Lumabas si Margo. Isinama siya ni Ma’am Maggie… para… masolo ni Sir Radleigh ang bisita.” Hirap na hirap niyang sabi.

Ha?

Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ni Manang.

Bisita? Masolo ni Radleigh?

Sino ang bisita?

Kumalabog ang dibdib ko. Naalala ko bigla iyong mabilis na pag-alis ni Radleigh kanina pagkatapos na makatanggap ng tawag galing kay Klea. Nabanggit niya ang ospital. Iniisip kong naospital si Klea at pinuntahan niya.

Pero bakit may bisita?

Narito din si Radleigh sa main house?

Hindi na ako nagtanong, naglakad na ako papunta sa p***o ng kusina. Mula rito, dadalhin ako ng pintuan papunta sa malaking dining area. At sa dining area dadaan para makarating sa sala.

Narinig kong sumigaw iyong mga batang kasambahay, sinubukan yata akong pigilan, pero sinaway sila ni Manang Delfa.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang nagkakarera sa loob. Hindi ko alam kung bakit.

Nang matanaw ko na ang sala, wala akong nakitang bisita, wala rin si Radleigh.

Nasaan sila?

Bigla’y may lumitaw na ideya sa likod ng isip ko.

May sariling kwarto si Radleigh sa main house. Ang junior master bedroom ay hindi pinagalaw kayna Margo dahil doon pa rin madalas natutulog si Radleigh kahit sa guesthouse na ako nakatira. Ang dahilan niya, mas komportable siya sa mga pamilyar na bagay kaya sa kwarto na ‘yon siya mas komportableng matulog.

Malalaki ang hakbang ko paakyat ng mahabang hagdan.

Tama ba itong nararamdaman ko?

Bakit pakiramdam ko, niloloko ako? Bakit, abot-abot ang kaba ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 5

    Autumn’s Point of View Tahimik si Jacob nang sunduin niya ako sa labas ng villa ng mga Lacsamana. Nararamdaman kong napapasulyap siya sa rearview mirror, ngunit hindi niya magawang isatinig kung anuman ang kaniyang iniisip. Siguro’y nagulat siya, na sa halos tatlong taon kong pananahimik at pag-iwas sa aking pamilya, ay bigla akong tatawag para magpasundo sa kaniya. Pero alam ko, na sa kabila ng tatlong taon kong pag-abandona sa mga Martinez ay nasa akin pa rin ang kaniyang katapatan. “How’s Marco?” Mahina kong tanong. Ramdam kong hindi na siya komportable sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Ngunit ayaw kong mapag-usapan ang nangyari sa villa. Ayaw kong banggitin ang sinuman sa mga Lacsamana. Ayaw ko munang isipin kung gaano kawasak ang puso ko ngayon. Ayaw ko muna. “He’s fine. Every summer since he’s fifteen, ipinapadala siya sa El Nido para mamahala sa hotel ninyo at makita ng personal ang produksyon ng mga tela at muwebles. Naniniwala si Señor Santiago na sa paraa

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 4

    Autumn's Point of ViewNang makarating sa ikalawang palapag, lumiko ako agad sa kaliwang pasilyo para magtungo sa kuwarto ni Radleigh.Noon, dito kami natutulog. Ngunit mabibilang lang ang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, dahil minsan lamang siyang umuwi. Madalas siyang magtravel abroad para sa negosyo at halos inuumaga siya sa pakikipagmeeting sa ilang investor.Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng master bedroom nang matigilan ako.“Rad…”“Hmm…”Malalambot na ungol ang narinig ko galing sa pinto.Kung sinuman ang nasa loob, tila nakalimutan nilang magsara ng maayos ng pinto kaya naririnig ang mga ungol sa labas.“I missed you, Rad… do you miss me too?”Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko. Unti-unti iyong bumabaon habang lumalakad ako palapit sa nakasiwang na pinto.Hindi ko pa nakikita ng personal si Klea. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Ngunit alam ko, na siya iyon… ang boses na ‘yon.“Ugh, Rad… careful, please.”Gusto kong silipin. Gusto kong makita.

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 3

    Autumn’s Point of ViewHapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga. She's a sweet old lady.Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasy

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 2

    Autumn's Point of ViewSandaling dumaan ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita, tumitig lamang siya sa akin na para bang nahihiwagaan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Hindi rin nagtagal at nag-iwas siya ng tingin, parang mas lalong nagalit. Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. “Stop it, Amber. Don't make me laugh with your jokes.” Pinisil ng maliit na kamay ang puso ko. Gusto ko ulit matawa. Sana nga biro lamang iyon. Sana nga, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit iyon ang totoo, iyon ang nilalaman ng puso ko. Natatakot akong kapag maghiwalay kami ay hindi ko na kayang magmahal kagaya kung paano ko siya minamahal ngayon. “Sa una pa lang, alam natin pareho na walang patutunguhan ang pagpapakasal nating dalawa. Napilitan ka dahil kailangan mo ng matitir’han, samantalang ako, napilitan dahil sa kondisyon ni Abuela. Pareho tayong namanipula ni Abuela para magpakasal sa isa’t isa.” Tumalikod siya, hindi na gustong ibalik ang tingin sa akin. Habang

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 1

    Autumn’s Point of View Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Hindi ko rin kayang paniwalaan na ang asul na tintang naroon sa ibaba ng pape ay pirma ni Radleigh. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin, at kahit na pinigilan ko ang sarili, hindi ko pa rin nagawang pigilan ang panunubig ng aking mga mata. May kung ano rin na nagbabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sasabihin. Para akong napipi. Nakatayo si Radleigh malapit sa bilugang mesa ng lanai. Ang malamig niyang likod ang aking nakikita. Is this what he really wants? Unti-unti akong tumayo para sundan siya sa lanai, alam kong naramdaman niya agad ang presensya ko, dahilan para maglakad din siya palayo sa akin. Pakiramdam ‘ko, takot siyang magkalapit kami. Na para bang may nakakahawa akong sakit. “Napirmahan ko na ang divorce agreement. I hope you do the same.” Malamig niyang turan, nanatiling nakatalikod sa akin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status