LOGINAutumn's Point of View
Sandaling dumaan ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita, tumitig lamang siya sa akin na para bang nahihiwagaan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Hindi rin nagtagal at nag-iwas siya ng tingin, parang mas lalong nagalit. Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. “Stop it, Amber. Don't make me laugh with your jokes.” Pinisil ng maliit na kamay ang puso ko. Gusto ko ulit matawa. Sana nga biro lamang iyon. Sana nga, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit iyon ang totoo, iyon ang nilalaman ng puso ko. Natatakot akong kapag maghiwalay kami ay hindi ko na kayang magmahal kagaya kung paano ko siya minamahal ngayon. “Sa una pa lang, alam natin pareho na walang patutunguhan ang pagpapakasal nating dalawa. Napilitan ka dahil kailangan mo ng matitir’han, samantalang ako, napilitan dahil sa kondisyon ni Abuela. Pareho tayong namanipula ni Abuela para magpakasal sa isa’t isa.” Tumalikod siya, hindi na gustong ibalik ang tingin sa akin. Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang lamig at ang galit niya para sa akin. “Pero ngayon, pwede na tayong maging malaya at itigil ang kabaliwan na ‘to. I’ll give you money and properties to start all over again. Sapat ang pera na ibibigay ko para makapagsimula ka ulit. Kung kulang, pwede kang lumapit sa akin at bibigyan kita ulit. May bahay ka rin na titir’han dahil ipapangalan ko sa’yo ang villa sa San Juan. May sasakyan ka rin na magagamit sa paglipat ng mga gamit mo papunta sa bago mong tirahan. Makukuha mo lahat ng kailangan mo at hindi ko iyon babawiin kung iyan ang ikinakatakot mo.” Muli, parang pinipisil ng bakal na kamay ang puso ko. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Nakapagplano na siya ng mabuti para makumbinsi akong pumirma sa diborsyo. “Klea is back… she needs me more than anything. And I need to stay by her side. Magiging hadlang ka lang sa amin kung ipipilit mo pa rin na manatili bilang asawa ko.” Kung sinampal na lang niya sana ako, mas kakayanin ko pa ang pisikal na sakit. Pero itong mga binibitiwan niyang salita, hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng puso ko at buong katawan. “T-tama na, Rad…” nanghihina kong pakiusap. Ngunit hindi niya yata iyon narinig dahil nagpatuloy pa rin siya. “Bago siya umalis, pinangakuan ko siyang pakakasalan ko siya sa kahit saang simbahan na gusto niya. Pero dahil sa nangyari… umalis siya nang hindi nagpapaalam. Akala niya, mababago ng eskandalong kinasangkutan niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ang hindi niya alam, walang makakapagpabago sa nararamdaman ko. I’ll forever cherish her. I will always think of marrying her.” Parang ulan na bumuhos na lamang bigla ang mga luha ko. Nag-unahan sila dahilan para mabasa ang magkabila kong pisngi. Sinubukan ko iyong palisin, ngunit patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga lintik na luha. Ito na yata ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa tanang buhay ko. He will forever cherish her. He will always think of marrying her. Na sa kabila ng kinasangkutang eskandalo ni Klea noon, hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya para rito. Kahit na naging trending sa buong bansa ang mga larawan nito kasama ang sikat na celebrity actor na may asawa na, hindi pa rin pala nagbago ang pagtingin niya rito. Patuloy niya pa rin pa lang minahal at mamahalin ang babaeng iyon. Kagaya ko, bulag din siya sa pag-ibig. “Klea?” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang paglambing ng boses niya. Naabutan kong nakalagay sa kaniyang tainga ang speaker ng kaniyang cellphone. Ni hindi ko napansin na tumatawag na pala ang babae sa kaniya. Kung kanina, puno ng lamig ang kaniyang boses, ngayo’y lumambot iyon at naging malambing. “Where are you?” Hindi ko marinig ang sinasabi ng kausap niya, ngunit mayroon yatang nangyari dahil napuno ng pag-aalala ang tono niya. Radleigh, the cold-hearted husband of mine, is now showing his emotion for another woman. “Saang ospital? Pupunta na ako. Just wait for me.” Mabilis niya rin na tinapos ang tawag. Nang humarap siya sa akin, para na lamang akong hangin na hindi niya makita, basta-basta na lamang niya akong nilagpasan at iniwan. Pupuntahan niya si Klea, walang duda. Nag-ugat na lamang ako sa kinatatayuan ko habang pinapakinggan ang mabibigat na yabag na papalayo sa akin. Pupuntahan niya si Klea… at iiwanan niya ako. Hindi ko alam na posible pa lang madagdagan ang pagkadurog ng durog na puso. Pinong-pino na iyon, mahirap nang pulutin ang mga pira-pirasong parte. Umihip ang malamig na hangin, at kahit kanina pa nakaalis si Radleigh, nasamyo ko pa rin ang pamilyar niyang pabango. Bumigat ulit ang dibdib ko at namuo na naman ang luha sa gilid ng mga mata ko. Dalawang taon na kaming kasal. Dalawang taon na rin akong nagtitiis sa piling niya at halos magpakaalipin sa pamilya niya. Iniwan at kinalimutan ko na rin ang pinagmulan ko upang makasama lamang siya nang matagal. Pinili kong manatili sa tabi niya at kalimutan ang maraming bagay sa nakaraan 'ko. Mas pinili kong isipin ang bukas na magkasama kaming dalawa. Dahil para sa akin, hangga't kasama ko siya, magiging masaya ako sa pinili kong buhay. Pero ngayon, ipinamukha niya sa akin na ang dalawang taon naming pagsasama ay isang malaking kahibangan lang pala. Sa dalawang taon naming pagsasama, habang mas minamahal ko siya ng sobra, siya nama'y tapat pa rin palang naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang minamahal. At ngayon na bumalik na si Klea, handa na siyang itapon na lang na parang basahan ang dalawang taon ng pagsasama naming dalawa. Ang dalawang taon na 'yon... ay walang halaga... para sa kaniya.Autumn’s Point of View Tahimik si Jacob nang sunduin niya ako sa labas ng villa ng mga Lacsamana. Nararamdaman kong napapasulyap siya sa rearview mirror, ngunit hindi niya magawang isatinig kung anuman ang kaniyang iniisip. Siguro’y nagulat siya, na sa halos tatlong taon kong pananahimik at pag-iwas sa aking pamilya, ay bigla akong tatawag para magpasundo sa kaniya. Pero alam ko, na sa kabila ng tatlong taon kong pag-abandona sa mga Martinez ay nasa akin pa rin ang kaniyang katapatan. “How’s Marco?” Mahina kong tanong. Ramdam kong hindi na siya komportable sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Ngunit ayaw kong mapag-usapan ang nangyari sa villa. Ayaw kong banggitin ang sinuman sa mga Lacsamana. Ayaw ko munang isipin kung gaano kawasak ang puso ko ngayon. Ayaw ko muna. “He’s fine. Every summer since he’s fifteen, ipinapadala siya sa El Nido para mamahala sa hotel ninyo at makita ng personal ang produksyon ng mga tela at muwebles. Naniniwala si Señor Santiago na sa paraa
Autumn's Point of ViewNang makarating sa ikalawang palapag, lumiko ako agad sa kaliwang pasilyo para magtungo sa kuwarto ni Radleigh.Noon, dito kami natutulog. Ngunit mabibilang lang ang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, dahil minsan lamang siyang umuwi. Madalas siyang magtravel abroad para sa negosyo at halos inuumaga siya sa pakikipagmeeting sa ilang investor.Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng master bedroom nang matigilan ako.“Rad…”“Hmm…”Malalambot na ungol ang narinig ko galing sa pinto.Kung sinuman ang nasa loob, tila nakalimutan nilang magsara ng maayos ng pinto kaya naririnig ang mga ungol sa labas.“I missed you, Rad… do you miss me too?”Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko. Unti-unti iyong bumabaon habang lumalakad ako palapit sa nakasiwang na pinto.Hindi ko pa nakikita ng personal si Klea. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Ngunit alam ko, na siya iyon… ang boses na ‘yon.“Ugh, Rad… careful, please.”Gusto kong silipin. Gusto kong makita.
Autumn’s Point of ViewHapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga. She's a sweet old lady.Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasy
Autumn's Point of ViewSandaling dumaan ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita, tumitig lamang siya sa akin na para bang nahihiwagaan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Hindi rin nagtagal at nag-iwas siya ng tingin, parang mas lalong nagalit. Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. “Stop it, Amber. Don't make me laugh with your jokes.” Pinisil ng maliit na kamay ang puso ko. Gusto ko ulit matawa. Sana nga biro lamang iyon. Sana nga, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit iyon ang totoo, iyon ang nilalaman ng puso ko. Natatakot akong kapag maghiwalay kami ay hindi ko na kayang magmahal kagaya kung paano ko siya minamahal ngayon. “Sa una pa lang, alam natin pareho na walang patutunguhan ang pagpapakasal nating dalawa. Napilitan ka dahil kailangan mo ng matitir’han, samantalang ako, napilitan dahil sa kondisyon ni Abuela. Pareho tayong namanipula ni Abuela para magpakasal sa isa’t isa.” Tumalikod siya, hindi na gustong ibalik ang tingin sa akin. Habang
Autumn’s Point of View Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Hindi ko rin kayang paniwalaan na ang asul na tintang naroon sa ibaba ng pape ay pirma ni Radleigh. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin, at kahit na pinigilan ko ang sarili, hindi ko pa rin nagawang pigilan ang panunubig ng aking mga mata. May kung ano rin na nagbabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sasabihin. Para akong napipi. Nakatayo si Radleigh malapit sa bilugang mesa ng lanai. Ang malamig niyang likod ang aking nakikita. Is this what he really wants? Unti-unti akong tumayo para sundan siya sa lanai, alam kong naramdaman niya agad ang presensya ko, dahilan para maglakad din siya palayo sa akin. Pakiramdam ‘ko, takot siyang magkalapit kami. Na para bang may nakakahawa akong sakit. “Napirmahan ko na ang divorce agreement. I hope you do the same.” Malamig niyang turan, nanatiling nakatalikod sa akin.







