LOGINAutumn's Point of View
Nang makarating sa ikalawang palapag, lumiko ako agad sa kaliwang pasilyo para magtungo sa kuwarto ni Radleigh. Noon, dito kami natutulog. Ngunit mabibilang lang ang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, dahil minsan lamang siyang umuwi. Madalas siyang magtravel abroad para sa negosyo at halos inuumaga siya sa pakikipagmeeting sa ilang investor. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng master bedroom nang matigilan ako. “Rad…” “Hmm…” Malalambot na ungol ang narinig ko galing sa p***o. Kung sinuman ang nasa loob, tila nakalimutan nilang magsara ng maayos ng p***o kaya naririnig ang mga ungol sa labas. “I missed you, Rad… do you miss me too?” Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko. Unti-unti iyong bumabaon habang lumalakad ako palapit sa nakasiwang na p***o. Hindi ko pa nakikita ng personal si Klea. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Ngunit alam ko, na siya iyon… ang boses na ‘yon. “Ugh, Rad… careful, please.” Gusto kong silipin. Gusto kong makita. Baka sa paraang ito, mapagtanto kong wala na talaga. Tapos na. Hindi ako ang mahal ni Radleigh at hindi ko mapapalitan si Klea. She will forever be the girl he will cherish in his life. Ikinuyom ko ang mga kamay. “Wait, Rad… paano kung pumunta rito ang asawa mo? Teka.. baka maabutan tayo.” Kahit na may pagtutol sa boses ng babae, narinig ko pa rin ang hagikhik niya pagkatapos ng kaniyang sinabi. Para siyang kinikiliti. Hindi ko na mapigilan, gusto kong makita, gusto kong masaksihan kung paano niya hawakan ang babaeng ito. Tumayo ako sa may p***o at ang siwang nito’y sapat para makita ko ang imahe ng babaeng nakaupo sa may vanity table. Nakasuot siya ng puting dress na animo'y inosente at isang anghel. Ngunit kasalungat iyon, dahil ang isang strap ay nakababa sa may braso at halatang nanunudyo siya sa kaharap. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Kalahati lamang ng kaniyang mukha ang aking nakikita, ngunit nakilala ko iyon agad. Kagaya sa mga larawan, ganitong-ganito rin ang kaniyang mukha sa personal. Maganda. Maamo. Humagikhik siya nang umangat ang kamay ni Radleigh papunta sa kaniyang strap at inayos iyon. Hindi ko makita si Radleigh. Natatakpan na ng p***o ang kaniyang kinatatayuan. Kung hindi niya pa hinaplos ang pisngi ni Klea ay hindi ko makikita ang kaniyang kamay. Masyado na akong pamilyar sa kaniya na nakilala ko agad ang kamay niya. Ang kamay na ‘yon na hindi niya maihawak sa akin, ay maingat nang humahaplos sa pisngi ng ibang babae. Sumikip ang daluyan ng hangin sa dibdib ko. “She’s no longer my wife. Wala rin akong pakialam kung makita niya tayo. It’s actually better that way, she’ll see that I… only belong with you.” Nakatingala si Klea, pinapanood niyang magsalita si Radleigh. Namungay ang mga mata niya at unti-unti niyang hinawakan ang kamay na nasa pisngi niya. “Thank you for waiting for me, Rad…” matamis niyang sabi saka dinala ang kamay ni Radleigh sa kaniyang labi. Wala sa sariling napaatras ako dahilan para tumama ang paa ko sa bangang nasa gilid ng pinto— iyong pinaglalagyan ng mga artificial na bamboo trees. Wala pala iyong pabigat kaya agad na natumba. Hindi iyon nabasag, ngunit lumikha iyon ng ingay. “Rad, may tao.” Rinig kong sabi ni Klea galing sa loob. It was embarrassing enough to watch them be intimate like that. Hindi ko hahayaan na mapahiya lang lalo sa harap nilang dalawa kapag naabutan nila ako ritong nanonood sa kanila. Mabilis akong tumakbo palayo, bumaba ng hagdan, at muling bumalik sa kusina. Nasulyapan ko ang balak na pagsalubong ni Manang Delfa sa akin, ngunit tumakbo na ako papunta sa backdoor. Nanlalabo ang mga mata ko habang tumatakbo. Ayaw kong umiyak, ngunit bumubuhos na naman ang mga lintik kong luha! The pain is unbearable this time. Ramdam ko ang pagtusok ng daan-daang karayom sa puso ko. Masyadong pisikal ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako magtataka kung bigla na lamang akong hahandusay at mawawalan ng hininga. Lumubog na ang araw, madilim ang langit, at nakabukas na ang mga ilaw sa daan. I felt so hopeless right now. I felt so... lost. Ganunpaman, nahanap ko pa rin ang daan pabalik sa guesthouse. At parang may sariling isip ang mga paa ko, dinala ako nito pabalik sa maliit na mesa na pinagpatungan ni Radleigh ng divorce paper. Hindi ko iyon pinirmahan kanina. Iniwan ko lang iyon sa ibabaw ng mesa, umaasang kusa iyong maglalaho kinabukasan. Ngunit sino ang niloloko ko? Hindi na iyon maglalaho pa. Hihintayin niya akong bumalik at pumirma. “It’s actually better that way, she’ll see that I… only belong with you.” “I... only belong with you.” Narinig na mismo ng mga tainga ko ang mga katagang iyon. Sa labi na niya mismo nanggaling ang mga salitang iyon. He only belongs to her. To Klea. Pinulot ko ang ballpen at mabilis na pinirmahan ang parteng may pangalan ko. Nang tapos na, mabagal akong naglakad papunta sa labas ng guesthouse. Wala nang rason para manatili pa rito sa mga Lacsamana kung si Radleigh na mismo ang nagdala kay Klea. He will fight for her. He will make her stay here. At ako, ako ang dapat na umalis para magbigay ng espasyo para kay Klea. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at ngumiti ng maliit. Inilabas ko ang telepono at hinanap ang pamilyar na numero. “You have nothing outside this marriage.” Iyon ang paniniwala niya. Dalawang ring lang ay mabilis nang sumagot ang nasa kabilang linya. “Señorita...” bati ng pamilyar na boses. It was Jacob. My personal butler. “C-can you pick me up here, Jay?“ Nabasag ang boses ko. “Right away, m'lady.“ Mabilis niyang tugon, hindi n hinintay ang eksplenasyon.Autumn’s Point of View Tahimik si Jacob nang sunduin niya ako sa labas ng villa ng mga Lacsamana. Nararamdaman kong napapasulyap siya sa rearview mirror, ngunit hindi niya magawang isatinig kung anuman ang kaniyang iniisip. Siguro’y nagulat siya, na sa halos tatlong taon kong pananahimik at pag-iwas sa aking pamilya, ay bigla akong tatawag para magpasundo sa kaniya. Pero alam ko, na sa kabila ng tatlong taon kong pag-abandona sa mga Martinez ay nasa akin pa rin ang kaniyang katapatan. “How’s Marco?” Mahina kong tanong. Ramdam kong hindi na siya komportable sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Ngunit ayaw kong mapag-usapan ang nangyari sa villa. Ayaw kong banggitin ang sinuman sa mga Lacsamana. Ayaw ko munang isipin kung gaano kawasak ang puso ko ngayon. Ayaw ko muna. “He’s fine. Every summer since he’s fifteen, ipinapadala siya sa El Nido para mamahala sa hotel ninyo at makita ng personal ang produksyon ng mga tela at muwebles. Naniniwala si Señor Santiago na sa paraa
Autumn's Point of ViewNang makarating sa ikalawang palapag, lumiko ako agad sa kaliwang pasilyo para magtungo sa kuwarto ni Radleigh.Noon, dito kami natutulog. Ngunit mabibilang lang ang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, dahil minsan lamang siyang umuwi. Madalas siyang magtravel abroad para sa negosyo at halos inuumaga siya sa pakikipagmeeting sa ilang investor.Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng master bedroom nang matigilan ako.“Rad…”“Hmm…”Malalambot na ungol ang narinig ko galing sa pinto.Kung sinuman ang nasa loob, tila nakalimutan nilang magsara ng maayos ng pinto kaya naririnig ang mga ungol sa labas.“I missed you, Rad… do you miss me too?”Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko. Unti-unti iyong bumabaon habang lumalakad ako palapit sa nakasiwang na pinto.Hindi ko pa nakikita ng personal si Klea. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Ngunit alam ko, na siya iyon… ang boses na ‘yon.“Ugh, Rad… careful, please.”Gusto kong silipin. Gusto kong makita.
Autumn’s Point of ViewHapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga. She's a sweet old lady.Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasy
Autumn's Point of ViewSandaling dumaan ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita, tumitig lamang siya sa akin na para bang nahihiwagaan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Hindi rin nagtagal at nag-iwas siya ng tingin, parang mas lalong nagalit. Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. “Stop it, Amber. Don't make me laugh with your jokes.” Pinisil ng maliit na kamay ang puso ko. Gusto ko ulit matawa. Sana nga biro lamang iyon. Sana nga, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit iyon ang totoo, iyon ang nilalaman ng puso ko. Natatakot akong kapag maghiwalay kami ay hindi ko na kayang magmahal kagaya kung paano ko siya minamahal ngayon. “Sa una pa lang, alam natin pareho na walang patutunguhan ang pagpapakasal nating dalawa. Napilitan ka dahil kailangan mo ng matitir’han, samantalang ako, napilitan dahil sa kondisyon ni Abuela. Pareho tayong namanipula ni Abuela para magpakasal sa isa’t isa.” Tumalikod siya, hindi na gustong ibalik ang tingin sa akin. Habang
Autumn’s Point of View Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Hindi ko rin kayang paniwalaan na ang asul na tintang naroon sa ibaba ng pape ay pirma ni Radleigh. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin, at kahit na pinigilan ko ang sarili, hindi ko pa rin nagawang pigilan ang panunubig ng aking mga mata. May kung ano rin na nagbabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sasabihin. Para akong napipi. Nakatayo si Radleigh malapit sa bilugang mesa ng lanai. Ang malamig niyang likod ang aking nakikita. Is this what he really wants? Unti-unti akong tumayo para sundan siya sa lanai, alam kong naramdaman niya agad ang presensya ko, dahilan para maglakad din siya palayo sa akin. Pakiramdam ‘ko, takot siyang magkalapit kami. Na para bang may nakakahawa akong sakit. “Napirmahan ko na ang divorce agreement. I hope you do the same.” Malamig niyang turan, nanatiling nakatalikod sa akin.







