Share

Kabanata 5

Author: Divina Gracia
last update publish date: 2026-11-12 17:31:57

Autumn’s Point of View

Tahimik si Jacob nang sunduin niya ako sa labas ng villa ng mga Lacsamana. Nararamdaman kong napapasulyap siya sa rearview mirror, ngunit hindi niya magawang isatinig kung anuman ang kaniyang iniisip.

Siguro’y nagulat siya, na sa halos tatlong taon kong pananahimik at pag-iwas sa aking pamilya, ay bigla akong tatawag para magpasundo sa kaniya.

Pero alam ko, na sa kabila ng tatlong taon kong pag-abandona sa mga Martinez ay nasa akin pa rin ang kaniyang katapatan.

“How’s Marco?” Mahina kong tanong.

Ramdam kong hindi na siya komportable sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

Ngunit ayaw kong mapag-usapan ang nangyari sa villa. Ayaw kong banggitin ang sinuman sa mga Lacsamana. Ayaw ko munang isipin kung gaano kawasak ang puso ko ngayon.

Ayaw ko muna.

“He’s fine. Every summer since he’s fifteen, ipinapadala siya sa El Nido para mamahala sa hotel ninyo at makita ng personal ang produksyon ng mga tela at muwebles. Naniniwala si Señor Santiago na sa paraan na ‘yon, matututo ng mas maaga sa pamamahala ng negosyo si Marco.”

Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana.

Sa ilang taon kong pagkawala, alam kong naipon ang galit ng nag-iisa kong kapatid sa akin. Nawala ako, kaya siya ang hahalili sa akin sa pamamahala sa ibang negosyo kahit na nakapakabata niya pa.

Bago ako umalis, ako na dapat ang magpapalakad sa mga negosyo namin dito sa Pilipinas. Habang siya, nakapokus muna sa pag-aaral at pagpapalago ng kasanayan sa iba't ibang larangan.

But I was too selfish to think about him anymore. Nang malaman na may balak ang ama ko na ipagkasundo ako sa isang mayamang pamilya, doon tuluyang naubos ang aking pasensya. Bakit niya pa ako sinanay sa pamamahala ng negosyo kung ipapakasal niya rin pala ako sa isang lalaki na papalit din sa akin sa pamamahala?

What was my training for?

At maski sa desisyon ng pagpapakasal, siya pa rin ba ang masusunod?

Kailan ako magkakaroon ng kalayaan sa sarili kong desisyon?

I was too bitter. Too scared. Kaya nang makahanap ng tyempo para maglayas at magtago, ginawa ko ang lahat para tuluyang makatakas.

Dad was merciless. Alam ko na kapag wala na ako, pipilitin niyang i-train si Marco para maihanda nang mas maaga sa pagpalit sa akin sa pamamahala ng mga negosyo.

Hindi nga ako nagkamali.

“And… Dad?” Parang banyaga ang salitang iyon.

“He’s in Mexico, m’lady.”

Mexico.

Hindi ko na kailangan na magtanong, alam ko na kung ano ang ginagawa niya sa Mexico. Madalas siyang magpunta roon para pamahalaan ang malalaking casino.

Doon din naman kasi nanggagaling ang malaking porsyon ng income namin— sa mga pasugalan.

Naalala ko pa, noong maliit pa ako, isang casino lamang ang binabalik-balikan ng aking ama sa ibang bansa. Palugi na iyon dahil kaunti na lamang ang tumatangkilik, ngunit kaysa na ibenta, dahil nagiging abala lamang sa kaniyang pamamahala sa iba pa naming negosyo, inilaban niya pa rin iyon. Naniwala siyang darating ang panahon na iyon ang magbibigay sa amin ng malaking pera— mas maginhawang buhay.

Hindi siya nagkamali. Ngunit walong taon ang kinailangan niyang tiisin at pagtrabuan ng maigi bago makatanggap ng malaking salapi.

Simula nang lumago ang casino sa Mexico, mas naging madali ang pagpasok ng pera sa aming pamilya. Nakapag-invest na siya ng malaki sa real estate, government securities at ilang private equities dahil sa kinikita namin sa casino. Dumoble ang kita, kaya mas napabilis ang pagbili ng mga lupa at pribadong isla. Napadali rin ang pagtatayo ng mga restaurant, hotel at resorts sa kahit saang parte ng bansa.

Pero kahit na mabilis ang pasok ng pera, hindi pa rin naging madali ang buhay. Mas lalong naging malamig ang relasyon namin bilang mag-ama.

“And Marco’s mom?” Malamig kong tanong nang maalala iyon.

Naramdaman kong sumulyap si Jacob sa akin, ngunit binalewala ko iyon.

“Nasa Baguio si Mrs. Martinez dahil sa isang social event. Naimbitahan siyang dumalo sa isang exhibit na ang kikitain ay ipapamigay sa mga indigenous people.”

Bata pa ako nang magkasakit si Mommy, ni hindi ko na maalala ang mukha niya o kung ano'ng hitsura niya noong nagkasakit siya. Maaga siyang binawian ng buhay.

Maaga akong naulila.

At habang mag-isa ako sa Pilipinas, ang magaling ko palang ama ay bumubuo na ng sarili niyang pamilya sa ibang bansa. Huli ko nang nalaman na nagpakasal pala sila ni Rosette— ang ina ni Marco— sa ibang bansa noong sampung taong gulang pa lang ako.

Ikiniling ko bahagya ang ulo nang mapadaan kami sa isang bagong skyscraper. May malaking symbol iyon ng letrang M sa harap.

“Is that one of Martinez's new properties?” Tanong ko.

Sumulyap saglit sa side mirror si Jacob at nakita ang gusali.

“Yes, m’lady.”

Kung ganoon, nagpatuloy pa rin si Santi sa pagtayo ng mga skyscraper sa metro manila. Hindi niya pa rin pinapabayan ang real estate company kahit na nasa Mexico siya naglalagi.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

“Puwede bang huwag mo munang sasabihin sa kaniya na nakabalik na ako? Ako na mismo ang makikipag-usap sa kaniya kapag handa na ako.”

“Masusunod…” mabagal niyang tugon.

Lumiko ang sasakyan sa isang intersection. Nawala sa paningin ko iyong mataas na skyscraper, natakpan iyon ng ilan pang matataas na gusali.

Ilang taon akong sinanay ni Santi sa pamamahala ng negosyo. Sa edad na dise sais, may private tutor na ako para sa socio-economics, bonds, and business management courses. Tuwing summer, pinapadala niya ako sa mga pribadong isla para doon mag-aral kung paano pamahalaan ang mga resort at hotel na pagmamay-ari namin.

I was like an intern for five straight years. Hanggang noong nagkolehiyo ako, gumagawa siya ng paraan para maipasok ako sa real estate company namin upang maaga kong mapag-aralan kung ano ang ginagawa ng mga empleyado at executives.

Nakakapagod.

Nakakasawa.

At habang tumatagal, tingin ko’y para akong puppet na sumusunod na lang palagi sa kaniyang gusto. Walang kalayaan.

Napatulo ang pagmumuni-muni nang unti-unting tumigil ang sasakyan sa isang madilim na parking lot.

Kagaya ng bilin ko kay Jacob, gusto kong dumaan muna sa ospital bago kami dumiretso sa mansion.

Nangako akong bibisitahin ko si Abuela.

Sa huling pagkakataon, gusto kong bisitahin siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 5

    Autumn’s Point of View Tahimik si Jacob nang sunduin niya ako sa labas ng villa ng mga Lacsamana. Nararamdaman kong napapasulyap siya sa rearview mirror, ngunit hindi niya magawang isatinig kung anuman ang kaniyang iniisip. Siguro’y nagulat siya, na sa halos tatlong taon kong pananahimik at pag-iwas sa aking pamilya, ay bigla akong tatawag para magpasundo sa kaniya. Pero alam ko, na sa kabila ng tatlong taon kong pag-abandona sa mga Martinez ay nasa akin pa rin ang kaniyang katapatan. “How’s Marco?” Mahina kong tanong. Ramdam kong hindi na siya komportable sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Ngunit ayaw kong mapag-usapan ang nangyari sa villa. Ayaw kong banggitin ang sinuman sa mga Lacsamana. Ayaw ko munang isipin kung gaano kawasak ang puso ko ngayon. Ayaw ko muna. “He’s fine. Every summer since he’s fifteen, ipinapadala siya sa El Nido para mamahala sa hotel ninyo at makita ng personal ang produksyon ng mga tela at muwebles. Naniniwala si Señor Santiago na sa paraa

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 4

    Autumn's Point of ViewNang makarating sa ikalawang palapag, lumiko ako agad sa kaliwang pasilyo para magtungo sa kuwarto ni Radleigh.Noon, dito kami natutulog. Ngunit mabibilang lang ang pagkakataon na magkatabi kaming matulog, dahil minsan lamang siyang umuwi. Madalas siyang magtravel abroad para sa negosyo at halos inuumaga siya sa pakikipagmeeting sa ilang investor.Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng master bedroom nang matigilan ako.“Rad…”“Hmm…”Malalambot na ungol ang narinig ko galing sa pinto.Kung sinuman ang nasa loob, tila nakalimutan nilang magsara ng maayos ng pinto kaya naririnig ang mga ungol sa labas.“I missed you, Rad… do you miss me too?”Parang hinihiwa ng kutsilyo ang dibdib ko. Unti-unti iyong bumabaon habang lumalakad ako palapit sa nakasiwang na pinto.Hindi ko pa nakikita ng personal si Klea. Hindi ko pa naririnig ang boses niya. Ngunit alam ko, na siya iyon… ang boses na ‘yon.“Ugh, Rad… careful, please.”Gusto kong silipin. Gusto kong makita.

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 3

    Autumn’s Point of ViewHapon nang tumawag ang personal doktor ni Abuela. Hindi niya raw ma-contact si Radleigh, si Tito Tristan o si Tita Maggie, kaya ako na lamang ang tinawagan niya.“Tumaas na naman ang blood pressure ni Madam Clara kaya isinugod na muna namin siya sa ospital para matingnan ng mabuti ang kalagayan niya.” Imporma nito.Marami na ang karamdaman ni Abuela. Nariyang high blood siya, diabetic, may arthritis, at mahina na rin ang immune system kaya kaunting lamig lang ay nilalagnat at nagkakasakit na.Dati, nagkasakit din ito sa kidney kaya kailangan operahan, ilang buwan itong nakaratay lamang sa higaan at hinang-hina. Ako ang nag-alaga sa matanda noong mga panahon na ‘yon, isa ako sa caregiver sa isang pribadong ospital para sa matatanda at sa akin siya pinaalaga. She's a sweet old lady.Kalaunan, dahil sa madalas naming pagkikita at pag-uusap ay naging malapit na rin kami sa isa’t isa.Bago ko pa malaman na apo niya si Radleigh Lacsamana, naging maganda na ang relasy

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 2

    Autumn's Point of ViewSandaling dumaan ang gulat sa kaniyang mga mata. Hindi siya nakapagsalita, tumitig lamang siya sa akin na para bang nahihiwagaan siya sa mga sinasabi ko ngayon. Hindi rin nagtagal at nag-iwas siya ng tingin, parang mas lalong nagalit. Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. “Stop it, Amber. Don't make me laugh with your jokes.” Pinisil ng maliit na kamay ang puso ko. Gusto ko ulit matawa. Sana nga biro lamang iyon. Sana nga, hindi ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Ngunit iyon ang totoo, iyon ang nilalaman ng puso ko. Natatakot akong kapag maghiwalay kami ay hindi ko na kayang magmahal kagaya kung paano ko siya minamahal ngayon. “Sa una pa lang, alam natin pareho na walang patutunguhan ang pagpapakasal nating dalawa. Napilitan ka dahil kailangan mo ng matitir’han, samantalang ako, napilitan dahil sa kondisyon ni Abuela. Pareho tayong namanipula ni Abuela para magpakasal sa isa’t isa.” Tumalikod siya, hindi na gustong ibalik ang tingin sa akin. Habang

  • His Ex-Wife Is A Secret Billionaire Heiress   Kabanata 1

    Autumn’s Point of View Hindi ko pa rin maalis ang tingin sa divorce paper na nasa ibabaw ng mesa. Hindi ko rin kayang paniwalaan na ang asul na tintang naroon sa ibaba ng pape ay pirma ni Radleigh. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin, at kahit na pinigilan ko ang sarili, hindi ko pa rin nagawang pigilan ang panunubig ng aking mga mata. May kung ano rin na nagbabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sasabihin. Para akong napipi. Nakatayo si Radleigh malapit sa bilugang mesa ng lanai. Ang malamig niyang likod ang aking nakikita. Is this what he really wants? Unti-unti akong tumayo para sundan siya sa lanai, alam kong naramdaman niya agad ang presensya ko, dahilan para maglakad din siya palayo sa akin. Pakiramdam ‘ko, takot siyang magkalapit kami. Na para bang may nakakahawa akong sakit. “Napirmahan ko na ang divorce agreement. I hope you do the same.” Malamig niyang turan, nanatiling nakatalikod sa akin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status