“Doctor, bago kayo tuluyang tumira rito, may isang bagay akong kailangang sabihin sa inyo.”Napahinto si Althea sa paglalakad nang marinig ang boses ni Lourdes sa likuran niya.Kakapasok lang niya sa main entrance ng Montenegro mansion. Hawak niya ang maliit niyang overnight bag habang hinihintay ang isang staff na magdadala ng iba pa niyang gamit mula sa sasakyan. Sa labas, malamig ang hangin ng Tagaytay. Pero sa loob ng bahay, may kakaibang bigat na hindi niya maipaliwanag.“What is it, Lourdes?” tanong niya.Saglit na tumingin ang matandang housekeeper sa hagdan bago muling ibinalik ang tingin kay Althea.“Kapag may narinig kayong kakaiba sa gabi, huwag na lang po kayong lumabas ng kuwarto.”Napakunot ang noo ni Althea. “Anong ibig mong sabihin na kakaiba?”“Mga tunog lang po. Minsan may naglalakad. Minsan may bumubulong.”“May ibang nakatira ba rito bukod kay Dr. Rafael at kay Mrs. Montenegro?”Umiling si Lourdes. “Wala na po. Kami na lang ng ibang staff.”“Kung ganoon, sino ang n
Last Updated : 2026-11-16 Read more