LOGIN“Doctor, bago kayo tuluyang tumira rito, may isang bagay akong kailangang sabihin sa inyo.”
Napahinto si Althea sa paglalakad nang marinig ang boses ni Lourdes sa likuran niya.
Kakapasok lang niya sa main entrance ng Montenegro mansion. Hawak niya ang maliit niyang overnight bag habang hinihintay ang isang staff na magdadala ng iba pa niyang gamit mula sa sasakyan. Sa labas, malamig ang hangin ng Tagaytay. Pero sa loob ng bahay, may kakaibang bigat na hindi niya maipaliwanag.
“What is it, Lourdes?” tanong niya.
Saglit na tumingin ang matandang housekeeper sa hagdan bago muling ibinalik ang tingin kay Althea.
“Kapag may narinig kayong kakaiba sa gabi, huwag na lang po kayong lumabas ng kuwarto.”
Napakunot ang noo ni Althea. “Anong ibig mong sabihin na kakaiba?”
“Mga tunog lang po. Minsan may naglalakad. Minsan may bumubulong.”
“May ibang nakatira ba rito bukod kay Dr. Rafael at kay Mrs. Montenegro?”
Umiling si Lourdes. “Wala na po. Kami na lang ng ibang staff.”
“Kung ganoon, sino ang naglalakad?”
Hindi agad nakasagot ang matanda. Sa halip, bahagya siyang napayuko at inayos ang laylayan ng kaniyang uniporme.
“Pasensya na po, Doctor. Baka mas mabuti nang huwag na lang nating pag-usapan.”
Hindi na pinilit ni Althea ang sagot. Pero habang sinusundan niya si Lourdes papunta sa receiving area, hindi niya maiwasang isipin ang babala nito.
Hindi ito ang unang beses na nakaramdam siya ng kakaiba sa mansiyon.
At hindi rin ito ang unang pagkakataong may taong nagbabala sa kaniya tungkol sa bahay na iyon.
Malawak ang Montenegro mansion. Nasa isang mataas na bahagi ito ng Tagaytay, napapalibutan ng matataas na puno at maayos na landscaped gardens. Mula sa malalaking glass windows, tanaw ang malamig na ulap na unti-unting bumabalot sa mga burol.
Elegant ang bawat sulok. May marble flooring, imported furniture, malalaking chandeliers, at mga paintings na halatang pinaglaanan ng malaking halaga. Sa receiving area pa lang, puwede nang mapagkamalan ang bahay na isang luxury hotel.
Pero may isang bagay na hindi tugma sa lahat ng iyon.
Walang buhay ang paligid.
Walang tawanan. Walang nag-uusap nang malakas. Kahit ang mga staff ay tila nag-iingat sa bawat galaw. Mahina silang magsalita at halos walang tunog ang kanilang mga hakbang sa sahig.
“Dito po kayo, Doctor,” sabi ni Lourdes habang itinuturo ang isang mahabang hallway.
Sa magkabilang dingding ay nakasabit ang mga litrato ng pamilya Montenegro. May mga larawan ni Rafael sa iba't ibang medical conferences, award ceremonies, at charity events. Sa ilang litrato naman, kasama niya si Seraphina.
Maganda ang babae sa mga larawan. Confident ang kaniyang ngiti, matalim ang mga mata, at halatang sanay siyang humarap sa mga tao. May litrato rin silang dalawa sa isang hospital gala, parehong naka-formal attire at nakangiti sa camera.
Pero ang pinakamatagal na tinitigan ni Althea ay ang family portrait.
Nandoon sina Rafael at Seraphina, nakaupo sa isang eleganteng sofa. Sa gitna nila ang kambal na sina Lucas at Lia. Parehong nakasuot ng puting damit ang mga bata at masayang nakangiti.
Napahinto siya.
“Ang cute nila,” mahinang sabi niya.
Sumunod ang tingin ni Lourdes sa litrato. Biglang nagbago ang ekspresyon nito.
“Opo, Doctor. Napakabait po ng mga bata.”
“Matagal na ba silang wala?”
“Dalawang taon na po.”
“Pareho silang namatay sa hospital?”
Hindi agad sumagot si Lourdes.
“Hindi po ganoon kadali ang nangyari.”
Napalingon si Althea sa kaniya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Bago pa makasagot ang housekeeper, may narinig silang boses mula sa likuran.
“Lourdes.”
Pareho silang napalingon.
Nakatayo sa dulo ng hallway si Rafael Montenegro. Nakasuot ito ng dark blue sweater at tailored trousers. Maayos pa rin ang kaniyang itsura kahit halatang galing siya sa mahabang araw. May hawak siyang baso ng tubig habang nakatingin sa kanila.
“May kailangan ba ang doctor?” tanong niya.
“Wala naman po, Sir,” mabilis na sagot ni Lourdes. “Ipinapakita ko lang po ang mga litrato sa hallway.”
“Good.” Bumaling siya kay Althea. “I hope you're settling in comfortably.”
“Yes, Doctor. Thank you.”
“Alam kong maraming kailangang i-adjust sa unang mga araw mo rito. Pero please, feel free to ask Lourdes or any of the staff if you need anything.”
“Thank you. I appreciate that.”
Tumingin si Rafael sa family portrait.
“Napansin mo ang mga bata?”
“Opo. Ang saya nila sa picture.”
“Those were the happiest days of our lives.”
May kung anong lungkot sa boses nito. Pero hindi alam ni Althea kung tunay iyon o bahagi lamang ng imahe ng isang asawang nawalan ng pamilya.
“I'm sorry for your loss,” sabi niya.
Tumango si Rafael.
“Thank you. Hindi talaga madaling mawalan ng mga anak. Lalo na kung hindi mo man lang nagkaroon ng pagkakataong iligtas sila.”
Sandaling nanahimik ang lalaki bago muling tumingin sa kaniya.
“Anyway, dinner is at seven. I would like you to join us.”
“Us?”
“Me and my wife.”
Napatingin si Althea sa kaniya.
“Of course,” dagdag ni Rafael. “She may not be able to respond, but I still make it a point to have dinner with her every night.”
Hindi alam ni Althea kung ano ang isasagot.
“That's very thoughtful of you.”
Bahagyang ngumiti si Rafael.
“She's still my wife, Doctor. Kahit hindi niya ako kayang kausapin ngayon, hindi ibig sabihin na hindi ko na siya kailangang alagaan.”
Pagkasabi niya noon, tumalikod na siya at naglakad papunta sa study.
Naiwan si Althea na nakatingin sa direksiyon niya.
“Doctor,” mahinang tawag ni Lourdes.
“Yes?”
“Samahan ko na po kayo sa kuwarto ninyo.”
Sa second floor nakatalaga ang kuwarto ni Althea. Malapit ito sa guest lounge at ilang p***o lamang ang layo mula sa master bedroom ni Rafael at Seraphina.
Malaki ang silid, may king-sized bed, walk-in closet, sariling bathroom, at balcony na nakaharap sa garden. May fresh flowers sa bedside table at ilang complimentary items sa ibabaw ng dresser.
“Kung may kailangan po kayo, nasa kabilang hallway lang ang staff quarters,” paliwanag ni Lourdes.
“Thank you, Lourdes. By the way, sino ang iba pang staff dito?”
“Si Mang Isko po ang caretaker. Siya rin ang nag-aasikaso ng garden at maintenance. Si Elena naman po ang cook. May dalawa pa kaming housemaids, sina Mila at Cora. Ako po ang head housekeeper.”
“Matagal na kayong nagtatrabaho rito?”
“Labing-isang taon na po ako sa mga Montenegro.”
“Since before the twins?”
“Opo.”
Napansin ni Althea ang pagbabago sa mukha nito nang mabanggit ang mga bata.
“Close ka ba sa kanila?”
“Parang mga apo ko na rin po sila.” Bahagyang ngumiti si Lourdes, pero mabilis ding nawala iyon. “Mahilig po silang maglaro sa garden. Si Lucas, mahilig sa cars. Si Lia naman, laging may dalang stuffed rabbit.”
“I'm sure you miss them.”
“Every day, Doctor.”
Saglit na tumahimik ang matanda.
“Pero mas mabuti na pong hindi na natin masyadong pag-usapan ang nakaraan.”
Napabuntong-hininga si Althea. “Bakit parang lahat dito, takot pag-usapan ang mga nangyari?”
Hindi sumagot si Lourdes.
Sa halip, tumingin ito sa pintuan na bahagyang nakabukas.
“May mga bagay po kasi na kapag binalikan, mas maraming masakit na alaala ang bumabalik.”
“Para sa lahat ba iyon?”
Muling napatingin sa kaniya ang housekeeper.
“Lalo na po sa mga taong nandito pa rin.”
Pagkatapos ay nagpaalam na ito.
Naiwan si Althea sa loob ng kuwarto, nakatitig sa saradong p***o.
Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay hindi lang mga alaala ang iniiwasan ng mga taong nakatira sa mansiyon.
May mga katotohanan ding pilit nilang itinatago.
Pagsapit ng alas-sais ng gabi, bumaba si Althea para maghanap ng tubig. Wala siyang nadatnang tao sa receiving area kaya naglakad siya papunta sa dining room.
Doon niya narinig ang mahinang pagtatalo.
“Hindi ko na po kayang gawin iyon, Sir.”
Boses iyon ng isang babae.
“Then find someone who can,” sagot ng isang lalaki.
Huminto si Althea sa likod ng malaking pader na naghihiwalay sa dining room at hallway.
“Pero sinabi ko na po sa inyo, hindi normal ang nangyayari sa second floor.”
“Lower your voice.”
“Sir, naririnig ko po siya gabi-gabi.”
Sandaling katahimikan.
“Wala kang naririnig, Elena.”
“Pero—”
“I said, wala kang naririnig.”
Hindi na nagsalita ang babae.
Makalipas ang ilang segundo, narinig ni Althea ang mga yabag papalapit sa hallway. Mabilis siyang umatras at nagtago sa likod ng isang malaking cabinet.
Lumabas si Rafael mula sa dining room. Diretso ang tingin nito sa hallway at seryoso ang mukha. Nang mapansin ang ilaw sa may kitchen entrance, bahagya siyang huminto.
“Elena,” tawag niya.
“Opo, Sir?”
“Make sure everything is ready for dinner.”
“Opo.”
“Seven o'clock. Exactly.”
“Yes, Sir.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Rafael hanggang sa mawala ito sa paningin ni Althea.
Maya-maya, lumabas si Elena mula sa kitchen. Isa itong middle-aged woman na may suot na apron. Namumula ang mga mata nito na para bang katatapos lang umiyak.
“Good evening,” bati ni Althea.
Nagulat ang babae.
“Doctor! Hindi ko po kayo napansin.”
“It's okay. May kailangan ka ba?”
Umiling ito. “Wala naman po.”
“May narinig akong usapan ninyo ni Dr. Rafael. Is there a problem?”
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Elena.
“Wala po, Doctor. Personal matter lang.”
“May kinalaman ba kay Mrs. Montenegro?”
Hindi sumagot ang babae.
“Alam kong mahirap ang sitwasyon dito,” dagdag ni Althea. “Pero kung may concern ka tungkol sa condition niya, puwede mo namang sabihin sa akin.”
Napayuko si Elena.
“Hindi po tungkol sa condition niya ang problema.”
“Then what is it?”
Tumingin muna ito sa paligid bago bahagyang lumapit.
“Doctor, kung may marinig po kayo sa gabi, huwag kayong basta maniniwala sa mga sasabihin sa inyo ni Sir.”
Nanlamig ang pakiramdam ni Althea.
“Why?”
Pero bago pa makasagot si Elena, may boses na namang narinig mula sa likuran nila.
“May problema ba rito?”
Sabay silang napalingon.
Nakatayo si Rafael sa entrance ng dining room.
Hindi ito nakangiti.
“Wala po, Sir,” mabilis na sagot ni Elena. “Nagtatanong lang po si Doctor kung ready na ang dinner.”
Tinitigan muna ni Rafael ang cook bago ibinaling ang tingin kay Althea.
“Is there something you want to ask me, Doctor?”
Pinilit ni Althea na maging kalmado.
“Nothing important. I was just looking for water.”
“Then you should have asked Lourdes. Hindi mo kailangang maglibot nang mag-isa sa bahay.”
May kakaibang diin sa huling salita nito.
“I'm sorry. I didn't mean to disturb anyone.”
“It's fine.”
Pero hindi gumalaw si Rafael.
“Dinner is ready. Come with me.”
Eksaktong alas-siyete, nakaupo si Althea sa mahabang dining table kasama si Rafael.
Napakaraming pagkain ang nakahain. May soup, roasted chicken, pasta, salad, at ilang Filipino dishes. Pero iisa lang ang kapansin-pansin sa mesa.
Dalawa lang silang kumakain.
Sa kabilang bahagi ng dining room ay may isang upuang nakahanda, may puting tablecloth, silverware, at isang basong tubig. Para bang may hinihintay silang ikatlong bisita.
Napansin ni Althea na hindi iyon pinapansin ni Rafael.
“Do you always prepare three settings?” tanong niya.
Hindi agad sumagot ang lalaki.
“For Seraphina.”
Napatingin siya sa bakanteng upuan.
“Even though she can't eat?”
“She's still part of this family.”
May katahimikang sumunod.
“Sometimes I tell her about my day,” dagdag ni Rafael habang hinihiwa ang pagkain. “I tell her about the hospital, the people I've met, the things happening outside. I don't know if she hears me, but I like to believe she does.”
Hindi maiwasang mapatingin ni Althea sa lalaki.
Sa unang tingin, mukhang isang asawang hindi kayang bumitaw sa babaeng mahal niya.
Pero naalala niya ang video sa laptop.
Ang dalawang boses na nagtatalo.
Ang lalaking nagsabi ng, Walang makakaalam kung sino talaga ang nagmamaneho.
At ang tanong ni Rafael bago niya isinara ang laptop.
Would you still want to know who was behind the wheel?
“Doctor?” tawag nito.
Napabalikwas siya sa kasalukuyan.
“Yes?”
“Are you all right?”
“I'm fine.”
“Good. I hope you understand that I expect complete honesty from you. Especially when it comes to my wife.”
Tumango si Althea.
“Of course.”
“Whatever you discover about her condition, I want to know immediately.”
“I'll keep you updated.”
“Everything. Even the smallest change.”
May kung anong lamig sa paraan ng pagsasalita nito.
“Understood.”
Ngumiti si Rafael at muling nagpatuloy sa pagkain.
Pero hindi na nagawang tikman ni Althea ang pagkain sa harap niya.
Dahil sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa mansiyon, may isang bagay siyang lubos na naunawaan.
Hindi lang si Seraphina ang pasyente niya.
Pati ang buong bahay ay tila may sakit.
At si Rafael Montenegro ang taong may pinakamalaking kontrol dito.
Bandang alas-diyes ng gabi, nagpasya si Althea na bumalik sa kaniyang kuwarto. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga narinig mula kina Lourdes at Elena.
Bago siya pumasok sa silid, napansin niyang bahagyang nakabukas ang p***o ng master bedroom.
May ilaw sa loob.
Dahil sa propesyonal na responsibilidad niya, sumilip siya upang tingnan kung naroon si Seraphina.
Nakita niya ang babae na nakahiga sa kama, tahimik na nakakabit sa mga medical monitors. Nasa tabi nito si Rafael, nakaupo sa isang armchair habang hawak ang kamay ng kaniyang asawa.
“I'm here, Sera,” mahinang sabi nito. “I know you can hear me.”
Napahinto si Althea.
“Don't worry. Everything is under control.”
Dahan-dahang hinaplos ni Rafael ang kamay ng asawa.
“Walang makakagulo sa atin. Not anymore.”
May kung anong kakaiba sa huling pangungusap.
Hindi iyon tunog ng isang lalaking nagbibigay ng reassurance sa asawa.
Parang babala iyon.
Biglang tumunog ang cellphone ni Rafael. Tumingin siya sa screen at agad na tumayo.
“I have to take this,” bulong niya kay Seraphina.
Lumabas siya sa kabilang p***o ng kuwarto, hindi napapansin si Althea sa hallway.
Nang mawala ang lalaki, nagpasya si Althea na pumasok.
Lumapit siya sa kama at tiningnan ang monitor. Stable ang vital signs ni Seraphina, pero napansin niyang bahagyang nagbago ang heart rate nito.
“Mrs. Montenegro?” mahinang tawag niya.
Walang tugon.
Inayos niya ang kumot at napansin ang isang maliit na bagay na nakasiksik sa ilalim ng unan.
Isang piraso ng papel.
Dahan-dahan niya itong hinugot.
May nakasulat doon gamit ang mahinang sulat-kamay.
“He comes here every night to make sure I am still asleep.”
Nanlamig ang mga daliri ni Althea.
Muli niyang tiningnan ang babae.
“Mrs. Montenegro, ikaw ba ang sumulat nito?”
Walang sagot.
Pero habang nakatingin siya sa mukha ni Seraphina, napansin niyang may isang patak ng luha na dahan-dahang gumulong mula sa sulok ng nakapikit nitong mata.
Napaatras si Althea.
Hindi ito simpleng paggalaw ng katawan.
Hindi rin ito basta pagbabago sa vital signs.
May luha si Seraphina.
At kung totoo ang nakasulat sa papel, maaaring alam nito ang lahat ng nangyayari sa paligid niya.
Biglang may narinig siyang yabag sa hallway.
Mabilis niyang itinago ang papel sa bulsa at tumingin sa pintuan.
Nakatayo roon si Rafael.
“Doctor,” mahinahon niyang sabi. “What are you doing in my wife's room?”
“Just checking her condition.”
“Without informing me?”
“I'm her medical consultant. I thought—”
“Then you should know better than to enter a patient's room without proper reason.”
Hindi na sumagot si Althea.
Lumapit si Rafael sa kama at maingat na inayos ang kumot ni Seraphina.
“Good night, Sera,” bulong niya.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Althea.
“Let's talk outside.”
Walang nagawa si Althea kundi sumunod.
Pagkasara ng p***o, nawala ang mahinahong ekspresyon ni Rafael.
“May nakita ka ba sa loob?”
“Wala naman.”
“Are you sure?”
“Opo.”
Matagal siyang tinitigan ng lalaki bago bahagyang ngumiti.
“Good. Because there's something you need to understand about this house, Doctor.”
“What is that?”
Lumapit si Rafael nang kaunti.
“People who live here have learned to keep certain things to themselves. I suggest you do the same.”
Bago pa makasagot si Althea, tumunog ang cellphone nito.
Isang message mula sa unknown number.
UNKNOWN NUMBER: Huwag kang magtiwala kay Rafael. Hindi lang siya ang dahilan kung bakit hindi na makakauwi si Seraphina.
Nanlamig ang buong katawan ni Althea.
Pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang sumunod na message ang dumating.
UNKNOWN NUMBER: At kung gusto mong malaman kung sino talaga ang nasa kuwarto ni Seraphina tuwing alas-tres ng madaling-araw, huwag kang matulog ngayong gabi.
Dahan-dahan siyang napatingin sa master bedroom.
Alas-diyes na ng gabi.
At sa loob ng kwartong iyon, nakahiga ang isang babaeng sinasabing dalawang taon nang walang malay.
Pero may isang tanong na hindi na maalis sa isip ni Althea.
Kung talagang walang malay si Seraphina, sino ang nagpadala ng mensaheng iyon—at sino ang pumapasok sa kaniyang kuwarto tuwing alas-tres ng madaling-araw?
“Hindi ako ang pumatay sa pasyenteng iyon. Pero hanggang ngayon, ako pa rin ang sinisisi ng lahat.”Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi nang malakas. Siguro dahil tatlong gabi na akong halos hindi nakakatulog. O dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang isang pangyayaring matagal ko nang gustong kalimutan.St. Catherine Medical Center.Isang emergency surgery.Isang pasyenteng hindi na nakalabas nang buhay.At ang pangalan kong naging laman ng balita.Nakatayo ako sa harap ng salamin nang tumunog ang cellphone ko.Unknown Number.Doctor Sarmiento, your past doesn't disappear just because you changed hospitals.Nanlamig ang mga daliri ko.May sumunod na mensahe.Ask Rafael why he hired you.Napaupo ako sa gilid ng kama.Sa loob ng ilang segundo, hindi ako nakagalaw. Pagkatapos, sinubukan kong tawagan ang numero.Unreachable.“Of course,” bulong ko.Tiningnan ko ang oras. 6:12 AM.Sa labas ng bintana, unti-unting nawawala ang hamog sa hardin ng Montenegro mansion.
“Kung mahal na mahal mo talaga ang asawa mo, Rafael, bakit parang takot na takot kang magising siya?”Muntik nang mabitawan ni Althea ang hawak niyang coffee cup nang biglang pumasok sa isip niya ang tanong na iyon.Ilang oras na ang nakalipas mula nang makita niya ang mensahe sa bedside drawer ni Seraphina.Huwag mong sabihin sa kaniya na gising ako.Hindi niya alam kung kailan isinulat iyon ng pasyente. Hindi rin niya alam kung paano nito nagawang itago ang papel nang hindi napapansin ng mga taong nag-aalaga rito.Pero malinaw ang isang bagay: ayaw ni Seraphina na malaman ni Rafael na may posibilidad siyang maging conscious.At mas lalong hindi maintindihan ni Althea kung bakit.“Doctor?”Napatingin siya kay Rafael na nakaupo sa kabilang bahagi ng breakfast table.“Sorry?”“I asked if you slept well.”“Ah, yes. Thank you.”“Good. You look a little tired.”“Medyo marami lang akong iniisip tungkol sa case ni Seraphina.”Tumango si Rafael habang hinihiwa ang kaniyang toast.“I understa
“Kung comatose talaga ang asawa mo, Rafael, bakit parang alam niya kung kailan ka pumapasok sa kuwarto?”Napatigil si Althea sa pagbukas ng medical chart.Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isip niya ang tanong na iyon. Siguro dahil sa luha na nakita niya sa mata ni Seraphina kagabi. O dahil sa mysterious messages na natanggap niya bago matulog.Huwag kang magtiwala kay Rafael.Huwag kang matulog ngayong gabi.Pero ang pinakamatinding dahilan ay ang papel na nakita niya sa ilalim ng unan ni Seraphina.He comes here every night to make sure I am still asleep.Hindi niya alam kung sino ang sumulat noon. Hindi rin niya alam kung paano nakarating sa ilalim ng unan ang papel. Pero kung totoong kay Seraphina iyon, may posibilidad na mas malaki ang problema kaysa sa inaakala niya.“Doctor?”Napalingon si Althea sa pinto.Nandoon si Lourdes, may hawak na tray ng kape.“Good morning po. Hindi pa kayo nag-aalmusal?”“Not yet. Thank you, Lourdes.”Inilapag ng matanda ang tray sa malii
“Doctor, bago kayo tuluyang tumira rito, may isang bagay akong kailangang sabihin sa inyo.”Napahinto si Althea sa paglalakad nang marinig ang boses ni Lourdes sa likuran niya.Kakapasok lang niya sa main entrance ng Montenegro mansion. Hawak niya ang maliit niyang overnight bag habang hinihintay ang isang staff na magdadala ng iba pa niyang gamit mula sa sasakyan. Sa labas, malamig ang hangin ng Tagaytay. Pero sa loob ng bahay, may kakaibang bigat na hindi niya maipaliwanag.“What is it, Lourdes?” tanong niya.Saglit na tumingin ang matandang housekeeper sa hagdan bago muling ibinalik ang tingin kay Althea.“Kapag may narinig kayong kakaiba sa gabi, huwag na lang po kayong lumabas ng kuwarto.”Napakunot ang noo ni Althea. “Anong ibig mong sabihin na kakaiba?”“Mga tunog lang po. Minsan may naglalakad. Minsan may bumubulong.”“May ibang nakatira ba rito bukod kay Dr. Rafael at kay Mrs. Montenegro?”Umiling si Lourdes. “Wala na po. Kami na lang ng ibang staff.”“Kung ganoon, sino ang n
“Hindi si Seraphina ang nagmamaneho noong gabing iyon.”Napahinto si Althea sa pag-aayos ng medical chart.Nakatayo sa may pintuan si Rafael Montenegro, hawak ang isang basong tubig. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal naroon, pero siguradong narinig nito ang sinabi niya habang kausap ang neurologist sa telepono.“Excuse me?”Dahan-dahang inilapag ni Rafael ang baso sa bedside table.“You heard me.”“I'm sorry, Doctor. Akala ko sinabi ninyong siya ang driver noong accident.”“I said she was driving.”“Pero sinabi ninyo sa akin na hindi siya ang nagmamaneho.”Saglit na natahimik ang lalaki bago ngumiti.“I'm just testing how carefully you listen to your patients' medical history.”Hindi natawa si Althea.“That's not funny.”“I know.”Lumapit si Rafael sa kama at tiningnan ang asawa. Walang pagbabago sa mukha ni Seraphina. Nakapikit pa rin ang mga mata nito, tahimik at walang anumang senyales na narinig ang kanilang pag-uusap.“Two years ago, my wife and I had an accident. She was
“Doctor, may isang bagay lang akong gustong itanong bago ka pumayag sa trabahong ito.”Napahinto si Dr. Althea Sarmiento sa pag-abot sa tasa ng kape. Tiningnan niya ang lalaking nakaupo sa tapat niya.Si Dr. Rafael Montenegro.Isang kilalang pangalan sa medical industry. Respected hospital executive, successful surgeon, at bahagi ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Sa unang tingin, mukha itong gentleman na sanay makuha ang lahat ng gusto niya.“Anong tanong iyon, Doctor Montenegro?”“Naniniwala ka ba na may mga pasyenteng hindi na talaga nagigising?”Saglit na natahimik si Althea.“Depende po sa condition ng patient. May mga cases na matagal bago magkaroon ng improvement. Mayroon din namang hindi na talaga nakakabalik sa normal level of consciousness.”“What if two years nang ganoon ang isang tao?”“Hindi po natin puwedeng i-base sa tagal lang ng unconsciousness ang possibility of recovery.”Bahagyang ngumiti si Rafael. Pero hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti.“Good answer







