Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan
Dernière mise à jour : 2026-11-20 Read More