Se connecterMAYA POV
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.
Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot.
"Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko.
"Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang naglalampungan ni Chloe sa kwarto ko kaya agad ko siyang iniwan sa hotel."
"Ano?! Seryoso ka ba, Maya?! Sa wakas ay nagising ka na rin sa katotohanan! Teka, nasaan ka ngayon? Nagmumukmok ka ba sa bahay mo?" usisa at tanong niya.
"Hindi ako nagmukmok dahil nagpakasal pa rin ako kahapon," pagtatapat ko sa kanya. "Si Damon ang pinakasalan ko, Trixie. Ang nakatatandang kapatid ni Lance."
"WHAT THE!? Diyos ko po, Maya! Si Damon Ace Villafuerte?! Ang kinatatakutang bilyonaryo ng buong Pinas?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Trixie bago siya humagikgik. "Kaya pala paos na paos ang boses mo ngayon! Ano, kumusta naman sa kama ang isang Damon Villafuerte? Hindi ka ba pinatulog buong magdamag?"
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko sa walang prenong tanong ng kaibigan ko. "Trixie! Tumigil ka nga diyan, nakakahiya ka!"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may mainit at mabigat na bisig na pumulupot sa aking hubad na baywang mula sa ilalim ng kumot. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang matipunong dibdib ni Damon na dumikit sa aking likuran. Gising na pala ang loko at mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin ni Trixie. Dahan-dahan niyang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg at nagbigay ng maiinit na halik sa aking balikat kaya agad na nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko.
“Bakit hindi mo iparinig sa kaibigan mo kung sino na ang nagmamay-ari sa iyo ngayon, Maya?” bulong ni Damon mismo sa tainga ko. “Sabihin mo sa kanya kung paano ka nagmamakaawa habang nakatali ang mga kamay mo’t nasa ibabaw ako.”
"Damon! Manahimik ka nga!" namumula kong saway habang tinatakpan ang bibig niya, ngunit narinig ko na ang malakas na tili ni Trixie bago nito pinatay ang tawag.
Mahinang tumawa si Damon at walang kahirap hirap akong pinaharap sa kanya bago niya muling ikinulong ang katawan ko sa ilalim ng kanyang mga braso. Bumaba ang kanyang palad upang haplusin ang aking hita, habang ang kanyang mga labi naman ay muling inangkin ang mapupula kong labi.
"Good morning, my beautiful wife. Are you sore down there? Masakit pa ba ang katawan mo? Gusto mo bang sabay na tayong maligo at paliguan kita?" piliyong tanong niya sa akin.
"Huwag na! Baka kung saan na naman mapunta ang paliligo na sinasabi mo at hindi na talaga ako makalakad mamaya," mataray kong sagot kahit halos sumabog na ang puso ko sa sobrang kilig at kaba.
Natawa na lamang siya bago inabot ang kanyang telepono upang tawagan ang kanyang sekretarya.
"Give me the ring I bought in Milan," utos ni Damon sa kanyang tauhan. "Ipasa mo na rin sa mga abogado ko ang kasunduan para mailipat sa pangalan ng asawa kong si Maya ang 10% shares ko sa Villafuerte Corporation."
Agad akong napabangon sa narinig ko. "Nababaliw ka na ba, Damon? Bilyong piso ang halaga ng shares na iyon! Akala ko ba ay palabas lang ang lahat ng ito?"
"Lahat ng pagmamayari ko ay sa iyo na rin ngayon, Maya, kaya huwag ka nang tumutol pa," seryoso niyang sagot bago muling tumunog ang kanyang telepono. Pangalan ni Don Alejandro ang nabasa ko, ang kanilang lolo.
"Damon! Narinig ko ang kapalpakan ng kapatid mong si Lance kahapon!" galit na bungad ng matanda sa linya. "Ikaw na lang ang pagasa ko! Kailan ka ba magaasawa at bibigyan ako ng apo sa tuhod?!"
Isang malamig at mapang-angking ngisi ang sumilay sa mga labi ni Damon habang mariin niyang hinawakan ang aking baywang upang hindi ako makagalaw.
"Huwag kayong mag alala, Lolo. Sisiguraduhin kong matutuwa kayo sa sorpresang ihaharap ko sa inyo sa Lunes ng gabi at baka nga malapit na rin kayong magkaroon ng apo."
Nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa walang prenong sinabi ni Damon. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa aking mukha habang naririnig ko ang malakas at masayang halakhak ni Don Alejandro sa kabilang linya. Agad kong hinampas nang malakas ang kamay niyang nakapatong pa rin sa tiyan ko at pinandilatan siya ng mata, ngunit sa halip na alisin iyon ay lalo pa niyang idiniin ang mainit niyang palad sa balat ko.
"Aasahan ko iyan, Damon! Dalhin mo siya rito sa mansyon para makilala ko na!" masiglang sabi ng matanda bago tuluyang naputol ang linya.
Pagkababa na pagkababa niya ng telepono ay agad ko siyang pinaghahampas ng malambot na unan sa dibdib.
"Nababaliw ka na ba talaga, Damon?! Anong apo ang pinagsasabi mo sa Lolo mo?!" singhal ko sa kanya habang pilit na itinatago ang matinding pamumula ng aking mga pisngi. "Kahapon lang tayo kinasal nang biglaan, tapos kung makapagbitaw ka ng salita riyan ay parang buntis na agad ako!"
Mahina lang siyang tumawa at walang kahirap-hirap na sinalo ang hawak kong unan bago niya ito inihagis sa paanan ng kama. Sa isang mabilis na galaw, hinila niya ang aking baywang kaya muli akong bumagsak nang diretso sa ibabaw ng kanyang hubad na katawan.
“May mali ba sa sinabi ko? Nakalimutan mo na ba kung ilang beses nating pinaghirapan iyon kagabi hanggang kaninang madaling-araw? Sa tindi ng ginawa natin at sa dami ng ipinasok ko sa loob mo, hindi na ako magtataka kung may nabuo na agad diyan."
"At sino namang nagsabi sa iyo na papayag akong magpabuntis agad nang ganoon kadali, aber? Kailangan ko pang makabawi kina Lance at Chloe eh.”
Isang mapanganib ngunit nakakabighaning ngisi ang sumilay sa labi ni Damon bago niya ako muling inikot pahiga at ikinulong sa pagitan ng kanyang mga bisig.
“Gawin mo ang lahat ng gusto mong paghihiganti sa kanila, pero tandaan mo, pagmamay-ari na kita. Bago ka lumabas sa pintong iyan, ipapaalala ko muna sa katawan mo at sa iyo kung sino ba talaga ako sa buhay mo.”
Pagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib."Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan. "Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan
MAYA POVNapangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot."Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko."Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang
Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. “Natatakot ka ba
Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan
“Tulong! Tulong! Parang awa niyo na, buksan niyo ang pinto! May tao pa rito sa loob, please!”Iyan ang sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sentido, ang mas nakakabigla pa ay ang makapal at maitim na usok na agad sumakal sa lalamunan ko. Agad akong napasinghap nang makita ko ang pagliyab ng buong paligid mula sa mamahaling kurtina hanggang sa kahoy na kisame ng aming mansyon sa Tagaytay. Pinilit kong bumangon mula sa sahig kahit nanghihina na ang aking mga tuhod. Tumakbo ako patungo sa mabigat na pintuan at buong lakas iyong kinabog habang umuubo. Sobrang hapdi na rin ng aking mga kamay dahil sa sobrang init ngunit wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas ang sarili ko. Sa gitna ng malalakas na lagablab, narinig ko ang pamilyar na mga yabag sa labas. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang boses ng aking asawang si Lance. Muli akong sumigaw sa pagkakaalang ililigtas niya ako. “Lance! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Buksa







