Partager

Kabanata 2

Auteur: Visaerra
last update Date de publication: 2026-11-20 19:17:19

Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. 

Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.

“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. 

“Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan ko sa labas ngayon at handa na rin ang huwes na magkakasal sa atin. Unless, of course, hanggang salita lang ang tapang mong hiwalayan si Lance?” 

Kumuyom ang kamao ko sa tahasang panghahamon niya. Hindi ko alam kung anong klaseng tapang o kabaliwan ang pumasok sa isip ko nang mga sandaling iyon. Siguro ay dahil sa matinding galit ko kina Lance at Chloe o dahil na rin sa nakakairitang pang-aasar sa boses ni Damon. Huminga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng suot kong puting gown. 

“Sige, I’ll accept your offer. Huwag kang magkakamaling umatras dahil baka pagsisihan mo na hinamon mo ang isang babaeng katulad ko.”

Ilang minuto ang nakalipas, mabilis akong naglakad palabas ng hotel at agad na sumakay sa likod ng marangyang sasakyan ni Damon. Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng pamilyar niyang amoy, nagulat ako nang makitang nandoon na siya sa loob. 

Naka-dekwatro siya habang walang emosyong inaayos ang cufflinks ng kanyang mamahaling suit, tila ba isang simpleng business meeting lang ang pupuntahan namin at hindi kasal. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, isang mabagal at mapanuring tingin na para bang hinuhubaran niya ako sa isip niya. Mayamaya pa’y sumilay ang isang aroganteng ngisi sa kanyang labi. 

“S-Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Damon. Bakit bigla mo na lang naisipang pakasalan ang babaeng dapat ay magiging asawa ng kapatid mo?”

“Ginagawa ko lang ito para sa pamilya natin, Maya. Isa pa, gusto na rin ni Lolo na makapag-asawa ako.” Isang munting pang-aasar na ngisi ang sumilay sa kanyang labi bago nagsalita ulit. “At tsaka, gusto ko lang asarin ang magaling kong kapatid. Masarap kasing angkinin at paglaruan ang mga bagay na sinayang niya.”

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, hindi ako kumbinsido sa paliwanag niya. Kilala si Damon bilang pinakamakapangyarihang tagapagmana sa buong Manila, isang lalaking walang kinatatakutan kahit pa ang sarili nilang angkan kaya nakakapagtaka na bigla siyang susunod sa utos ng matanda. 

Gayunpaman, hindi ko na lang iyon masyadong binigyan ng pansin dahil pareho naman kaming makikinabang sa kasunduang ito. Pagdating namin sa munisipyo, walang pagdadalawang isip kong pinirmahan ang certificate ng aming kasal. Sa loob lamang ng kalahating oras, legal na kaming mag-asawa. 

Paglabas namin agad kong kinuha ang cellphone ko at balak sanang tawagan ang driver para magpahatid sa bahay. Sobrang napagod ako ngayong araw, gusto nang mahiga upang ma-process lahat ng nangyari ngayon. Ngunit bago pa man ako makahakbang palayo, isang mainit at malaking palad ang humawak nang mahigpit sa aking pulso.

“Saan ka pupunta, Maya? Nandoon ang sasakyan natin ‘di ba?”

“Uuwi na ako para makapag pahinga, Damon. Tapos na rin naman akong magpirma ng certificate kaya magkita na lang ulit tayo kapag kailangan na nating humarap sa pamilya mo.”

“Sa mata ng batas, kasal tayong dalawa. Kaya kung saan ako nakatira, doon ka rin dapat umuwi. Hindi ko hahayaang matulog nang magisa ang asawa ko lalo na sa unang gabi ng aming kasal.”

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makapag reklamo dahil agad niya akong inakay papasok sa sasakyan. Dinala niya ako sa kanyang private mansion sa Forbes Park na napapalibutan ng matataas na pader at malawak na hardin. 

Pagdating ng gabi, binigyan ako ng katulong ng isang malambot at manipis na pantulog matapos kong maligo. Dahil bago pa lang ang lahat para sa aming dalawa, binalak kong pumasok nang tahimik sa guest room upang doon na lamang magpalipas ng magdamag. Marahan kong pinihit ang seradura ng p***o sa dulo ng pasilyo ngunit bigla akong napapitlag nang may mainit na bisig na pumulupot sa aking baywang mula sa aking likuran.

“At saan mo naman nakuha ang lakas ng loob na taguan ako sa sarili kong pamamahay, Maya?”

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Amoy alak siya, isang mamahaling whiskey na humalo sa natural niyang pabango at sobrang nakakaliyo iyon.

“D-Damon! Ano ba, lasing ka ba? B-bitawan mo nga ako!” 

Sa halip na sagutin ako, isang mababa at mapanganib na tawa ang kumawala sa lalamunan niya. Itinukod niya ang isang kamay sa p***o at ikinulong ako sa pagitan ng kanyang katawan.

“Akala ko ba ginagawa mo lang ito dahil sa pamilya mo, Damon? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin ngayon?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Sinong may sabi sa’yo na pwede kang matulog sa guest room?” nakangisi at mapaglarong bulong niya’t sinadyang iwasan ang tanong ko.  “Naroon sa dulo ang kwarto natin. Huwag mong subukang takasan ang tungkulin mo bilang asawa ko ngayong gabi, unless gusto mong dito mismo sa pasilyo natin gawin iyon?”

Bago pa ako makasagot at makapag mura, walang kahirap-hirap niya akong binuhat na parang isang sako sa kanyang balikat at naglakad papasok sa kanyang malawak na master’s bedroom.

“Damon! Ano ka ba! Let me go! Ibaba mo ako, you arrogant asshole—”

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil inihagis na niya ako sa gitna ng malambot na king-sized bed at agad na pumatong sa ibabaw ko. Sa ilalim ng liwanag  ng buwan na tumatagos sa glass wall, bahagyang bumukas ang suot niyang itim na silk robe, dahilan upang tumambad sa akin ang kanyang matipunong dibdib.

Wala na ang malamig at walang pakialam na CEO kanina sa munisipyo, nakikita ko na lang ang lalaking parang isang gutom na leon na handang sakmalin ang kanyang biktima.

“You are mine now, Mrs. Villafuerte. Ipapaalala ko sa matigas mong ulo gabi-gabi kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa’yo.”

Bago pa ako makapag protesta, bumaba na ang kanyang mukha at siniil ako ng isang malalim, mainit at mapusok na halik na tuluyang nagpawala sa buong sistema ko. Pilit akong nagpupumiglas sa simula, ngunit nang maramdaman kong gumapang ang kanyang malaki at mainit na palad sa ilalim ng suot kong silk nightgown, nakaramdam ako ng matinding kiliti at nakakapapasong init ng laman.

“Damon... I hate you!” habol-hiningang bulong ko nang bahagyang maghiwalay ang aming mga labi, subalit mahina lamang siyang tumawa at kinagat nang marahan ang aking ibabang labi.

“Hate me all you want, wife. Akin ka na ngayon at kahit umiyak pa ng dugo ang kapatid ko, hinding-hindi na kita ibabalik sa kanya. Never…”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Reborn to be Spoiled: Claimed by his Brother   Kabanata 5

    Pagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib."Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan. "Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan

  • Reborn to be Spoiled: Claimed by his Brother   Kabanata 4

    MAYA POVNapangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot."Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko."Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang

  • Reborn to be Spoiled: Claimed by his Brother   Kabanata 3

    Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. “Natatakot ka ba

  • Reborn to be Spoiled: Claimed by his Brother   Kabanata 2

    Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan

  • Reborn to be Spoiled: Claimed by his Brother   Kabanata 1

    “Tulong! Tulong! Parang awa niyo na, buksan niyo ang pinto! May tao pa rito sa loob, please!”Iyan ang sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sentido, ang mas nakakabigla pa ay ang makapal at maitim na usok na agad sumakal sa lalamunan ko. Agad akong napasinghap nang makita ko ang pagliyab ng buong paligid mula sa mamahaling kurtina hanggang sa kahoy na kisame ng aming mansyon sa Tagaytay. Pinilit kong bumangon mula sa sahig kahit nanghihina na ang aking mga tuhod. Tumakbo ako patungo sa mabigat na pintuan at buong lakas iyong kinabog habang umuubo. Sobrang hapdi na rin ng aking mga kamay dahil sa sobrang init ngunit wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas ang sarili ko. Sa gitna ng malalakas na lagablab, narinig ko ang pamilyar na mga yabag sa labas. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang boses ng aking asawang si Lance. Muli akong sumigaw sa pagkakaalang ililigtas niya ako. “Lance! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Buksa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status