Se connecterHabol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib.
Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.
“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”
Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.
“Natatakot ka ba? Ipiikit mo lang ang iyong mga mata at hayaan mong ipadama ko sa iyo kung paano ka dapat sinasamba bilang isang asawa.”
“A-At sinong may sabi sa’yo na natatakot ako? Naninibago lang ako dahil masyado kang malapit at ang init pa ng hininga mo sa leeg ko.”
“Kung ganoon, masanay ka na simula ngayong gabi. Dahil gabi gabi kong ipapaalala sa katawan mo na sa akin ka lang nakatali.”
Isang mapanuyang tawa ang kumawala sa kanya bago niya kinuha ang aking kamay at ipinatong iyon sa tapat ng kanyang kaliwang dibdib. Damang dama ko ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso na tila nakikipag karera sa sarili kong kaba.
Unti unting nawala ang takot sa aking sistema nang magsimula siyang magbigay ng maliliit at maiinit na halik mula sa aking panga pababa sa aking balikat. Maingat niyang hinubad ang suot kong night gown na para bang isa akong mamahaling kristal na ayaw niyang mabasag. Nang magdikit ang aming mga balat ay isang malalim na singhap ang kumawala sa aking bibig.
“D-Damon…” bulong ko sa gitna ng kanyang banayad na halik.
Pilit niyang ibinaon ang aking mga kamay sa ibabaw ng malambot na unan habang walang awa at puno ng kabagsikan niyang inaangkin ang aking namumulang labi. Sa bawat haplos at bulong niya ng aking pangalan, tuluyan akong nalunod sa isang matamis at nakakabaliw na gabi sa piling niya.
LANCE POV
“Grabe talaga, Pare ang lakas ng apog ni Maya kanina! Akala mo naman, kung sinong diyosa para mag-inarte at umatras sa kasal ninyo, samantalang para naman siyang tuod na walang kabuhay-buhay kasama! Napaka-boring, kadiri!”
Si Chloe na nasa gilid ko ay agad na nag-react. “Huwag naman kayong ganyan kay Maya, baka mamaya ay umiiyak na iyon sa kwarto niya ngayon. Kilala naman natin kung gaano siya ka baliw kay Lance, ‘di ba? Kaya sigurado akong nagpapapansin lang siya, akala siguro susuyuin siya ni Lance eh.”
“Pustahan pa tayo, Lance! Bago matapos ang linggong ito, gagapang pabalik ang babaeng iyon at magmamakaawa na ituloy ninyo ang kasal! Alam naman natin kung gaano siya ka desperada, ‘di ba?” natatawang insulto naman ni Marco, isa sa mga kaibigan ko.
“Hah! Kahit lumuhod pa siya sa harap ko, hinding-hindi ko na siya tatanggapin pa! Sa totoo nga lang, nagpapasalamat pa nga ako na nakawala na ako sa boring at manang na babaeng iyon! Nakakabagot siyang kasama!” mayabang na sagot ko naman sa kanila.
Sabay-sabay na naghiyawan ang buong grupo at itinaas ang kanilang mga baso, ngunit sobrang pait ng lasa ng alak nang dumaan iyon sa lalamunan ko. Kahit anong pagmamayabang ang lumabas sa aking bibig, hindi ko maipaliwanag ang bigat at inis na unti-unting bumabalot sa dibdib ko.
Sa nakalipas na mga taon, konting tampuhan lang namin, tinatadtad na agad ako ng sandamakmak na message at tawag ni Maya para humingi ng tawad kahit ako naman ang may kasalanan. Ngunit magha hatinggabi na hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-ri-ring ang cellphone ko. Hindi ko na natiis kaya bigla akong tumayo at agad na nagpaalam upang mag-CR.
Lumayo ako nang kaunti sa maingay naming table at agad na tinawagan ang numero ni Maya. Mabilis kong hinithit ang sigarilyo ko dahil sa sobrang frustration. Nakailang ring pa bago sinagot ang tawag, kaya lalong uminit ang ulo ko. Alam kong sinasadya niyang magpakipot para habulin ko siya. Pagkabukas na pagkabukas ng linya, hindi ko na napigilan ang galit ko.
“Maya! Tapos ka na ba sa pagpapapansin mo, ha?!” bulyaw ko agad sa kanya. “Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Pumunta ka rito ngayon din at lumuhod sa harap namin ni Chloe! Dahil kung hindi, tuluyan na talaga kitang kakalimutan! Naiintindihan mo? Nakakahiya ang ginawa mo sa amin!”
Inaasahan kong hahagulgol siya at magmamakaawa gaya ng lagi niyang ginagawa noon, pero bigla akong natigilan. Sa halip na iyak, narinig ko ang mahinang kaluskos ng kumot sa kabilang linya, kasunod ang isang mahina at mapang-akit na ungol mula mismo sa bibig ni Maya na nagpatigil sa paghinga ko.
“Huwag ka nang maghintay sa akin, Lance,” hinihingal at mapanuyang sagot niya na agad nagpakulo ng dugo ko. “Busy ako ngayon, h-huwag mo akong isturbuhin.”
Nanlaki ang mga mata ko at halos madurog ko ang hawak kong cellphone. Akmang sisigawan at mumurahin ko na siya nang biglang may sumingit na malalim, paos at pamilyar na boses ng lalaki mula sa tabi niya.
“Sino ba iyang kausap mo? Matulog na tayo. Pagod ka at pagod din ako.”
Biglang namayani ang nakakabinging katahimikan sa paligid ko. Namanhid ang buong katawan ko habang paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang boses na iyon. Sa sobrang panginginig ng kalamnan ko dahil sa matinding gulat at galit, nabitawan ko ang hawak kong sigarilyo.
“Sino iyang kasama mo, Maya?! Are you cheating on me?!” galit na galit at hindi makapaniwalang sigaw ko sa telepono.
Pagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib."Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan. "Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan
MAYA POVNapangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot."Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko."Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang
Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. “Natatakot ka ba
Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan
“Tulong! Tulong! Parang awa niyo na, buksan niyo ang pinto! May tao pa rito sa loob, please!”Iyan ang sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sentido, ang mas nakakabigla pa ay ang makapal at maitim na usok na agad sumakal sa lalamunan ko. Agad akong napasinghap nang makita ko ang pagliyab ng buong paligid mula sa mamahaling kurtina hanggang sa kahoy na kisame ng aming mansyon sa Tagaytay. Pinilit kong bumangon mula sa sahig kahit nanghihina na ang aking mga tuhod. Tumakbo ako patungo sa mabigat na pintuan at buong lakas iyong kinabog habang umuubo. Sobrang hapdi na rin ng aking mga kamay dahil sa sobrang init ngunit wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas ang sarili ko. Sa gitna ng malalakas na lagablab, narinig ko ang pamilyar na mga yabag sa labas. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang boses ng aking asawang si Lance. Muli akong sumigaw sa pagkakaalang ililigtas niya ako. “Lance! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Buksa







