Se connecterPagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito.
Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib.
"Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan.
"Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.
Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan ang mga iyon gamit ang sarili niyang mga kamay.
Ang mga daliri niyang sanay humawak ng bilyong pisong kontrata ay walang arteng binabalatan ang hipon at maingat na inilagay iyon sa aking pinggan. Dahan-dahan din itong nagsandok ng karne at gulay at ibinigay sa akin.
Habang nakatingin ako sa napupuno kong plato ay biglang nanlabo ang aking paningin dahil sa mainit na luhang namuo sa aking mga mata. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong nagpakapagod sa kusina upang ipagluto si Lance kahit pa palagi akong napapaso o ‘di kaya’t nasusugatan. Ngunit sa tuwing ihahain ko ang pagkain sa kanya ay lagi lang siyang nagrereklamo, nagdadabog at itinatapon ang ulam sa basurahan bago siya aalis upang kumain sa labas kasama si Chloe. Hindi daw masarap ang ulam at napaka-cheap pa.
Kailanman ay hindi ko naranasang pagsilbihan at pahalagahan nang ganito. Ngunit isang butil ng luha ang tuluyang pumatak sa aking pisngi kaya agad na natigilan si Damon.
"Are you crying? May masakit ba sa katawan mo? Am I going to call a doctor?" kunot-noong tanong niya subalit napailing ako.
"Wala, napuwing lang ako,” palusot ko.
Pagkatapos naming maghapunan ay inakay niya ako patungo sa malawak na salang tanaw na tanaw ang garden. Kumuha siya ng isang maliit na velvet box mula sa kanyang bulsa at binuksan iyon sa harap ko. Tumambad sa aking paningin ang isang napakagandang singsing habang kumikinang ang dyamante nito sa gitna. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at dahan dahang isinuot iyon sa ring finger ko. Sakto ang sukat niyon daliri ko na para bang matagal na niyang alam ang size at details ng kamay ko.
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito, Damon? Noon naman ay sobrang sungit mo na sa akin, tapos ngayon binigyan mo ako ng ganito, parte pa ba ito ng kasunduan natin," naguguluhan kong tanong habang nakatitig sa kumikinang na singsing na binigay niya.
"Ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang asawa mo, Maya,” mahina niyang sagot at seryosong tinitigan ako.
Akmang sasagot pa sana ako nang biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng cellphone ko sa aking bulsa. Nang kunin ko iyon, bumungad na naman sa screen ang pangalan ni Lance. Dahil sa inis ay agad kong sinagot iyon upang tapusin na ang kahibangan niya.
"Maya! Tapos ka na bang mag-inarte diyan? Tapos na ba ang tampu-tampuhan mo? Kung ganun nasaan ka?!” galit na galit na sigaw ni Lance sa kabilang linya. "Alam kong lasing lang ako kagabi sa club kaya kung sinong lalaki lang ang binayaran mo para pagselosin ako tama ba?! Umuwi ka na rito ngayon din, mag-sorry ka at lumuhod sa harap ni Chloe bago pa maubos ang pasensya ko sa’yo!"
"Nasisiraan ka na ba talaga ng bait, Lance?! O baka ang hina lang ng comprehension mo kaya di ka makaintindi?" matapang at matalim kong sagot sa kanya. "Kahit kailan ay hinding hindi na ako babalik sa isang basurang katulad mo kaya tigilan mo na ako! Huwag ka ngang tawag ng tawag sa akin, tapos na tayo! Magsama kayo ni Chloe! Mas bagay kayo, pareho kayong mga basura."
Biglang nagdilim ang mukha ni Damon sa tabi ko at marahas niyang kinuha ang telepono mula sa aking kamay.
"Itigil mo na ang panggugulo sa asawa ko kung ayaw mong mawala sa iyo ang lahat ng pinaghirapan mo," malamig na babala ni Damon sa linya.
Natahimik nang ilang segundo si Lance sa kabilang linya dahil ngayong wala na siyang amats ng alak ay malinaw na niyang narinig ang pamilyar at nakakakilabot na boses na iyon, ngunit dahil sa taas ng tingin niya sa sarili ay hindi niya kailanman inisip na ang sarili niyang kuya ang kausap niya.
"Sino ka bang hayop ka ha?! Bakit pamilyar ang boses mo?! Sabihin mo ang pangalan mo at sisiguraduhin kong dudurugin kita!" nanginginig sa galit na bulyaw ni Lance.
"Malalaman mo rin kung sino ako sa lalong madaling panahon," nakangising sagot ni Damon bago niya tuluyang pinatay ang tawag at inihagis ang telepono sa sofa.
Pagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib."Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan. "Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan
MAYA POVNapangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot."Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko."Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang
Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. “Natatakot ka ba
Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan
“Tulong! Tulong! Parang awa niyo na, buksan niyo ang pinto! May tao pa rito sa loob, please!”Iyan ang sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sentido, ang mas nakakabigla pa ay ang makapal at maitim na usok na agad sumakal sa lalamunan ko. Agad akong napasinghap nang makita ko ang pagliyab ng buong paligid mula sa mamahaling kurtina hanggang sa kahoy na kisame ng aming mansyon sa Tagaytay. Pinilit kong bumangon mula sa sahig kahit nanghihina na ang aking mga tuhod. Tumakbo ako patungo sa mabigat na pintuan at buong lakas iyong kinabog habang umuubo. Sobrang hapdi na rin ng aking mga kamay dahil sa sobrang init ngunit wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas ang sarili ko. Sa gitna ng malalakas na lagablab, narinig ko ang pamilyar na mga yabag sa labas. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang boses ng aking asawang si Lance. Muli akong sumigaw sa pagkakaalang ililigtas niya ako. “Lance! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Buksa







