The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

By:  Babz07aziole  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
77Chapters
11.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...

View More
The Last Vampire Chronicles TAGALOG Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
77 Chapters
SYPNOSIS
The Last Vampire Chronicles Vampire/Zombie/Wolf Series Written by: Babz07aziole Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria.  Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labana
Read more
PROLOGUE
 MULA sa malayo kitang-kita  ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim.Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binata, hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag  sa napaka-guwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon.Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy, ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatubalani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul."Come near baby, wanna join me?"tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Kendra.

Read more

CHAPTER ONE
 WAY BACK TWENTY YEARS AGO... PATULOY ang digmaan sa tagong mundo--- ang Acceria, dahil sa ginawang pagmamatigas ng lahing Bampira. Pinamumunuan ito ng Hari na si Marcus, isa sa mga may purong dugo ng bampira sa mundo ng Acerria. Ngunit dahil sa ginawa niyang hindi pakikiisa sa kagustuhan ng dalawang lahi ay sumiklab ang malaking digmaan sa Acerria. Pinangunahan ito ng hari ng mga Zombie at ng mga Lobo. Nagkaisa ang dalawang magkaibang lahi na pagsamahin ang kanilang kaharian--- na tinatawag ngayong Zowol. Nagkaisa ang mga itong ubusin at tuluyang pabagsakin nang tuluyan ang kanilang lahi.  "Walang ititira sa mga lahi ng bampira!"marahas na sigaw ng Hari ng mga lobo na si Zandrew. Marahan niyang inilibot ang nagbabagang mga mata, tila may hinahanap sa kalagitnaan ng labanan. Nagkalat sa paligid ang hiwa-hiwalay na katawan mula sa mga kasamahang Zombie at Lobo, maski sa mga kaaway nilang bampira. Umaalin
Read more
CHAPTER TWO
  KASALUKUYAN... MATAMANG nakatitig mula sa madilim na kalsada ito, kitang-kita niya ang lalaki na palihim na sumusunod sa dalagang may kausap sa hawak nitong aparato. Nasa itaas siya ng puno ng narra kung saan kasalukuyan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang bawat galaw ng lalaki na tila may masamang binabalak sa babaeng sinusundan. Sa isang mabilisang galaw agad na nakalapit ang lalaki sa babae, hindi ito agad nakasigaw dahil mabilis na tinakpan ng lalaki ang labi nitong mamula-mula pa; dahil sa lipstick. Nagpumiglas ito ngunit bigla itong nanigas dahil sa agad itong tinutukan ng lalaki ng patalim sa beywang. "Huwag ka ng pumalag, kung ayaw mong isaksak ko itong hawak kong patalim sa'yo!"marahas at may lakip ng gigil na anas ng lalaki. Nagpalinga-linga pa ito, upang masigurong walang tao. "P-para mo ng
Read more
CHAPTER THREE
NAGPAALAM na si Kendra sa kaniyang ina, mag-aalasyite na ng gabi kaya binilisan niya ang galaw. Mahuhuli na siya sa klase niya sa University na kaniyang pinapasukan.   Panggabi ang klase niya dahil mas kumportable siya sa gabi, sa umaga naman ay tumutulong siya sa Mama Aliyah niya at Tita Trinity niya sa pagiimbalsamo.   Mabilis niyang tinalunton ang kakahuyan na nasa likuran ng kanilang bahay, ito ang dinadaanan niya kapag kailangan niya ng short cut na madadaanan.   Habang tumatakbo ramdam na ramdam niya ang malamig na pagaspas ng hangin sa kaniyang mukha, pakiramdam niya malayang-malaya siya sa mga oras na iyon.   Maliwanag ang dinadaanan niya sapagkat nakatanglaw sa kaniya ang bilog na bilog na buwan. Maiksi pa niya itong tinapunan ng pansin habang mabilis siyang tumatakbo at lumulukso sa mga sanga ng nagtatayugang puno. Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo ng tulad sa pangkarer
Read more
CHAPTER FOUR
AGAD na siyang tumayo mula sa pagkakaupo ng magsabi ng huling prof niya ngayong gabi ng dismissed.   Mabilis na niyang sinamsam ang lahat ng kaniyang mga kagamitan at agad nang naglakad paalis. Ayaw niyang maabutan siya ng lalaking iyon, masama ang kutob niya. Ilang beses niyang ginamit ang kakayahan niya upang makita ang mangyayari mamaya, ngunit pumalya lamang siya. Nanakit lang ang ulo niya sa ginawa niya.   Alas-onse na kaya mangilan-ngilan na ang mga estudyanteng naghihintay ng mga sundo nila. Nang makalagpas siya sa poste ng ilaw ay mabilis na siyang nagtatakbo na tulad ng mabilis na hayop pang gubat. Nagpalukso-lukso siya sa mga sanga ng puno. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang natigilan mula sa ere, kitang-kita niya ang namumulang mata nito na nakatutok sa kaniya. Bigla siyang natuliro, hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Ang balak niyang pagtalikod dito ay hindi na niya nag
Read more
CHAPTER FIVE
MABILIS na tinalunton ni Trinity ang daan palabas ng kanilang kaharian. Labis ang paghihimasik ng loob niya sa mga sandaling iyon.   Hindi niya pinansin ang patuloy na pagtawag sa kaniya ng inang Reyna niyang si Reyla. Labis siyang nanggalaiti sa isiping doon na sila maninirahan sa Kaharian ni Haring Frimo, isa sa mga nagtataasang pinuno ng mga bampira sa kanilang mundo.   Hindi niya aakalaing sa ilang taon lang ng pagkawala ng kanyang ama ay muling mag-aasawa ang ina at sa ama pa ng prinsipeng si Marcuss.   Kasama niya ito sa isa mga pagsasanay para sa mga katulad niyang bampira, lagi sila nitong nagkakakopetensya sa mga bagay-bagay. Masiyado itong mayabang at akala mo kung sino ng magaling kung umasta. Kinasusuklaman niyang mapapabilang siya sa pamilya nito.   Mabait ang ama nito ngunit ng malaman niyang anak nito si Marcuss ay bigla siyang naghimagsik. Ang dating magand
Read more
CHAPTER SIX
NAALIMPUNGATAN si Timothy dahil sa basang pamunas na inihilamos kaniya ni Aisha, ipinikit-bukas niya ang mga mata upang aninawin ang kaniyang paligid. Kahit papaano ay maayos-ayos na ang kanyang pakiramdam, hindi katulad noong nakarating siya sa mundo ng Acerria akala niya'y hindi na niya muling masisilayan ang mundong pinagmulan. Dumako ang mga mata ni Timothy ng maramdaman niya ang marahang paghaplos ng palad ni Aisha sa kanyang mukha. Bigla siyang naasiwa sa ginawa nito kaya upang tuluyan siyang mapabangon. "Hindi pa sapat ang paggaling ng iyong mga sugat mahal kong Prinsipe, kaya manatili ka lamang nakahiga kung maari."puno ng pagmamahal nitong paalala sa kanya. Si Aisha ang isa sa mga babaing umaaligid sa kanya sa mundo ng Acerria. Hindi naman niya ito maitaboy sapagkat maalalahanin at mabait naman ito. Muli siyang napapiksi ng maramdaman niya ang palad nito s
Read more
CHAPTER SEVEN
BUMUKAS-SARA ang malaking pinto kung saan naroroon ang bulwagan ni haring Hanzul. Ilang araw na rin si Timothy sa mundo ng mga Acerria sa ilang araw na iyon ay lagi siyang kasa-kasama ng kanilang bagong hari na si Hanzul. Hindi niya maunawaan ang sarili, bagamat ito ang pumaslang sa kaniyang ama ay hindi niya makuhang magalit dito ng lubusan. Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakikita ang tunay na ugali ng bago nilang hari. Hindi ito kasing sama ng inaakala niya, naratnan niya itong nakatayo mula sa terasa kung saan nakatunghay ang mala-asul nitong mga mata sa malawak na palibot ng kanilang kaharian. Mula sa hinintuang banda ay namalas ni Timothy ang nakabadhang kalungkutan sa mga mata ng haring Hanzul. Hindi siya agad nakalapit dito sapagkat unti-unti siyang binalot ng kakaibang puwersa, kung saan tinangay siya ng mga alaalang nagsilambayan sa isip ni Hanzul.

Read more

CHAPTER EIGHT
Agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid, bahagya pa siyang ng napahinto ng madatnan niyang naghahalikan si Phoebi at Verra. Hindi nito agad naisarado ang pintuan, tuluyan na siyang pumasok ng kanyang silid ngunit nanatili lamang nagtutukaan ang mga ito na tila hindi alintana ang pagpasok niya.   "Ehem!"malakas niya tikhim upang kahit paano ay matigil ang dalawa sa ginagawa.   Kaniya ang silid na kinaroroonan ng mga ito pero kung umasta ang dalawa ay tila pag-aari ng dalawa ang kaniyang silid. Ngali-ngali niyang sakmalin ang mga ito ng mga buhay.   Naiinggit ka lang kasi Timothy! Pilyong bulong ng isang bahagi ng isip niya.   "Hindi ako naiinggit! Tang ina!"Inis niyang sabi na hindi na niya namalayang naibigkas na pala niya.   Nagtawanan naman ang dalawa niyang k
Read more
DMCA.com Protection Status