Witchita's Guide to Successful Parenting
Pak na pak… She reminded me so much of Jadis, the White Witch from the movie titled ‘The Chronicles of Narnia’.
Nasa may parang lab kami nila na may mga halaman, cylinder, at iba pang apparatus. Magkakasama ulit kami sa upuan nina Chadleen at Ross. Biglang umihip ang malakas na hangin sa loob ng lab kaya niyakap ko ang sarili ko at napapikit na rin ng mga mata dahil sa lakas no’n. Sa muling pagdilat naming lahat ay mukhang ako lang ang nagulat na may libro na kaming kanya-kanya naming hawak. It was entitled as the Book of Spells.
“Flip your book on page seven, paragraph three,” panimula ni Madame Latakia.