OFW Wife of a Billionaire
nagtataka kong tanong sa kaniya.
"mmmm, ganito Lance kagaya ng laging bilin samin ni Daddy James, maliit lang ang tinutubo ng mga farmer na naghintay ng halos isang taon bago makapag harvest kaya kapag alam mong good quality na ito, wag mo na silang baratin. Imagine kikita ka din ng malaki kahit sa presyong binibigay nila bakit mo pa sila tatawadan ?!. tayong mga negosyante isang araw lang easy money na kagad. Samantalang silang mga famrer, buong taon! imagine, buong taon nilang aalagaan, minsan pag nadaanan pa ng bagyo , yung pinaghirapan nila lahat ay mababalewala." sagot niya sakin. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili ng punasan ko ang tumatagaktak na pawis sa kaniyang mukha. Naglikha ito ng ingay at tila pang-aasar mula sa mga
farmer na nginitian ko. Tumayo si Amara sa pagkailang at kunwaring tumulong sa mga itong mag-ayos ng kanilang mga na harvest. Sumunod na din ako sa kanila para matutunan ko ito kung papano.