Revenge of the Billionaire's Wife

Revenge of the Billionaire's Wife

last updateDernière mise à jour : 2025-02-24
Par:  HMAESTORIESEn cours
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Notes. 2 commentaires
43Chapitres
824Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Synopsis

Si Akiyama, Fumiya Harah ay isang Japanese na iniwanan sa Bahay ampunan ng kanilang inang Filipino. Lumaki si Harah kasama ng kaniyang kapatid na si Aryah sa Bahay Ampunan at doon sila kinuha ng mag asawang Rosemarie at Anthony Coleman. Mga magulang ni Jack Coleman. Lumaki si Harah sa pamilya Coleman at nahulog ang loob ni Jack sa dalaga. Kalaunan ay nabuo ang kanilang pag iibigan at naging mas malapit pa sa isa't isa. Nagpasya silang ikasal. Kaya lang sa mismong araw ng kasal nila Harah at Jack ay sinabotahe si Harah ng kaniyang kapatid na si Aryah. Nilagyan nito ng Aphrodisiac ang tubig na inumin ni Harah at nagkamali si Harah ng kwartong pinasukan. Pinadala ni Aryah bilang unknown sender ang mga larawan at video na nakuha niya sa Mansion ng mga Coleman at nagpanggap na inosente. Kinamuhian ng buong angkan ni Jack si Harah at itinaboy ito. Inagaw naman ni Aryah si Jack. Nang mapalayas si Harah ay naging isang pulubi si Harah, doon niya nakilala ang kaniyang ama at tinulungan siya nito. Makalipas lamang ang ilang taon ay bumalik si Harah sa Pilipinas kasama ng kaniyang triplets na anak para umattend sa gaganaping kasal ng kaniyang kapatid na si Aryah at ng ex boyfriend niyang si Jack. Ininsulto at pinahiya naman siya ni Aryah pati ng mga kamag anak ni Jack. Doon dumating si Shawn para iligtas si Harah kasama ng triplets nilang anak. Hindi lubos akalain ni Harah at ng ibang tao na ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon ay walang iba kundi si Shawn Ezekiel Peñafranco, isang hot billionaires. Paano kung alukin si Harah ng kasal ni Shawn? Tatanggapin niya kaya ang alok nitong kasal sa kabila ng paghihirap na naranasan niya dahil lang sa isang gabing pagkakamali?

Voir plus

Chapitre 1

Prologue

"Ilang araw ng nasa business trip si Jack ah? Madalas ko namang hindi nakikita si Aryah. Saan na naman kaya nag susuot ang kakambal kong iyon?" ramdam ko ang matinding pagkamiss sa boyfriend ko. Hindi pa naman ako sanay na hindi ito kasama.

"Harah, saan ba nagpupunta ang kapatid mo?" tanong sa akin ng Mommy ni Jack. Bakas sa muka nito ang pagkadisgusto. Noon ko pa naman alam na ayaw talaga nito sa akin para sa kaniyang anak. Pero ano bang magagawa nila kung mahal namin ang isa't isa? Nakakainis rin talaga ang mga tao ngayon.

"Hindi ko po alam," magalang kong tugon. Padarag itong tumalikod kaya alam kong inis na naman sa akin ang Ginang. Sanay na naman ako sa ganoong trato. Wala ng bago.

"Harah, gawin mo nga iyong nasirang cabinet," utos ni Marites na tiyahin ni Jack. Napalingon ako sa direksyon nito at marahang tumango. Palihim nalang akong napabuntong hininga dahil ginagawa talaga nila kong alila kapag nakikita ako. Wala naman akong magawa dahil dito ako nakikitira.

Kapag talaga wala si Jack sa Mansion na ito, walang tuos ang pagpapahirap sa akin ng mga kamag anak niya. Gusto ko na ngang umalis, kaya lang alam kong magagalit si Jack kapag ginawa ko iyon. Agad ko namang sinunod ang utos ni Tiya Marites. Hindi pa man ako tapos sa ginagawa ko, ay sumingit na si Tiya Marisol na kakambal ni Tiya Marites.

"Harah, pakikuha nga iyong bag ko sa kuwarto. Nakalimutan ko sa sobrang pagmamadali," sambit naman ni Tiya Marisol.

"Sige po. Sandali lang." nilingon ko ito at agad na tumango.

Makalipas ang ilang sandali nang magawa ko na ang utos ng mga tiyahin ni Jack ay nagpasya na kong bumalik sa paglilinis ng bahay. Ako nga pala si Harah, 23 years old at isang hamak na katulong sa Mansion ng mga Coleman. Ampon lamang kami ng kakambal kong si Aryah ng mag anak. Habang tumatagal na lumalaki kami ni Aryah napapansin ko na ang pagka-kaiba ng trato sa aming dalawa ng pamilya ni Jack. Mabait ang mga ito kay Aryah, samantalang snob at walang amor ang mga ito sa akin.

"Sa wakas nakatapos rin sa gawain! Hay! Kapagod!" bulong ko sa sarili. Habang abala sa pag inom ng isang tasang kape. Narinig ko ang boses ni Tiya Marisol. Gabi na noon nang bumaba ako sa sala matapos kong ilapag ang hawak kong tasa.

"Puny*ta! Haraaah!!!!" galit na galit na sigaw ni Tiya Marisol. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang mga oras na iyon.

Sakto namang lumapit sa akin si Minerva.

"Harah! Harah! Nagwawala si Ma'am Marisol, hinahanap ka," aligagang sabi ni Minerva. Kumunot ang noo ko habang nanlalamig ang kamay na naglakad patungo sa puwesto ni Tiya Marisol. Ang aking mga hakbang ay tila atang ko ang sandamakmak na Hollowblocks sa bigat.

"B-Bakit po?" hindi pa man ako nakakalapit ay agad akong sinalubong ng malakas nitong sampal sa kaliwa kong pisngi kaya halos tumabingi ang muka ko sa lakas noon. Ramdam ko ang mainit at pamamanhid nito. Halos mamula naman ang muka ko roon.

"Ouch! B-Bakit niyo ko sinampal?" garalgal ang boses kong tanong. Bumilis ang tibok ng puso ko roon. Ramdam ko ang matinding inis habang may nangingilid na luha.

"Piste kang babae ka! Ninakaw mo ang alahas at pera na nakatago sa aking kwarto ano?!" galit na bintang sa akin ni Tiya Marisol. Halos manlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Tila sasabog naman sa galit ang aking dibdib sa pang bibintang nito.

"Ma'am, huwag niyo naman akong pag bintangan. Malinis ang aking konsensya, wala ho akong kinukuha sa inyong kwarto. Mas gugustuhin ko pang wala akong pera kaysa magnakaw," katwiran ko. Gustuhin ko mang lumaban pero pinigilan ko ang sarili kahit nangangatal na ko sa galit. Nanlilisik ang mata ni Tiya Marisol nang harapin ako..

"Sinungaling! Ikaw lamang ang inutusan kong mag tungo sa aking kwarto, para kumuha ng aking bag kaya paanong mawawala ang aking alahas at pera kung hindi mo kinuha, ha?!" sambit ni Tiya Marisol sa naiinis na tono.

Noon pa man ay mainit na ang dugo nito sa akin sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Totoo po ang aking sinasabi," mariin kong tugon. Ramdam ko ang galit nito sa mga mata pa lang. Sakto namang dating ni Jack at naabutan kami.

"Anong problema?" tanong ni Jack na may nag aalalang tono saka marahang lumapit sa akin. Yumakap ito sa bewang ko. Pakiramdam ko mayroon na akong kakampi. Pansamantalang nawala ang pressure sa aking pakiramdam dahil nariyan na ito.

"Wala!" galit na sagot ni Marisol at umalis. Alam kasi nilang papa-imbestigahan ni Jack ang nangyari at malalaman nito na gawa-gawa lang iyon ni Tiya Marisol ang lahat para pag initan ako.

Hindi ko naman mapigilang magtanim ng sama ng loob dahil sa pamamahiya nito. Inalo lang ako ni Jack at sinabing huwag ng intindihin ang kaniyang mga tiyahin.

Samantala.. Makalipas ang ilang araw. Naging abala ako sa gawaing bahay. Nagpasya akong magtungo sa kuwarto ni Jack. Pansamantala kong itinigil ang paglalaba dahil hindi ako mapakali kanina pa. Binaybay ko ang mahabang pasilyo at hagdan patungo sa kuwarto ni Jack. Habang nag lalakad, ramdam ko ang matinding panlalamig.

"Ano kayang meron? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang lamig tapos ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko."

Dahan-Dahan ko namang binuksan ang seradura ng pintuan ni Jack. Unang kita ko palang sa nangyayari sa loob. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

"JACK! A-ARYAH!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit. Automatiko ko silang sinugod at pinagsasampal. Salitan ang ginawa ko sa dalawang mga walanghiya. Ramdam ko ang panlalamig at galit sa aking puso. Hindi ko lubos akalain na magagawa ako nitong gaguhin ng ganoon nalang.

Buong akala ko rin ay kakampi ko si Aryah sa lahat. Hindi ko alam na palihim na pala nitong inaahas ang boyfriend ko. Samantalang, isang linggo nalang ay ikakasal na sana kami ni Jack.

"H-Harah! Masakit! Ano ba?! Tumigil kana!" Bakas sa muka ni Jack ang sakit at pagkabigla nang maabutan ko silang walang saplot ng kapatid ko habang sarap na sarap sa isa't isa sa kama.

"Talagang masasaktan ka! Mga walanghiya kayo! Iniiputan niyo na pala ko sa ulo! Mga Peste!" Gigil kong sigaw habang pinag sisipa sila.

"Harah, I.. I want to explain!"

"No, Jack! Sinasabi ko na nga ba! Nang babae ka at ang kapatid ko pa. Ilang beses na'kong kinukutuban. Pero binalewala ko dahil naniniwala akong hindi mo ako sasaktan. Pero binigo mo ako, pina-asa mo lang ako sa bagay na akala ko totoo. Mahal na mahal kita e. Bakit mo nagawa sa akin 'to?" umiiyak na daing ko. Tila dinurog ng husto ang puso ko nang mga oras na iyon. Hindi lang ang puso ko kundi pati ang mundo ko.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

user avatar
Marlyn
highly recommend
2025-03-21 01:54:14
0
user avatar
Love Reinn
support beh <333
2024-06-14 15:25:54
1
43
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status