A Forbidden Affair
Mabuti na nga lang at nasa loob na ako ng campus ng mag-ring ang bell for flag raising ceremony.
Pumunta na ako sa FR matapos kong makapag-log-in sa Dean Office.
"Good morning, Miss Perrer," bati sa'kin ni Sir JB na nasa kabilang mesa lang. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Malungkot ka na naman, ah?"
"Hindi naman, in born na talaga akong ganito," biro ko pa. Natawa lang siya.
"Binding Ties... Ang ganda ng story na 'yan," aniya pa na ang tinutukoy ay ang libro na nasa mesa ko.