Ikaw Lamang
Nakuha naman agad iyon ni Gina kaya inakay na ako nito papuntang cafeteria.
“Naku ‘yong babaeng ‘yon, walang balak umuwi. Nag-e-enjoy nang husto sa Paris,” sagot nito habang naglalakad kami.
Si Nicole ay isa ng fashion designer ng kilalang brand sa Paris. Matagal na din itong wala sa San Bartolome. May asawa na rin ito, isang Italyano.
“Eh, ikaw? Kailan ba kayo magpapakasal ni Dexter?” tanong ko rito na may halong panunudyo.