Unexpected Royal
Si Diala Madrigal ay isang stylist sa isang sikat na kompanya sa Gemolis City, ngunit natanggal siya ng makilala niya ang isang lalaki na si Nicolai Swisly. Muli siyang naghanap ng trabaho para sa nalalapit na operasyon ng nanay niya, natanggap agad siya ngunit sa hindi inaasahan doon din pala nagtatrabaho ang lalaking kinaiinisan niya matapos siyang matanggal sa trabaho, hindi niya alam na si Nicolai Swisly pala ay isang Duke na bumisita lang sa Gemolis City upang hanapin ang Grand Princess ng Rallnedia. Simple lang ang pamumuhay ni Dia noong hindi niya pa nakikilala si Nicolai Swisly, ngunit tila nag iba ang ihip ng hangin ng lubusan niyang makilala ang totoong pagkatao niya kasama ang lalaking kinaiinisan niya noong una niya pa lamang ito nakikilala. Siya nga ba ang totoong Grand Princess ng Rallnedia? O siya lang ang naibigan ni Duke Aeneas Nicolai Swisly na maging Grand Princess ng Rallnedia.
BAKAS NANG KAHAPON
Angela De Dios. Ang babaeng sinubok at pinatatag ng panahon at karanasan. Hindi sinukuan ang lahat ng hamon at dagok na dumating sa kaniyang buhay.
Norman Villanueva. A certified bachelor. Kilala at mayamang negosyante. Mas inakala ng iba na isa siyang womanizer dahil sa sobrang kasungitan at aloof sa mga babae.
Paano kung pagtagpuin sila ng tadhana? Magagawa kayang punan ng bawat isa ang isang bahagi ng kanilang mga pusong tila may kulang pa?
Paano kung mabunyag ang isang pangyayaring gigimbal sa pagkatao ng bawat isa sa kanila? Matanggap pa kaya nila ang sukli ng tadhana? O, tuluyang kalilimutan nalang na minsan naging mapaglaro ang kapalaran?
About Last Night (Tagalog)
Creivyr19
Aksidente at hindi inaasahan na
mangyayari ni Kristina na basta-basta niya lamang maibigay ang kaniyang iniingat-ingatang Dignidad at Kalinisan
bilang isang babae sa binatang nakilala niya lamang ng isang gabe.
In short Kristina got a One Night Stand to the man she just meet.
Dahil sa kalasingan ng dalawa at
pagkawala nito sa kani-kanilang matinong kalagayan at kaisipan ay nagawa nila ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalain na magaganap.
Ngunit sa kabila ng askidendting
kaganapan sa kanilang dalawa ay
magiging kabuluhan pala ito kay Kristina, kahit pa minsan na siyang nagsisisi sa kaniyang nagawang pagkakamali kung bakit niya naibigay ang kaniyang sarili sa binatang hindi niya lubos na kilala.
Tila basta na lamang siya nagkaroon ng kagustuhan at interest sa binata matapos ang mainit na kaganapan sa kanila nang gabing iyon. Na tila humantong pa na may namumuong pagmamahal sa kaniyang puso para sa binata sa isang iglap lamang.
Ngunit magagawa ba ni Kristina na
ipagpatuloy ang kaniyang pagkagusto sa binata kahit na iniwan lamang siya nito na parang isang bayarang babae, na matapos pakinabangan ay iwan at pababayaan na lang?
Magagawa ba niyang mahalin ang binata kapag sila'y magkikitang muli matapos nawala na parang bula?
This story contains mature content!
So, please! Read at your own RISK!!!!
Love Me for Who I Am
Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
The Mafia Lord's Obsession (TAGALOG)
"I will make you mine. I am not Phoenix Dark Mariano for nothing."
Julliana Delos Reyes is a brave and gorgeous woman. Matapos ang isang trahedya sa buhay niya ay pilit siyang ipinakasal ng kaniyang tiyahin sa lalaking hindi niya kilala. David Asuncion, made her life miserable, palagi siya nitong binubugbog at ipinapahiya sa mga nagiging babae nito. In order to protect her daughter wala siyang magawa kung 'di tiisin ang lahat ng 'yon. Not until, she met Phoenix Dark Mariano. Nakuha ng binata ang atensyon niya dahil sa kakaiba at misteryosong presensya nito.
Phoenix Dark Mariano is a CEO of XV Company, ngunit nakatago ang tunay niyang pagkatao bilang Mafia Lord. Nang makita niya si Julliana ay tila nagbalik muli ang isang bangungot sa buhay niya. Gusto niyang mas makilala pa ang pagkatao nito.
Ngunit paano kung malaman niyang kasal na ito at may pamilya na? Are they both willing to commit sins in order to be happy? Paano kung malaman ni Julliana ang tunay niyang pagkatao pati na ang kaniyang pakay? Kapwa pa ba nila maituturing na pag-asa ang bawat isa kung ang nakaraan nilang dalawa ay ang dahilan ng pagkasira nila?
Moonlight Serenade
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari.
Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip.
~~~
Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang.
Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang.
Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
WILD NIGHT WITH MY ALLURING SUPERIOR
SPG/R-18+
Tila isang panaginip lang ang lahat pagkatapos ng mainit nilang pinagsaluhan nagising na lamang si Ednalyn Del Socorro, code name Jade. Na hindi na siya si Jade, ang dating matapang na Agent ng Eagle Eye, na walang takot sa ano mang laban.Isa na lamang siyang simpleng sekretarya ng CEO ng isang malaking kompanya ng bansa ang EA group of companies. What if, ang bago nilang CEO na si Everette Altamerano ay walang iba kun'di si Sir Everette Ocampo ng Eagle Eye agency na dati n'yang superior na masungit pero umaapaw sa ka-guwapuhan nito? Makakaya kayang ipaalala muli ni Ednalyn Del Socorro sa dating malambing pero suplado si Sir Everette Ocampo, ang kanilang masayang nakaraan kung nalimot na siya ng dating minamahal na Superior na si Everette Ocampo? What's the next step, ano ang kayang gawin ng dating agent na matapang na si Ednalyn Del Socorro, upang muling manumbalik ang dating pagtingin ng kaniyang superior na si Sir Everette Ocampo? Or kailangan bang muli madugtungan ang mainit nila noon na pinagsaluhan upang manumbalik ang dati nilang pagmamahalan?
Falling for My Boss
Lycq Yeager
Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili.
Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia.
Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito.
Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas.
Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Unlove Me Not
Maddison, a tech-genius, was secretly married to Noah, the breathtakingly handsome heir of Natividad Hotel Group. It was an arranged marriage to fulfill the dying wish of his mother. Noah handed her an annulment paper to be signed. But her heart refused to let him go because she was in love with him kahit pa nga assistant lang ang tingin nito sa kanya. She confessed her love but got rejected. Mas lalong lumabo ang pag-asa niya ng bumalik ang ex-girlfriend nitong galing underworld. He totally abandoned her sa panahong kailangan niya ito. Nagpakababa siya at tinalikuran ang marangyang buhay na meron siya just to be with him. She decided to let go. Pero bakit tila nagbago ang ihip ng hangin? He did not want the annulment anymore. At pilit siyang pinababalik sa trabaho niya. She was such a fool na paniwalaang nahuhulog na din si Noah sa kanya. Nang malaman niya ang tunay na dahilan ng panunuyo ng asawa at nang malagay ang kanyang buhay sa bingit ng kamatayan, her broken heart was beyond repair! After the trauma and pain, she will take her sweet revenge. She was thrilled to see him suffer and fall! Ngunit sa kabila ng lahat, she still loved the bastard! Papayag ba siyang muling masaktan? A war between her heart and mind.
My Beloved Bodyguard
Shamia Gyllette Sandler. Filipino-American. A famous Enterprenuer who owns the biggest magazine company, the Shamia’s Magazine located in London, the agency also have offices in New York City, Los Angeles and here in the Philippines. And as for the moment she’s giving her full attention in the SM that located in the Philippines.In her status in life she badly needed a skilled and trusted bodyguard that can protect and defend her in anything that may happen to her. She also wants the kind of bodyguard that she can bring anywhere around the world because she has many appointment and meetings around Philippine premises and abroad.Kaya lamang ay tila mahihirapan siya sa paghahanap ng ganoong klase ng bodyguard dahil hindi niya kayang ipagkatiwala ng basta ang kanyang buhay. Lalo na sa estado ng pamumuhay ng dalaga.Marami na siyang agencies na nakausap dahil na rin sa suhestiyon ng kanyang pamilya pero wala siyang natipuhan sa mga tauhan ng nasabing agencies. Hanggang sa may agency na nabanggit ang kaibigan niyang si Krystaleen. The good thing in the said agency is that she can choose whoever she wants to entrust her life. At nang papiliin at iharap na sa dalaga ang mga tauhan na maari niyang pagpilian nakuha ang atensiyon ni Shamia ng isang lalaki.Lalaking nag-ngangalang Kaiser Pineda. Ang lalaking pakiramdam niya’y ligtas siya sa mga bisig nito at kapag nasa tabi niya ito. Kaya’t ginawa niya ang sa tingin niya’y tama. Ngunit tama ba ang desisyon ng dalaga? Paano kung mahulog ang loob niya sa kaniyang bodyguard?Ngunit paano kung ang binatang kaniyang iniibig ay may mahal na palang iba? Ipaglalaban ba niya ang pusong umiibig o magparaya at palayain ang binatang minamahal, para sa sarili nitong kaligayahan?
Completed
My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]
Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako para sa kaniya, dahil ganoon ako magmahal. Ang tanging hangad ko lamang ay isang masaya at buo na pamilya kasama siya, ang magkaroon kami ng anak, ngunit tila sa iba niya na pala tinutupad ang aking pangarap para sa amin.
Ano nga ba ang kaya mo gawin kung ang lalaki na siyang nangako sa iyo sa altar na mamahalin ka ng tapat, ay patago ka na palang ipinagpapalit?
OWNING HER INNOCENCE
Never in his life, Kraius believed in love. Para sa kaniya, laruan lamang ang mga babae at parausan sa kama. He was an attorney. He was successful. And, it was enough for him.
But, fate played with him when he met a fat and not so his type of girl. Mataba na pinakaayaw niya sa lahat. Ngunit, kahit anong limot niya rito sadyang sinusundan siya nito. Tila nanuno siya sa punso na umuukilkil ito sa kaniyang isip at puso.
Kraius fell for the little girl's charm. Iyon nga lang, iniwan siya nito ng mga panahong kaya na niyang sabihing mahal niya ito. After ten years, she came back. Different from the fat girl he loved. Different from the Rhezi he wanted to spend the rest of his life with.
Betrayal. Hatred. Longing.
Kraius wouldn't fall for her trap again.
NEVER. Or, so he thought...
Ongoing
THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE
“Be my wife, Lianna.”
Kapalit ng pagpapagaling ng kanyang ama na nasa kritikal na kondisyon ay napilitan si Lianna na kumapit sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging kalalabasan at nagpakasal sa isang bilyonaryong lalaki na si Emmanuel Montecarlo. Akala niya ay magiging masaya na ang lahat, akala niya ay maging kaaya-aya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa ngunit tila nagkabaliktad ang mundo ng unti-unti niyang malaman madilim at mapanganib na sikreto nito pati ang pamilya Montecarlo.
Ano nga ba ang magiging buhay ni Lianna sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti ng mga taong nakapalibot sa mansyon ng Montecarlo? Ano nga ba ang mga sikretong kanyang malalaman upang maranasan niya ang mala-impyernong buhay sa loob ng pamamahay ng kanyang asawa?
“Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,”
DESPERATE MOVE
“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…”
“Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE
Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang.
Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose.
Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan.
Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon?
Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
A Promise Necklace
"The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained"
Napilitan tanggapin ni Sandra Lyn Santiago ang alok ng best friend niya na palitan ito bilang secretary kahit alam niya kung gaano kasungit at kasama ang boss nito. She doesn't have a choice. Kailangan niya ng trabaho para makapagtapos ang mga kapatid.
How long could she stay as his secretary? Kung tila galit ito sa mundo at pinaglihi sa sama ng loob. Halos araw araw para siyang nasa impyerno. He is likes a dragon that is ready to attack her with his fire. But, why is it everyday he also making her remember a memory from the past.
Would she be able to fill in the missing piece in his boss's heart?
OR
She will experience heartache for the second time.
Aliara: Ang Kaharian
Ang babaeng ipaglalaban ang kaniyang karapatan sa mundong tila nilimot na ang kanilang katauhan.
Ano ang pipiliin niya? Ang hangaring maitayong muli ang bumagsak nilang kaharian o ang lalaking minamahal niya na nagmula sa dugo ng kaniyang kaaway?
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)
Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith.
Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare.
Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart.
Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito.
Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan?
May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan.
Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay?
"PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
Loving a Player
Hindi akalain ni Dawn na muling magku-krus ang mga landas nila ni Art Nickolo Montez, ang lalaking tahasan siyang tinanggihan noong high school siya. Ang dahilan? Hindi raw sila bagay, dahil hindi siya kagandahan.
Noon siya natutong mag-ayos at magpaganda. Ngunit habang umaangat ng isang baitang ang kagandahan niya ay tila tatlong baitang ang iniaangat ng kagwapuhan nito.
At ngayong nagpapakita ito ng interes sa kanya, paano naman niya itong seseryosohin? Kung bukod sa may boyfriend siya at may kabi-kabila itong mga babaeng ikinakama, ay hindi nito ikinakaila kung ano lamang ang gusto nito sa kanya, ang matikman siya.
Completed
One Night Stand with a Stranger
Naranasan mo na bang ma-love at first sight? Yung tipong pakiramdam mo eh siya na ang nakatadhana para sayo kahit na kakameet niyo pa lang? Ganito ka din ba kabaliw kung mainlove? Yung tipon gagawin ang lahat para lang mapakasakanya ang kanyang taong minamahal kahit na ang kapalit nito ay iyong dignidad. Dahil kung ganito ka din eh baka katulad ka din ng ating bida na si Lorenzo Miguel Samaniego.
Ang lalaking halos nasa kanya na ang lahat, with his looks, fortune, as in lahat ng hihilingin mo ay nasa kanya na kaya hindi din makapagtataka na habulin siya ng mga babae. Pero may isang babae ang mamimeet niya at magpapabaliw sa kanya. Si Gabriella Monica Jimenez na anak ng mga maimpluwensyang tao. This girl was brokenhearted that time at talagang nagpakalasing hanggang sa hindi na nito alam ang kanyang ginagawa.
Nang magtama ang mga mata ng dalawa. And boom!
Hindi ito pinalampas ni Miguel at agad niyang sinunggaban si Monica at dahil wala itong kalaban laban kaya nadala niya ito sa kanyang condo at duon sila gumawa ng pangarap, yun nga lang...
Monica caught Miguel na may ibang kasamang babae at ito ang dahilan para iwan nito ang binata. Bigo din itong mahabol ang dalaga hanggang sa tuluyan na niya itong hindi makita...
----
Ngunit tila mapagbiro ang tadhana,
At sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkikitang muli ang kanilang landas.
Hindi pa din nagbabago ang pagtingin ni Miguel sa dalaga ngunit hindi nito inaasahan ang malaking pagbabago sa dalaga...
Ano nga kaya ang natuklasan nito? Bakit biglang nag alangan si Miguel? Itutuloy pa din ba nito ang nararamdaman para sa dalaga?
Alamin ang mga pangyayari sa kapanapanabik na kwento ng naudlot na pag iibigan nina Miguel at Monica...
Reborn Love: Mr. CEO, I'm Leaving You
Pakakasalan pero hindi minamahal - iyan ang naging kapalaran ni Willow Annie Torres kay Benedict Alvarez. Kuntento na sana siya, basta siya ang magiging asawa nito kahit alam niyang may iba itong mahal.
Ngunit sa mismong araw ng kasal, iniwan siya ni Benedict para sa ibang babae. Mas masakit pa, kinidnap siya ng mga taong may galit dito upang ipahiya ito. Sa desperasyon, tinawagan niya si Benedict, pero binalewala siya. Para dito, wala na siyang halaga.
Nang ihulog siya sa dagat, isang bagay ang pinangako ni Willow: kung mabibigyan siya ng pangalawang pagkakataon, hinding-hindi na niya mamahalin si Benedict.
At tila naawa ang langit, dahil nagising siya sa nakaraan; sa mismong araw ng engagement nila. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magiging tanga. At upang tuluyang ilayo ang sarili kay Benedict, nagdesisyon siyang lumapit sa mortal nitong kaaway… si Yeshua Stephen Gomez.