LavenderPen
Sa mata ng marami, isang kasalanan ang mahalin ni Amanda Elizalde si Lorenzo Valdezco higit sa kapatid. Ito lang naman ang nag-iisang anak ng bagong asawa ng kanyang ina. Bunsod ng isang matinding trauma sa nakaraan, pikit-mata at piping tinanggap ni Enzo ang mundo nang mag-isa. Ngunit nang makilala niya si Ada, muling nahanap ng binata ang liwanag ng mundo at ang kanyang tinig.
Ang buong akala nila ay ang pagiging magkapatid sa batas ang pinakamalaking hadlang sa kanilang pag-ibig, subalit hindi iyon ang plano ng malupit na mundo.
Sa gitna ng hagupit at walang katapusan na pagmamalupit ng mga pagsubok, ang isa't-isa ang naging sandalan nila. Subalit kung kailan naman tila umaayon na ang lahat, saka pa bibitaw ang isa sa kanila.
May naghihintay kayang masayang wakas sa dalawa?
Hanggang saan nila kayang ilaban ang nararamdaman nang hindi nasasaktan?
70