Saevris
“Alam mong mali ‘to. Bakit hindi mo ako pinipigilan?” bulong ni Vaughn.
Si Liana Maeve Guevarra ay naghahanda na para sa nalalapit niyang kasal kay Calix Vergara. Madalas niya ring nakasasalamuha ang isa sa mga kaibigan ni Calix—si Vaughn Severin Vieri, isang Lieutenant ng security firm ng Vieri.
Sa tuwing may gaganaping pagtitipon, palagi niya ‘tong namamataan sa malayo, at natatagpuan niyang nakatingin ‘to sa kaniya nang mariin.
“Talaga? Hindi ka natatakot?” malamig, ngunit may bahid ng hamon sa tinig ni Vaughn, at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo.
Akala ng lahat, perpekto ang relasyon nila ni Calix. Ngunit nang mas makilala niya si Vaughn, unti-unting nagbago ang lahat. Nagsimula siyang magduda sa lalaking pakakasalan niya, habang lalo naman siyang naaakit sa lalaking dapat niyang kinamumuhian.
“Tapusin mo na ang relasyon mo kay Calix kung ayaw mong siya ang tapusin ko, Liana,” napapaos na pahayag ni Vaughn.
Paano kung ang galit nila sa isa’t isa ang magtulak para gumawa ng kasalanan? Isang lihim na hindi puwedeng ipagsabi.
14