Katie Alcos
OOPS! I GOT A LESBIAN PREGNANT
Written by: Katie Alcos
Genre: Romantic Comedy, Billionaire Romance, Secret Surrogacy, LGBTQ+, Family Drama
SYNOPSIS
Dahil desperadong kailangan ni Sunshine "Sunny" Alcazar ng pera para sa operasyon ng kanyang ama, tinanggap niya ang trabahong maging surrogate mother para sa isang anonymous na kliyente. Walang personal na pagkikita, walang palitan ng tunay na pangalan, at walang kailangang malaman tungkol sa isa't isa.
Limang taon ang lumipas, naging empleyado si Sunny sa kumpanyang pag-aari ni Sebastian "Baste" Madrigal, isang mayaman, gwapo, at aroganteng CEO na mag-isang nagpapalaki sa kanyang anak na si Dahlia.
Hindi alam ni Sunny na si Baste ang dati niyang kliyente. Hindi rin alam ni Baste na ang babaeng madalas niyang makasagutan sa opisina ang mismong surrogate mother ng kanyang anak.
Lalong naging komplikado ang lahat nang makilala ni Sunny si Dahlia. Hindi niya maiwasang mapansin ang pambihirang pagkakahawig nilang dalawa. Hindi niya alam na ang batang iyon ang sanggol na minsan niyang ipinagbuntis at isinilang.
Samantala, nahuhulog na ang loob ni Baste kay Sunny. Gusto niya itong pakasalan at maging ina ni Dahlia.
Ngunit may isang malaking problema: Lesbian si Sunny!
Paano liligawan ng isang aroganteng billionaire ang babaeng walang interes sa mga lalaki? At ano ang mangyayari kapag nabunyag ang lihim na nag-uugnay sa kanilang tatlo?
Isang lihim na kasunduan, isang batang babae, at isang pag-ibig na hindi kailanman inaasahan!
28