Sa loob ng walong taon, inakala ni Lizzy na ang fiancé niyang si Jarren ang katuparan ng kanyang mga pangarap—isang perpektong kasal at masayang pamilya. Ngunit ang masakit na katotohanan ay tumambad sa kanya: si Jarren, ang lalaking minahal niya, ay may relasyon sa iba... at ang kabit nito ay hindi lamang basta kung sino, kundi ang sekretarya niya. Hindi na tumingin pa si Lizzy sa nakaraan. Sa halip, pinili niyang balikan ang dignidad niya at lumakad palayo sa kanyang engagement. Sa gitna ng gulo at kahihiyan, pumasok sa kanyang buhay ang isang bagong mukha—si Lysander Sanchez, ang misteryosong uncle ni Jarren na puno ng karisma at lihim na intensyon. Habang bumabawi si Lizzy mula sa sakit ng pagtataksil, matutuklasan niya na ang kanyang landas ay puno ng panibagong hamon, tukso, at pagkakataon para sa tunay na pagmamahal. Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at puso, o muli siyang masasaktan sa gitna ng isang mas komplikadong mundo?
View More“Miss Lizzy, nasa hotel na po ang pinagawa ninyong wedding dress. If you have any questions, please don’t hesitate to contact us. Thank you for trusting us.”
Nang matanggap ni Lizzy ang balitang iyon mula sa receptionist, nagalak ang kanyang puso. Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa boyfriend niya na minahal niya ng walong taon. Nakapag-book na ng hotel, naipadala na rin ang mga invitation. Lahat ay planado na at maayos na rin. Kaya nang matapos siya sa trabaho, hindi na siya makapag-antay na pumunta sa hotel para tikman ang bagong putahe at desert para sa kasal, at makita ang wedding dress niya. Nang makita siya ng manager ng hotel pagpasok sa pintuan, agad siyang binati habang natataranta. “Ma’am Lizzy, nandito po kayo. May gusto po ba kayong order-in?” tanong ng manager. Nasa mood si Lizzy, at mapapansin sa boses niya na sobra siyang nagagalak. “Hindi ba na-deliver na ang pinagawa kong wedding dress? Gusto kong i-try sana.” Nakangiti niyang sabi. “Yes, Ma’am. Just an hour ago, nasa room niyo na po. Pero gusto ko lang po sanang ipaalam muna sainyo na may bago kaming dish para sa kasal, gusto niyo po ba munang subukan? At kung satisfied ka naman po Ma’am, pwede mo siyang ma-upgrade na libre lang.” kinakabahang tanong ng manager. “Siguro mamaya ko na i-try ang mga dish, pagkatapos kong isukat ang dress.” Hindi nagpapigil si Lizzy, dumiretso siya sa elevator. Mas lalong kinakabahan ang manager kaya hinabol niya si Lizzy. “Miss Lizzy!” sigaw niya, napahinto si Lizzy at tumingin sa kanya na may pagtataka. “Nandito na rin po ang magpe-perform ng music. Why don't you listen first para kung may hindi ka man po magustuhan ay mababago nila.” Nakaramdam si Lizzy na parang may mali, ang kaninang malapad niyang ngiti ay napalitan ng pag-aalala. “May mali ba sa wedding dress?” Mas lalong kinabahan ang manager, pinagpawisan na rin ang noo niya at hindi masagot si Lizzy. Dahil sa reaction ng manager, napagtanto ni Lizzy na tama ang hinala niya kaya agad siyang sumakay ng elevator at sinara na ito. Hindi niya na pinansin ang manager. “Miss Lizzy!” huling sigaw ng manager bago tuluyang mawala sa paningin niya si Lizzy. Nang makarating si Lizzy sa labas ng pintuan ng hotel room, may narinig siyang isang boses mula sa loob. Boses ng isang babae na para bang natutuwa sa kung ano man ang ginagawa nito sa loob. A charming voice, samahan pa ng hingal ng isang lalaki. Tinignan niya ang text message na natanggap niya para kompirmahin kung tama ba ang room number. Tama naman ito. “Jarren, mali ito. Paano kung mahuli tayo?” “Hindi mo ba alam kung gaano ka kaganda ngayon? Nasasabik na ako sa’yo, Amanda. I can’t wait…” Nanlaki ang mga mata ni Lizzy, tila naubusan siya ng hangin na para bang may sumasakal sa kanya at biglang nagdilim ang kanyang paningin. Hindi niya namalayan na binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob ng hotel room. Nanginig ang katawan ni Lizzy sa kanyang nasaksihan. Parang binagsakan ng mabigat ang dibdib niya, at agad napuno ng luha ang kanyang mga mata. Halos bumaon na ang mga kuko niya sa kanyang palad, ginagawa niya ang lahat para pigilan ang sariling magwala at sumigaw. Ang dalawang tao sa loob ng hotel room na iyon ay magkadikit. Ang fiancé niya, na dapat ay nasa business trip, ay yakap-yakap ngayon ang ibang babae. May mapang-akit na tingn ang babae na nakakapit pa rin sa kanyang nobyo, bumaling siya sa suot ng babae at nakita niya ang wedding dress niya na gusot-gusot na. Isang malaking sampal para sa kanya, dahil ang babaeng kasama ng kanyan fiance ngayon ay si Amanda—ang secretary ng lalaking papakasalanan niya. “Mga hayop kayo….” Nahihirapang bulong ni Lizzy. Tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan sumigaw. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng kanyang nobyo, at suot pa talaga ng babae ang wedding dress niya habang gumagawa ng kalaswaan. Minahal niya ang fiance niya sa loob ng walong taon. Hindi walong araw, hindi walong buwan, kundi walong taon siyang nanatili. Hindi pa rin makagalaw si Lizzy sa kanyang kinatayuan. Ang halo-halong emosyon ay nagpabaligtad sa sikmura niya, dahilan para mahilo siya at mapakapit sa frame ng pinto para hindi matumba. Nang marinig ang ingay, napansin ni Jarren ang presensya niya at agad umatras mula kay Amanda. Agad niya rin namang tinakpan ng kumot si Amanda na natataranta na ngayon. Nanggigigil, tinitigan ni Lizzy ang dalawa, parang basura ang tingin niya sa kanila. "Ang galing mo naman pala, Mr. Sanchez." Hirap siyang huminga nang maayos, pilit pinipigilan ang mga luha. “Ang saya, gusto niyo bang i-record ko para sa inyo?” Nagkaroon ng bahagyang guilt sa mga mata ni Jarren, pero mas nangingibabaw ang inis at galit dahil nahuli sila. Naging malamig ang mukha niya at wala nang pakialam kung ano ang mangyayari. Tinignan niya ng seryoso si Lizzy. "Ngayon at nakita mo na, aminin ko na rin. Mas mabuti na malaman mo ito nang mas maaga." Tumayo siya nang maayos habang isang kumot lang ang nakabalot sa ibabang katawan niya. Bahagya siyang lumapit kay Lizzy, at pinagmasdan niya lang naman sila ni Amanda. "Lizzy, sasabihin ko na ang totoo. Matagal na akong naiinis sa’yo. Napaka-kontrolado mo, pati katawan ko ayaw mong hawakan. Lalaki ako, at may mga pangangailangan din ako." Nagpatuloy si Jarren nang walang pakundangan. "At mas nakaka-aliw pa nito, tuloy pa rin ang kasal natin. Pagkatapos ng kasal, maibibigay ko sa’yo ang respeto bilang Mrs. Sanchez, pero si Amanda, dapat manatili siya sa tabi ko." ‘Nakakadiri!’ sa isip ni Lizzy. Halos masuka siya sa narinig. Galit at kahihiyan ang naramdaman niya, parang pinupunit ang natitirang katinuan niya. Parang nababaliw, sumugod siya at sinampal si Jarren nang buong lakas. "Anong mukha ang meron ka para isipin kong papakasalan pa kita?" Inikot ni Jarren ang dila niya sa pisngi, pero bago siya makapagsalita, umiyak si Amanda at lumapit para hawakan ang kamay ni Lizzy. "Miss Lizzy, kasalanan ko lahat ng ito! Huwag mong sisihin si Sir Jarren. Ako ang may kasalanan, ako na ang sisihin mo. Magpapakumbaba ako. Luluhod ako para patawarin mo lamang kami. Pati ang wedding dress na ito, hindi ko sinasadyang isuot, talagang hindi ko sinasadya—" Sa pagdampi ng kamay ni Amanda sa balat ni Lizzy, nagtayuan ang balahibo niya. Tinanggal ni Lizzy ang kamay ni Amanda. “Huwag kang magkunwari sa harap ko!” Natumba si Amanda, naapakan ang laylayan ng damit, at tumama sa gilid ng mesa. Pagkakita nito, mabilis na lumapit si Jarren, itinulak niya nang malakas si Lizzy sa sahig, at dali-daling inalala si Amanda, para tulungang bumangon nang maingat. Tinitigan niya si Lizzy nang masama, namumula ang mga mata, at ang boses ay malamig. “Lizzy, tingnan mo ang itsura mo ngayon. Para kang wala sa ayos, nakakakilabot ka talaga.” Sa harap ng malinaw na pagkasuklam sa kanyang mga mata, tahimik na naging kalmado ang ekspresyon ni Lizzy. Ngunit sa sulok na hindi nakikita ng iba, bahagya nang nanginginig ang kanyang mga kamay. Umabot sila ng walong taon, pero ang tanging narinig niya lang mula kay Jarren ay “Nakakakilabot.” Sino ba talaga ang mas nakakadiri? Sa sandaling iyon, biglang pumasok ang manager, tila natataranta ang boses. “Mr. Sanchez, hindi maganda ang sitwasyon. Ang daming reporters sa labas. Papunta na sila dito!” Nagbago ang ekspresyon ng tatlo sa kwarto. Si Jarren ang unang kumilos, lumapit kay Lizzy, at marahas na hinawakan ang kanyang pulso. Napakalakas ng hawak na parang babaliin ang kanyang buto. “Pinag-isipan mo nang mabuti ito, ano?” Nagtataka si Lizzy. Bakit may mga reporters dito? Narinig niya ang tanong ni Jarren, pero pilit pa rin niyang tinago ang sakit sa dibdib. Nilunok niya ang hikbi na nais sumabog at ginamit ang natitirang lakas para sumagot, “Ikaw ang dapat mahiya na mabuking! Deserve mo ‘yan, at wala akong kinalaman diyan.” “Walanghiya ka!” Ibinagsak siya ni Jarren sa sahig nang malakas, kasabay ng malamig na boses na bumalot sa kanya mula sa itaas. “Kapag may lumabas na kahit isang salita tungkol sa nangyari ngayon, kakausapin ko ang kuya mo. Kapag naging misireble ang buhay ko dahil sa’yo, isasama kita sa problema! Wala kang kwenta!” Pagkatapos sabihin iyon, mabilis na umalis si Jarren kasama si Amanda. Bahagyang namutla ang mukha ni Lizzy, mas lalong bumigat ang kanyang dibdib. Sa tagal ng kanilang pagsasama, nagawa pang saktan ni Jarren ang pinaka-masakit at mahina niyang bahagi. Ang kanyang puso. Napagod bigla si Lizzy. Parang alon ang lahat ng nangyayari, tila nilalamon siya ng kawalang pag-asa, pinipilit siyang yumuko at umiyak. Pero tila walang binibigay ang realidad na kahit konting oras para maging malungkot. Pinilit niyang bumangon mula sa sahig, kinagat ang labi, at lumabas ng kwarto. Ngunit sa labas ay sinalubong siyang napakaraming reporters. Hindi siya nagdalawang-isip. Tumakbo siya nang mabilis. Sumunod agad ang mga reporter sa kanya, nagpupumilit makasabay. Palapit nang palapit ang mga yabag sa likuran niya, at maririnig niyang may sumisigaw ng, “Miss Lizzy, sandali lang po!” Dahil sa pagmamadali, bigla siyang bumangga sa isang tao. Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng mint at bahagyang amoy ng nicotine. Mainit ang katawan ng lalaki, pero ramdam ni Lizzy ang malamig na titig na tila bumabagsak sa ulo niya. Tumigil ang mga reporter sa likod niya, at may narinig siyang humugot ng malalim na hininga sa takot. Hindi siya gumalaw, at ang nanginginig niyang boses ay halos hindi maitago ang kanyang pagmamakaawa. “Please, tulungan niyo po ako...” Nasa presidential suite sila, at ang mga taong makakapasok dito ay siguradong mayaman o may mataas na katungkulan. Nakasindi pa ang sigarilyo sa mga daliri ng lalaki, at sa ilalim ng usok, ang malamig at gwapo niyang mukha ay lalo pang nagmukhang malamig at manipis. Tinitigan niya si Lizzy mula ulo hanggang paa. Mahigpit na hawak ni Lizzy ang damit sa kanyang dibdib, at ang kanyang mga mata, punong-puno ng lungkot, ay parang mata ng isang nalulunod na usa. Napatigil si Lizzy sa kanyang galaw. Bahagyang sumimangot ang lalaki, ang makikitid niyang mga mata ay bahagyang sumingkit, at binigyan niya ng tingin ang kanyang assistant na nasa tabi. Lumapit ang assistant, may ngiti sa labi na tila mabait, pero sa likod nito ay nararamdaman ang bigat ng kanyang awtoridad. “Everyone, gusto niyo bang picture-ran at video-han ang presidente ng company namin?" Parang tambol na umiling ang mga reporter, pero nakatingin pa rin sa likuran ni Lizzy na nag-aantay na bumaling sa kanila ang dalaga. "Bago kayo umalis, iwan n'yo muna ang CD card ng camera." Nakangiti pa rin ang assistant. Lumapit ito sa mga reporter at isa-isang kinuha ang laman ng mga camera. Unti-unting nawala ang yabag ng mga reporter. Bahagyang nakahinga nang maluwag si Lizzy, pero narinig niya ang malamig na boses ng lalaki na parang jade sa linaw. "Hindi ka pa rin aalis?" Nakayuko lang si Lizzy nang marinig iyon, umatras siya ng ilang hakbang, na hindi pa rin magawang tumingin sa mukha ng lalaki. Kinuha ng lalaki ang sigarilyo, dinikdik ito sa ashtray sa gilid, at ang mukha niya ay lalo pang naging malamig. Wala siyang ibinigay na kahit anong karagdagang tingin kay Lizzy. "Pakialis na siya." Lumapit ang assistant at itinuro ang pintuan, sabay sabi, "Miss Del Fierro, magpapadala kami ng tao para ihatid ka palabas." Miss Del Fierro? Paano nalaman ng lalaking ito ang kanyang pangalan? Bagaman nagtaka siya, hindi siya naglakas-loob na magtanong. Kapag tinanong niya, baka isipin pang may balak siyang makipaglapit. Habang naglalakad papalayo, napalingon siya at nakita ang lalaki na nakatayo pa rin sa may corridor. Matangkad, matipuno, at napaka-disente ng tindig nito. Habang nakikita niya ang gilid ng mukha nitong parang gawa sa jade, bigla niyang naramdaman na parang pamilyar ang lalaki. Pagkalabas niya ng hotel gate, nakita niya ang mga media na nagkukumpulan sa labas na parang mga zombie na sumasalakay sa isang siyudad. Habang inaalala ang nakakadiring eksena sa loob ng hotel room, muling nanumbalik ang sakit at poot sa puso niya. Wala siyang mapaglabasan ng kanyang damdamin. Nilunok niya ang pait sa lalamunan, saka matatag na kinuha ang cellphone at tinawagan ang isang tao. “Jane, cancel the wedding.”Sa rooftop ng ospital, naroon si Jeneeva hawak-hawak ang anak ni Lizzy na ninakaw nito sa nursery room. Nagpanggap siyang nurse para makapasok---madali niya rin nakilala ang bata dahil may pangalan ito. "Ibigay mo na ang bata! Hindi ka namin sasaktan, sumama ka lang nang maayos!" sigaw ni Felix. Tumawa naman si Jeneeva na parang baliw. Umiiyak na rin ang bata sa mga bisig niya. "Ano ako? Tanga? Hindi ko kayo susundin! At nasaan na ba si Lizzy? Siya ang kailangan ko, ibigay niyo siya sa akin at ibibigay ko sainyo ang bata!" Si Lysander na pagod din ay galit ang tingin kay Jeneeva. "Please. give me daughter, Jeneeva..." marahang sabi ni Lysander, nag-iingat siya. Ayaw niyang maging padalos-dalos kahit nagagalit siya. Hawak ni Jeneeva ang anak niya, at sa oras na may gawin siya tiyak gaganti si Jeneeva. Kumunot naman ang noo ni Jeneeva nang marinig ang boses ni Lysander, tumingin siya rito. "Lysander...ang mahal ko. Pero hindi Jeneeva ang pangalan ko, Lianna. Ako si Lianna!" ga
Nine Months Later...Kabuwanan na ni Lizzy at nasa dalawang araw na siyang nanatili sa ospital para sa kanyang labor. Sa loob ng dalawang araw hindi rin umalis si Lysander sa ospital para bantayan lalo si Lizzy. Paminsan-minsan ay bumibisita sina Ericka at Felix sa kanya para alamin ang balita ng kanyang panganganak. Gaya ngayon, pumasok silang dalawa at naroon si Lizzy nakatayo sa gilid ng kama, nahihirapan sa sakit ng tyan. Habang sina Ericka at Felix ay hindi mapakali. "Sigurado ka bang sasabihin mo sa kanila ngayon? Baka hindi kayanin ng bestfriend ko," mahinang bulong ni Ericka sa kanyang nobyo. Seryoso lang si Felix, ang ipit na uniform niya ay mas lang nagpatikas sa kanya. At dahil din na-promote siya, mas lalong ang tingin sa kanya ay napaka seryosong pulis. "Kailan. Dito ka lang, ako ang kakausap kay Mr. Sanchez, samahan mo si Ma'am Lizzy," saad naman ni Felix. Kahit na kinakabahan si Ericka, sinunod niya na lang ang sinabi nito. Lumapit si Felix kay Lysander na nasa ta
“Sinungaling ka! Hindi niya magagawa sa akin iyon, mga sinungaling kayo! Umalis kayo rito!” Naupo si Lianna sa sahig, hindi mapigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Nabasa ang buong sulat—hindi lang dahil sa pagputol ng ugnayan ni Liston sa kanya, kundi dahil...Si Liston mismo ang umamin ng kanyang kasalanan.Inamin niyang may kinalaman siya sa pagbagsak ng minahan. At bilang kaparusahan, handa siyang akuin ang lahat ng responsibilidad at bayaran ang anumang danyos.Lumapit si Lizzy at malamig na pinagmasdan ang nakakapanlumong kalagayan ni Lianna."Imposible ba?" Mapanuya nitong tanong. "Mukhang nakalimutan mo na ang kasinungalingang ikaw mismo ang gumawa."Ang dahilan kung bakit walang alinlangang pinoprotektahan ni Liston si Lianna noon—at maging ang kakaibang pagkagiliw niya rito—ay dahil sa matagal niyang paniniwala na si Lianna ang nagligtas sa kanya noong araw na nagkaroon siya ng matinding lagnat.Ngunit hindi iyon totoo.Hinagis ni Lizzy ang ebidensiya sa harapan ni Lianna. N
"Talaga?"Pumalakpak si Lysander, at ang taong dinala ni Roj ay walang iba kundi ang pinakamatapat na tauhan ni Gavin. Basang-basa ito sa yelo at halatang dumaan sa matinding pagpapahirap.Bago pa man lumitaw ang taong iyon, tinakpan na ni Lysander ang mga mata ni Lizzy. Ayaw niyang madungisan ang paningin nito sa maduduming bagay."Si Sir Gavin ang nag-utos sa akin na lumapit kay Casandro! Hindi siya natuwa sa nangyari kay Miss, kaya gusto niyang pagbayarin si Miss Lizzy. Kasabay nito, nais din niyang tuluyang burahin si Casandro, na matagal nang naging tinik sa kanyang lalamunan! Wala akong magawa—pinilit lang ako!"Paulit-ulit ang paghagulgol ng lalaki. Hindi mo masisisi ang isang traydor kung wala siyang pagpipilian—si Lysander mismo ang nagpakita kung gaano siya kalupit sa ganitong bagay.Sa harap ng walang katapusang pag-iyak, dahan-dahang nanlumo si Gavin. Unti-unting nawalan ng kulay ang kanyang mukha habang palapit siya kay Lysander."Lysander, hindi ko alam…"Ngunit malamig
Nararamdaman na niyang nagkakaugnay ang lahat.Ang paghahanap ng tugmang bone marrow ay isang napakahirap na proseso, at napakabihira ng matagumpay na pagtutugma lalo na kung hindi malapit na kamag-anak. Kung talagang walang koneksyon sa dugo sina Lizzy at Lianna, imposible halos ang ganitong uri ng pagkakataon.Pinanood ni Lysander ang sakit at pagkalito sa mukha ni Lizzy. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay upang haplusin ang nakakunot niyang noo.“Lizzy, ipapangako ko, aalamin ko ang totoo. Kapag may gumawa ng isang bagay, siguradong may bakas itong iiwan… Hindi sila maaaring magtago nang ganito kahusay.”Naramdaman ni Lizzy ang init ng kanyang mga daliri, at sa bawat haplos ay tila nababawasan ang bigat sa kanyang dibdib.“Lysander, ikaw lang ang maaari kong pagkatiwalaan...”Sa unang pagkakataon, nadama ni Lizzy ang matinding panghihina. Gaano karaming lihim ang itinago ng isang taong kasama niyang lumaki sa iisang bubong? Hindi man lang niya kayang isipin. Ngunit ang kanyang ku
Nararamdaman pa rin ni Lizzy ang bigat ng sitwasyon, ngunit nanatili siyang matatag.Napasinghal si Liston, halatang hindi siya kumbinsido. “Mukhang hindi ka talaga titigil hangga’t hindi mo nakikita ang ebidensya sa harapan mo, ano? Sige, paano kung iharap ko mismo sa’yo ang surveillance video?”Diretsong tumingin si Liston kay Lizzy, puno ng paninisi ang kanyang tingin. “Klarong-klaro sa CCTV—ang nurse ay lumabas ng kwarto para kumuha ng mainit na tubig bandang 10:03. Hindi na siya bumalik. Ikaw lang ang huling taong pumasok. At ilang saglit lang matapos kang lumabas, saka nangyari ang trahedya. Sabihin mo, sino pa ang mas may motibo kundi ikaw? Akala ko dati na baliw na ako, pero hindi pala—mas masahol ka pa! Wala kang puso!”Alam ni Liston na kung lalabas ang katotohanan, maaaring hindi matanggap ni Madel ang relasyon nila ni Lianna. Kaya't balak sana niyang ipadala ang ina sa isang pribadong sanatorium sa ibang bansa. Pero hindi niya akalain na mauuna itong mamatay—at si Lizzy pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments