KokoyIsMyLife
Nagpanggap akong buntis para mapasaakin ang Kuya ko. Pero dahil doon, sinumpa ako ng lalaking mahal ko.
"Buntis ako at si Kuya Ezekiel ang ama."
Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel.
"A-anong buntis? Amie, ni hindi nga kita tinitigan! Hawakan pa kaya?!"
"Totoo ba 'yon, Ezekiel?!"
Sa harap ng mga magulang ni Ezekiel, nagsinungaling si Amie para lamang mapasakanya ang lalaking itinuturing niyang Kuya. Ngunit ang kasalanang iyon ang naging dahilan para ipagtabuyan siya at ganap na sirain ang buhay ng lalaking matagal na niyang minamahal.
Pagkalipas ng ilang taon, nagbalik si Amie. Ang dating immature at spoiled na dalagita ay nagbago na responsable, at handang pagbayaran ang bawat pagkakamali.
Ngunit si Ezekiel?
Puno pa rin ng galit at poot ang puso nito para sa kanya. Sa bawat utos, panggigipit, at malamig na titig ni Ezekiel habang pinagtatrabaho siya sa farm, tinitiis iyon ni Amie. Pero sa kabila ng lahat ng galit, bakit tuwing gabi ay nahuhuli pa rin niya itong nagbabantay sa kanyang silid?
Paano mabubuhay si Amie sa piling ng lalaking sinumpa siya kung ang bawat paglapit nito ay mas lalo lamang nagpapatalab sa ipinagbabawal niyang atraksyon?
Hanggang kailan titigas ang puso ng kanyang Kuya Ezekiel bago nito matuklasan ang totoong dahilan sa likod ng kanyang kasalanan?
57