LOGINAng buong akala ni Celine ay namatay ang kanyang anak kasabay ng pagtataksil ng asawa niyang si Ethan, ngunit nagulat siya nang paglipas ng isang buwan ay nalaman niyang nagda-dalangtao pa rin siya. At pagbalik niya sa Pilipinas makalipas ang limang taon, nagulat si Ethan nang malamang mayroon na siyang apat na taong gulang na anak...ngunit mas ikinagulat niya ang reaksyon ng lalaki. Lalo na nang tanungin siya nito kung sino ang ama ng bata at bakit kamukang-kamukha niya?
View MoreCELINE’S POINT OF VIEW
“B-Buntis ako…” hindi pa rin makapaniwalang bulong ko. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko kaya’t naisipan kong magpa-check up, ngunit ikinagulat ko ang sinabi ng doktor sa akin.
I’m six weeks pregnant.
Hindi ko mapigilan ang maluha sa sobrang saya, marahan kong hinaplos ang flat na flat kong tiyan. Ni walang palatandaan na may bata akong dinadala dito. Huminga muna ako ng malalim at pinahid ang luha sa aking mga mata. Nakangiting pumasok ako ng bahay, mabilis kong tinungo ang study room ni Ethan. Doon ito naglalagi tuwing umaga, gusto kong dito unang ibalita ang good news na nalaman ko. Sigurado akong matutuwa ito…
Pagpihit ko ng doorknob at pagbukas ng p***o, dahan-dahang nawala ang mga ngiti ko.
“E-Ethan? Ano ang ibig sabihi ni—”
Natigilan ako. Biglang parang nawalan ng hangin ang lalamunan ko. Nakaupo si Ethan sa swivel chair na madalas nitong inuupuan sa maghapon, habang sa kandungan nito ay nakaupo ang isang maganda at sexy na babaeng kilalang-kilala ko—si Veronica. Nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ng asawa ko, habang ang mga kamay naman ni Ethan ay nakayakap sa baywang nito.
Malamig ang tinging ipinukol ni Ethan sa akin. Ni walang mababakas na gulat o takot sa mga mata nito.
“Hindi ka na ba marunong kumatok sa p***o ngayon, Celine?” Walang bahid ng pagsisising tanong ni Ethan ang bumasag sa katahimikan.
“Ethan…b-bakit mo nagawa sa ‘kin ‘to?” Halos hindi ko na magawang bigkasin ang pangalan niya, humigpit ang hawak ko sa aking sling bag at pilit na itinatago ang nanginginig kong mga kamay.
Sarkastikong tawa ang lumabas sa bibig ni Ethan.
“Ano bang tinatanong mo, Celine? Hindi mo ba kilala ang babaeng kasama ko, sa tingin ko naman ay matibay pa ang memorya mo. Nagbalik an si Veronica at sa pangalawang pagkakataon namin ay hinding-hindi ko na ito pakakawalan pa.”
“Ano?” Dumako ang tingin ko kay Veronica, umayos ito ng pagkakaupo ngunit nasa kandungan pa rin ni Ethan. Nakaharap ito sa akin habang nakasandal sa matipunong dibdib ng asawa ko. Nang-uuyam ang mga ngiti nito, naiiling na ibinalik ko ang tingin kay Ethan. “Kilala ko siya. Si Veronica, ang dati mong kasintahan na iniwan ka para sa career niya, kaya nga ako ang naging asawa mo at hindi siya. Oo, Ethan! Ako ang asawa mo at tatlong taon na tayong kasal, kaya wala ng lugar si Veronica sa bahay na ‘to!”
“Asawa? Kasal?” Maingat na ibinaba ni Ethan si Veronica, naglakad ito patungo sa kinaroroonan ko. Ang mabibigat na hakbang nito ay tila mitsa ng natitira kong lugar sa puso nito. “Baka nakakalimutan mong isang kasunduan lang ang kasal na ‘to, Celine. Replacement ka lang ni Veronica, at ngayong nagbalik na ang original, hindi ba’t tama lang na umalis na ang replacement? Nagampanan mo ng maayos ang tungkulin mo, I praised you for that, Celine. Kaya lang, tapos na rin ang silbi mo sa buhay ko.”
“Kasunduan lang talaga ang tingin mo sa pagsasama natin?” Bulalas ko, pilit kong pinatatatag ang aking boses at pinipigilang maiyak sa harap ng mga ito. “Noong iniwan ka ng babaeng ‘yan, hindi ako umalis sa tabi mo. Ako lang ang nagtiis at nag-alaga sa ‘yo, ibinigay ko lahat ng kailangan mo para lang bumalik sa ayos ang buhay mo. Naging mabuting asawa ako sa ‘yo at ang buong akala ko ay nakalimutan mo na si Veronica. Akala ko finally ay may lugar na ako d’yan sa pu…”
“Wala, Celine.” Sinalubong ni Ethan ang mga mata ko, walang kahit na anong emosyon doon. “Naging mabait ako sa ‘yo noon dahil naaawa ako sa ‘yo, alam ko kung gaano mo ako ka-mahal at kahit noong kami pa ni Veronica ay madalas kitang mahuli na nakatingin sa akin. Naisip kong pwede na rin kitang gawing distraction habang hinihintay ang babaeng totoo kong mahal, kaya lang kahit ilang taon pa ang lumipas na kasama kita…si Veronica pa rin ang laman ng puso ko. Hindi na magbabago pa yun.”
“So paano ako? Dahil tapos na ang pakinabang ko sa buhay mo, itatapon mo nalang ako?!” Pasigaw na tanong ko.
“Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari sa iyo ito, Celine. Pinilit mong pasukin ang lugar na hindi naman para sa ‘yo, pinatuloy kita kasi ikaw na ang lumapit, at sa mga panahong kailangang-kailangan ko pa ng presensya ng isang taong pwede kong pagbalingan ng sakit. Ngunit ngayon oras na para umalis ka, wala ka naman talagang lugar sa bahay na ‘to simula pa noong una.”
“Pinapaalis mo ako?” Natawa ako ng mapakla, isang tawa na tuluyang nawalan ng pag-asa. “Pinapalayas mo ako sa bahay na binuo nating magkasama para lang sa ibang babae?”
“Hindi ibang babae si Veronica, Celine. Alam mo ‘yan, alam nating tatlo yun. Siya ang buhay ko, at kung hindi aalis ngayon ay ako na mismo ang mag-eempake ng mga gamit mo at kakaladkad sa ‘yo palabas ng p***o.”
Parang patalim na sumasaksak sa puso ko ang mga salita ni Ethan, sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ay mauuwi lang sa pagpapalayas sa akin dahil bumalik na ang babaeng totoo nitong mahal. Habang ako ay tapos na ang role ko kaya okay lang na itapon na?
“Napaka-walanghiya mo!” Humakbang ako palapit dito hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo namin, sinalubong ko ang malalamig na mga mata nito. “Kung hindi dahil sa akin ay bumagsak na sana ang mga negosyo mo, ako ang tumulong sa ‘yo noong mga panahong tinalikuran ka ng lahat. Ngunit ito ang igaganti mo dahil lang nagbalik na ang babaeng ‘yan?!”
Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ni Ethan. Nag-igting ang mga panga nito.
“Tama na, Celine. Si Veronica ang totoong mahal ko, ano bang mahirap intindihin dun? At isa pa, huwag mong isumbat sa akin ang mga bagay na kusa mong binigay, kahit kailan ay hindi kita pinilit. Ikaw itong nagpumilit na tulungan at samahan ako sa pinaka-madilim na parte ng buhay ko, at hindi pa ba sapat na kabayaran yung tinanggap kita at pinagtiisan ng tatlong taon?”
“Ano?” Tila patalim na sumasaksak sa puso ko ang mga salitang binitiwan ni Ethan, sa loob ng ilang taon na akala ko natutunan na akong mahalin nito…lahat pala yun ay palabas lang?
“Umalis ka na, Celine. Wala ka nang lugar dito at sa buhay ko.”
Natawa ako ng nakakaloko. Kung ituring ako nito ay parang isang nakadidiring basura, muli kong tiningnan si Veronica na nakangisi lang at tinaasan pa ako ng isang kilay.
“Sige. Pero ito ang tatandaan mo, Ethan, sa oras na iwan ka ulit ng babaeng ‘yan…wala ka nang aasahan pa sa akin. Hinding-hindi na kita tutulungan at panonoorin kang bumagsak habang tumatawa.”
“Hindi na darating ulit ang araw na ‘yan, Celine. Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad palabas ng bahay ko.”
Halos mamuti na ang kamao ko sa sobrang higpit ng pagkakakuyo, huminga ako ng malalim bago tinalikuran si Ethan. Paglabas ko ng silid ay napahawak ako sa aking tiyan at saka ko marahang pinunasan ang mga luhang walang pasabi na nagbagsakan. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, pinapangako kong babalik ako…at ibabalik ko ng doble ang dinulot nilang sakit sa akin.
CELINE’S POINT OF VIEWLimang taon ang mabilis na lumipas.Kahit hindi ako pamilyar sa bansang kinaroroonan ko ay pinilit kong makaahon sa pagkakasadlak, binuo ko ulit ang aking sarili, pero this time ay malayo na sa dating ako. Hindi na ako papayag na maging tanga at sunud-sunuran sa isang lalaki, pagkatapos ay bibitiwan at lolokohin rin ako sa huli. Ngunit kasisimula pa lang ng success ko ay nakatanggap ako ng tawag sa aking ina.“Anak…kailangan mo ng umuwi dito sa Pilipinas.” Nanginginig ang boses na bungad ng aking ina. “Hindi na namin alam ng papa mo ang gagawin, bumabagsak na ang mga negosyo natin. Kung hindi namin ito magagawan ng paraan ay tuluyan nang mawawala sa atin ang mga pinaghirapan namin ng papa mo.”Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib. Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas, matagal ko nang kinalimutan ang buhay dun…ngunit hindi ko pa rin pwedeng talikuran ang mga magulang ko. Hindi ko sila magagawang pabayaan ngayong mas kailangan nila ako.“Sige,
CELINE’S POINT OF VIEWMakalipas ang isang linggo simula nang matapos kong pirmahan ang annulment papers namin ni Ethan, agad kong pinaasikaso kay Attorney Melendez ang pag-alis ko ng bansa. Iniwan ko na sa Pilipinas ang Celine na dinurog at nagpakatanga sa isang lalaki. Gusto kong magsimula ulit kung saan wala ang lalaking ginamit lang ako at niloko.Ngunit isang buwan na ako dito sa Canada, nang mapansin ko ang mga kakaibang pagbabago sa aking katawan. Ang buong akala ko maayos na ang lagay ko ayon sa doktor na nag-run ng test sa akin bago umalis, ngunit lately ay madalas akong nahihilo. Maging sa katawan ko ay kapansin-pansin ang pagbabago, lalo na kapag humaharap ako sa salamin. Umahon ang matinding kaba sa dibdib ko at pagkagulo sa aking isipan. Naranasan ko na ito dati, ngunit malinaw pa rin sa akin nang sabihin ng doktor na wala na ang baby ko.Para matahimik na rin ang isip ko ay nagpasya akong magtungo sa isang clinic na malapit sa kinaroroonan ko para magpa-checkup.“Sigurad
CELINE’S POINT OF VIEWIlang minuto na akong nakatulala at tanging iyak lang ang ginagawa. Nagising akong nag-iisa sa loob ng silid ng hospital na pinagdalhan sa akin ni Ethan, nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang akala ko ay wala ng mas isasakit pa ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Ethan sa kabila ng pagkakaratay ko sa hospital at panganganib ng buhay namin ng anak ko, ngunit tila gumuho ang mundo ko nang pagpasok ng doktor ay ibalita nito sa aking wala na ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi na nila nagawang isalba ang natitirang pag-asa ko para magpatuloy.Muling bumukas ang pinto at pumasok si Ethan. Kapansin-pansin ang pagkabalisa sa mukha niya, ngunit agad ding bumalik ang lamig ng mga tingin niya nang makita akong gising na.“Mabuti naman at gising ka na, ang sabi ng doktor ay wala na raw sa panganib ang buhay mo.” Halata ang panginginig sa boses niya ngunit pilit na pinatitigas.“Masaya ka na ba, Ethan? Ngayon totoong hindi na ako buntis,”
CELINE’S POINT OF VIEW“Sandali.”Paalis na lamang ako nang pigilan ako ni Ethan, buong tapang ko itong hinarap ngunit nagsisi ako nang makita ang inaabot nito sa aking papel.“Pirmahan mo muna ito bago umalis,” utos nito. Gusto ko nalang matawa sa nakikita ko, pero bakit kahit tanggap ko na ang katotohanan ay nasasaktan pa rin ako?Tinitigan ko ang papel bago tumingin ng diretso kay Ethan.“Ngayon na talaga, Ethan? Pinaghandaan mo talaga ito, ano? Kanina ko lang kayo nahuli, ni wala pang isang araw ang nakakalipas at kahihinga ko lang halos…ngayon pinapapirma mo ako ng annulment paper? Gaano ka ba kasama?”Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ni Ethan, alam kong peke ang mga yun dahil hindi man lang umabot sa mata nito.“Gusto mo bang patagalin pa natin, Celine? Sigurado akong naiintindihan mo na ang sitwasyon ngayon, kaya ano pa ba ang inaarte mo dyan? Bukas, sa susunod na araw, o ngayon man tayo mag-pirmahan ay hindi na mahalaga, dahil ang importante lang sa akin ay mapabilis ang p












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews