Pogi
Para kay Sienna Navarro, ang makapasok bilang bagong Marketing Executive sa Valeriano Empire ang sagot sa lahat ng problema niya, lalo na sa lumalaking hospital bills ng kanyang ina. Kaya bilang selebrasyon, hinayaan niyang makawala ang kanyang pagiging "good girl" at nakipag-one-night stand sa isang gwapo, mapanganib, at misteryosong estranghero sa club.
No names and no promises. Tumakas siya kinabukasan sa pag-aakalang hindi na sila muling magkikita.
Ngunit ang akala niyang wild mistake ay susundan siya hanggang sa board room. Ang lalaking tinakasan niya sa kama ay walang iba kundi si Tristan Valeriano, ang bago niyang boss, at ang malupit na bilyonaryong CEO ng kumpanyang pinapasukan niya.
Imbes na sisantehin siya dahil sa ginawa niyang pagtakas, isang nakakabaliw na alok ang ibinigay nito. Pananatilihin siya sa trabaho at babayaran ni Tristan ang lahat ng utang ng pamilya niya, kapalit ng isang sikretong kasunduan. Sa umaga, isa siyang propesyonal na empleyado. Ngunit sa gabi, pagmamay-ari siya ng kanyang boss.
Sa isang larong puno ng tukso, kapangyarihan, at mapanganib na pagnanasa, makakaya ba ni Sienna na sundin ang nag-iisang rule na bawal ma-inlove? O tuluyan siyang masusunog sa apoy na mismong siya ang nagsimula?
147