RIDA Writes
Nagkaroon ng malaking scandal sa kompanya ang mga magulang ni Lyka Lopez. Upang maisalba ang kanilang negosyo, napilitan siyang tumira sa mansyon ni Ray Tony Bautista bilang katulong. Ngunit hindi lang basta paglilinis ng bahay ang kanyang gagawin dahil siya ang magiging yaya ng nag-iisang anak ni Tony.
Mayroon lamang isang kondisyon si Tony. Kailangan nilang magpakasal at panatilihin itong lihim sa lahat. Isang kasal na nakatali sa kontrata at walang puwang para sa tunay na damdamin.
Paano kung sa gitna ng kanilang pagsasama ay unti unting mabuo muli ang naudlot na pagmamahalan? Kakayanin ba nilang panindigan ang kanilang kasunduan, o ang puso nila ang tuluyang magdidikta ng kanilang kapalaran?
1.2K