THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO
“Hindi mo ba ako narinig Cheat? o gusto mo pang ulitin ko ang sinabi ko? I said cancel it. Everything,”
“Pero Ma’am, paano po yung mga pagpapaganda ninyo? kailangan niyo po iyon,”
“Wala na akong pera, Cheat, uunahin ko pa ba ang pagpapaganda? Ayoko ng lustayin ang pera ni daddy sa walang ka-kwenta kwentang bagay, maganda naman ako kahit wala ang mga yan,”
“Opo maam, nandoon na ho tayo, natural naman ho na maganda kayo pero bilang isang babae diba, maintenance niyo po yan,” saad ni Cheat na ayaw pumayag.