Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ABLAZE WITH GOLD

ABLAZE WITH GOLD

Mia Ghibee
Sa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay. Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?
2.3K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as alab ng puso
Read
+Library
Kidnapped by the Billionaire After Divorce

Kidnapped by the Billionaire After Divorce

Para kay Liberty, siya na yata ang pinakamasayang asawa sa piling ni Duncan. Ngunit napagtanto niyang ilusyon lamang iyon nang aksidenteng malaman na nakikiapid ito sa kanyang kaibigan. Habang magkapatong sa ibabaw ng kama, natuklasan niya ang pagtataksil ng dalawa. Gusto niyang makipaghiwalay rito ngunit ang napakasalan pala ay isang demonyo na matagal ng nagbabalat-kayo. Sa araw ng kanilang diborsyo, na-kidnapped siya ng dominanteng tiyuhin nito. Ngayong kontrolado siya ni King Baron, matatakasan niya ba ang mga pang-aakit nito? Upang makalayo sa isa pang Salvantez, hanggang saan ang kaya niyang takbuhan? Makakaya niya bang dinggin ang idinidikta ng kanyang puso o pakikinggan ang sinasabi ng kanyang isipan?
9.9101.6K viewsCompletedAdded to Library 2.6K Times as alab ng puso
Show Reviews (20)
Read
+Library
Letii
Isang special chapter palang pero grabe na ang tawa ko. Hahahahahahaha. Ka cute ng apat na to. I really salute King how he loved Kalayaan.. may King kaya sa totoong buhay? Yung handang magnakaw ng saging para sa akin. Hahaahahahha
Ma Sofia Amber Llanda
pls author after Ng epilogue mo Sana ganahan Kang isulat ang special chapters para ALAM nmn Kung anong nangyari talaga Kay Leonard pwede rn na mga POV ni Liberty. thanks for this beautiful story we really enjoyed reading it.
Read All Reviews
His Perfect Servant

His Perfect Servant

Prologue Hawak ang maliit na bag, nakatayo si Althea Santos, 20, sa harap ng marangyang tahanan ng pamilya Velasco. Para bang ibang mundo ang kaharap niya—malayo sa simpleng buhay sa probinsya. Kailangan niya ang trabahong ito, at ang pagiging kasambahay ng isang kilalang doktor ang tanging daan upang makatulong sa pamilya. Pagpasok niya sa sala, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier. Ang bawat sulok ay parang larawan mula sa magasin, at halos hindi siya makapaniwala na dito siya maninirahan. “Ah, ikaw pala si Althea,” isang malalim na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya at napatigil. Isang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang naroon—may malamig na tingin ngunit hindi maitatangging kaakit-akit. Si Dr. Adrian Velasco, 25, amo niya at isang respetadong doktor. “Y-yes, Sir,” sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, hindi lamang dahil sa kaba kundi sa paraan ng pagtitig ni Adrian—parang binabasa ang kanyang buong pagkatao. Lumapit ito, mabagal at tiyak ang bawat hakbang. “Welcome sa Velasco residence. Sana makapag-adjust ka nang mabuti.” Kasabay ng banayad na babala ang isang maliit na ngiti na nag-iwan ng init sa dibdib ni Althea. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang tensyon—isang halong respeto, kaba, at hindi maikakailang kilig. Alam niyang hindi magiging ordinaryo ang mga susunod na araw. Sa ilalim ng bubong na ito, magsisimula ang kwento ng damdamin na susubok sa kanya—mga lihim, selos, kilig, at sakit na magbabago sa kanyang puso magpakailanman. ---
1.2K viewsOngoingAdded to Library 48 Times as alab ng puso
Read
+Library
THE MISTRESS: AGAWAN NANG ASAWA (PART 2)

THE MISTRESS: AGAWAN NANG ASAWA (PART 2)

🔞 "APAT NA KATAWAN, ISANG KASINUNGALINGAN" ⚠️ Babala: Ang kuwentong ito ay hindi angkop sa mga menor de edad. Naglalaman ito ng matitinding eksena ng pagtatalik, pagkakanulo, at karahasang emosyonal. Paano kung ang kabit ng asawa mo… ay may asawa ring kabit? Sa isang gabing punô ng lihim at init, isang sigaw ang yumanig sa kwarto— “Anong ginagawa niyo ng asawa ko?!” Tatlong katawan ang nagkagulatan. Tatlong puso ang biglang nasaktan. Ngunit nang bumukas ang pinto sa ikatlong pagkakataon… isang mas malalim na sikreto ang nabunyag. Sino ang tunay na biktima? Sino ang tunay na traydor? Sa larong apoy at tukso..
1015.0K viewsCompletedAdded to Library 330 Times as alab ng puso
Read
+Library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
9.873.9K viewsCompletedAdded to Library 2.0K Times as alab ng puso
Read
+Library
Glimmer of Hope

Glimmer of Hope

Mayayeeeh
Si Belle, isang ordinaryong kolehiyala. Tanging nais niya lang ay umuwi pagkatapos mag-aral. Hindi niya talaga gusto ang kursong kinuha niya, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian pa. Until one day, nakilala niya ang professor na nagpabago ng college life niya—si Engr. Cy. Ang pinaka-intimidating at stiff na lalaking magiging malaking bahagi pala ng buhay niya.Sila ang dalawang taong magkaiba ng priorities at estado sa buhay. Magkasundo kaya sila? Daan na ba ito para mabuksan ang puso nilang pinaglumaan na ng panahon? O magiging paraan lang ito para masaktan sila?
83.6K viewsCompletedAdded to Library 104 Times as alab ng puso
Read
+Library
A Bittersweet Surrender

A Bittersweet Surrender

Si Mona ay isang bata na galing sa ampunan,dahil sa hirap ng buhay pumayag siyang ipadala ng kanyang ina sa kumbento para doon makapagtapos ng pag aaral,hanggang sa nakilala niya ang binatilyong si Ivan sa kumbento,hanggang saan ang kayang tiisin ni Mona gayung bata pa lamang siya alam na niyang wala itong ni katiting na pagtingin sa kanya,hanggang saan ang kaya niyang tiisin at isakripisyo mapaibig niya lamang ang isang Rivano Galvez o mas kilala niya bilang Ivan ganung iba ang itinatangi ng puso nito
101.2K viewsOngoingAdded to Library 48 Times as alab ng puso
Read
+Library
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
10523 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as alab ng puso
Read
+Library
When You're Gone

When You're Gone

imynnocent
April Hreghen Atienza ay ang babaeng gustong gusto si Sammuel Lazarus Sandoval. She like Sammuel so much kaya ginawa niya ang lahat mapansin lang siya ng crush niya. Dahil sa pag-iibigan nilang dalawa, nalihis sila ng daan. Parehong bumagsak ang grado nila dahil hindi nila natutokan ang kanilang pag-aaral. Nawasak ang kanilang puso, nasaktan, umiyak, nagdusa, naghabol at pilit na pinapatatag ang relasyon. Paano nila maibabalik ang dating sigla ng pag-iibigan? Ang tanong... maibabalik pa ba ang dating pinagsamahan?
73.3K viewsCompletedAdded to Library 91 Times as alab ng puso
Read
+Library
The Divorced Wife Is Back

The Divorced Wife Is Back

Author Eli
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
10852 viewsOngoingAdded to Library 31 Times as alab ng puso
Read
+Library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status