Tito Maximillian's Obsession
Nahuli ni Louissa ang asawa na si Miguel katalik ang matalik niyang kaibigan na si Leandra, mismong sa gabi pa ng libing ng kanilang anak. Nadurog ang puso niya sa nasaksihan.
Sa isang gabi, nawala ang lahat sa kanya—ang anak, ang tiwala, at ang pagmamahal na pinanghawakan niya nang matagal.
Sa gitna ng matinding sakit, nagpakalunod siya sa alak at nagising na may katabi ng isang matipunong lalaki at pareho silang hubo't hubad. Kilala niya ang lalaki, kilalang-kilala niya, ngunit hindi niya inaasahang magkikita pa silang muli.
Dahil ang lalaking iyon… ay ang tiyuhin ng sarili niyang asawa. Ang Tito Maximilian nito na isang bilyonaryo at kilalang abogado
Sa harap ng dobleng pagtataksil, pinili ni Louissa na kalimutan ang dati niyang paniniwala. Kung nagawa siyang saktan ng asawa niya, bakit hindi rin siya gumanti?
Sa isang laro ng puno ng tukso, lihim, at paghihiganti—hanggang saan siya handang bumaba para lang ibalik ang sakit na ipinadama sa kanya?