ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO
Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?!
Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte.
Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari.
At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago—
Siya pa ang nagpumilit magpakasal!
“Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!”
Ngayon, si Roxane ang natataranta.
Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?!
Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark?
May pag-ibig na ba talagang nabubuo?
O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo?
Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!