Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
869 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Dear Husband: You Love Me Too Late

Dear Husband: You Love Me Too Late

"Try to divorce me, I will make you suffer even more. I will destroy you!" ika niyang nanggagalaiti sa galit. Hawak niya sa leeg si Ysabella. Ang likod nito ay nakasandig na sa pader. Wala na itong kawala pa. Imbes na takot. Imbes na umiyak at magmakaawa, napahalakhak si Ysabella. Napaubo lamang siya nang humigpit ang nanginginig na kamay ni Daniel sa kaniyang leeg. Pasakal. "Destroy? Wala ka nang sisirain pa, Daniel. Wala na dahil hindi mo lang sinira, winasak mo pa. Winasak mo hindi lang pagkatao ko..." Asik niya. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. Manhid na siya sa lahat ng kalupitan ng kaniyang asawa. "Ang pilat sa likod ko ang magpapatunay ng kalupitan mo. Ang mga kalyo sa kamay ko ang ebidensya sa hirap na dinanas ko. Para kumain. Lumaban ako para mabuhay. Ang payat kong pangangatawan ang resulta ng pagdurusa ko ng dahil sa iyo. Daniel, lahat ng ito, sa pisikal lang na sakit. Nagpapaalala lang ng pagkakamali kong minahal kita. Walang wala sa buong pagkatao ko na winasak mo ng pinong-pino! Napailing si Daniel. Ayaw tanggapin ang mga salitang namutawi sa bibig ni Ysabella. Nang babaeng mahal na mahal siya. At nagsasabing... Pagod na itong mahalin siya. "You will love me again. Bubuuin kitang muli. Just stay! As my wife..." Umiling si Ysabella. "You love me too late, Daniel. Too late..." She was hated. Destroyed! And now loved? For her, it's too late. For him, he needs to start anew. But fate will decide for them. Does love have a second chance this time?
Romance
10673 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10676 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Naglalaro sila ng isang mapanganib na laro, naglilikot sa isang lugar kung saan madali silang mahuli ngunit sa tingin ko bahagi iyon ng kilig . Isang mainit na gulo. Isang mainit na boss. Isang napakaraming mainit na engkwentro na may pagnanasa na hindi mapaglabanan. Si Leslie ay parang walking ticking bomb hindi lang literal na "kapus-palad" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, ngunit iyon ang kuwento ng kanyang buhay. Pakiramdam niya lahat ng mahawakan niya ay biglang nagiging kalokohan. Lalo na pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa kanyang dating nobyo, lumipat siya sa studio na kanyang ibinahagi sa kanyang dating dahil sa panloloko na nangangahulugang bumalik siya sa bahay kasama ang kanyang teenager na parang mga magulang. Kaya naman kailangan niya ng bagong trabaho bilang personal assistant ni Damien Cameron Romano para makabangon muli. Ang tagapagtatag ng Boyce industries, Tatlong buwan sa trabahong ito at maaari na siyang lumipat at, sana ay magsimulang muli sa bagong tseke mula sa kanyang bagong trabaho. Sa papel, madali ang kanyang trabaho. Mag kape. Mag-book ng mga appointment. Panatilihing maayos ang lahat. Ngayon, wala na dahil hindi nagpapagaan ang kanyang amo sa kanyang seksing katawan at seksing mga mata. Imbes na tumutok sa trabaho niya ay walang tigil ang iniisip niya tungkol sa biglaang nakakapasong paso ng kanilang atraksyon sa isa't isa. Pero boss niya! Alam mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa paghahalo ng trabaho at kasiyahan: Hindi ito nagtatapos ng maayos.
Romance
109.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10637 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Maalindog na si Teacher Larson

Ang Maalindog na si Teacher Larson

Matapos mahuling may kasamang ibang babae ang kanyang ex-boyfriend, Erika Larson drowned herself to death one night, but was rescued by a man who looks like a greek-god. Isang gabi lang ang pinagsaluhan nila, ngunit pareho na nilang hinanap-hanap ang isa’t isa kaya naman gumawa na sila ng kasunduan—fuck buddies. No strings attached. No feelings involved. Isang kagalang-galang na guro sa isang prestigious catholic kindergarten sa umaga, at tuwing gabi naman ay isang nakakaakit na babae sa ibabaw ng kama ni Logan. Ngunit paano kung ang lalaking kinahuhumalingan niya ay siya palang ama ng isa sa mga batang estudyante niya? Hahayaan niya bang maging isa siyang kabit ng mayamang si Logan Vallejo, o tuluyan na niyang pakakawalan ito? Paano kung huli na ang lahat bago pa man siya makagawa ng desisyon?
Romance
1013.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Tiring Life (Tagalog)

My Tiring Life (Tagalog)

Firedragon0315
Dumadating sa punto masakit ang pakawalan ang taong mahal na mahal mo. Subalit mas pipiliin mo ang magpaubaya kung alam mong napapagod ka na at wala na kapag-asa na magbabago ang lahat sa inyong dalawa. Mahal mo na siya ngunit malinaw sayo na may mahal siyang iba. Ganun si Vernice sa pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang asawa. Ngunit mas gugustuhin niya ang palayain ang sarili kesa ang tuluyang saktan ang sarili na makita na may ibang kasama ang kanyang asawang si Raffy. May pag-asa ba pang magkaroon ng isang panibagong yugto ang pagsasama nila na pinangarap lang nuon ni Vernice?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor

A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor

Hindi kailanman nasiyahan si Felize sa pakikipagtalik sa kanyang asawang si Christopher. Sa halip, nakuha niya ang kasiyahang iyon mula sa isang OB-GYNEcologist na inirekomenda ng kanyang biyenan. Ang doktor na nagngangalang Dominic San Diego, ay siya palang first love ni Felize. Ang muling pagkikita nila ang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ang ipinagbabawal na ugnayang iyon ay nahadlangan ng kanilang mga katayuan sa buhay. Magkakaisa kaya ang kanilang pag-ibig, o babalik sila sa kani-kanilang mga asawa? “Makipaghiwalay ka na sa asawa mo.” — Dominic “Gagawin mo rin ba ang ganoon? Makikipaghiwalay ka rin ba sa asawa mo?” — Felize
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
OWNED (TAGALOG)

OWNED (TAGALOG)

Handa kang ipagbili ang sarili mo kapalit ng buhay ng taong pinakamamahal mo?
Para kay Laura, ang sagot ay oo. Pero ang kapalit—isang kontratang nakatali sa dugo at isang lalaking kinatatakutan ng lahat. Si Nikolas, ang tinaguriang Mafia King na walang puso.
Ngunit sa likod ng malamig niyang mga mata, may mga lihim na mas mapanganib pa sa bala.
At nang mabunyag ang totoo na ang halimaw ay isa lamang palabas, at ang tunay na kasalanan ay konektado sa sariling ama ni Laura magsisimula ang laban sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti.
Dahil minsan, ang puso ang pinakamabangis na kontrata sa lahat.
Mafia
109.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status