Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
Romance
1010.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
Romance
1019.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

Wala nang mas kinaiinisan si Elara Montesilva kundi si Timothy Grey—ang stepfather niyang masyadong bata, masyadong seryoso, at masyadong involved sa lahat ng bagay tungkol sa kanya. Akala niya, noong namatay ang nanay niya ay tapos na rin ang koneksyon niya rito. Pero nang mapunta siya sa isang iskandalong muntik nang sumira sa pangalan niya, si Timothy pa rin ang unang dumating—galit, tahimik, at determinadong ayusin ang lahat. Ngayon, kailangan niyang bumalik sa bahay na matagal na niyang tinakbuhan. At habang araw-araw ay nagbabanggaan ang pride nila, unti-unti niyang nakikita ang ibang side ni Timothy. Ito ‘yung lalaking hindi lang kayang magalit, pero marunong din mag-alaga... at umunawa. Pero paano kung ang galit niya, unti-unti nang napapalitan ng isang bagay na hindi dapat? At paano kung sa likod ng lahat ng lihim ni Timothy Grey, ito rin pala ang tanging taong kayang sirain ang pader na itinayo niya? Rebellion. Tension. Forbidden emotions. Dahil minsan, ang taong gusto mong iwasan ay siya ring hindi mo kayang kalimutan.
Romance
10197 viewsOngoing
Read
Add to library
His Personal Maid

His Personal Maid

Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan hindi mo nakitaan na mayroon din siyang pagmamahal sayo katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya? Ang hirap. Iyong lihim mong minamahal ang isang tao at hanggang tanaw ka lang. Nakakapanghina. Kung sabagay, sino ba siya para mapansin at magustuhan ng lalaking gusto niya? Isa lang naman siyang langaw na sampid sa angkan nila. Ilang taon na ba siyang naninilbihan sa pamilyang Montefalco? Halos isang dikada na. Minahal naman siya ng pamilyang ito ngunit yung pagmamahal na inaasam niya...hindi niya pa naramdaman. Palagi nalang siyang nag-aasam. Pait siyang napangiti habang nakatanaw sa lalaking matagal na niyang iniibig. Ang lapit lang nila sa isa't isa ngunit nahihirapan siyang ito ay abutin. Hanggang maid na lang ba ang tingin nito sa kanya?
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?
Romance
10425 viewsOngoing
Read
Add to library
Maid for You (Hiding Series #2)

Maid for You (Hiding Series #2)

Hirap sa buhay si Yngrid Dela Fuente naiwang mag-isa at siya na lamang ang bumubuhay sa sarili niya. Ganunpaman, nagsumikap siyang maghanap ng trabaho at hindi niya aakalaing matatagpuan niya ang sarili niyang maging personal maid ng isang kinatatakutang tao ng lahat, si Devron Montecillo, isang Mafia Boss. Ngayong isa siya naging personal maid ng taong ito, ano ang mangyayari sa buhay ni Yngrid? Magiging tahimik ba ito o magiging magulo dahil sa taong kasama niya?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Million Worth Marriage (Fillipino)

Million Worth Marriage (Fillipino)

Darlene Paey
Si Jade Sy and epitome ng isang perfect daughter. Pinalaki siyang masunurin at mapagbigay to the point na tila nakakalimutan niya na kung ano ba talaga ang kanyang gusto at kung sino ba talaga siya. Itinatak sa isipan niyang dapat niyag sundin ang pamilya dahil sila ang nakakaalam ng makabubuti sa kanya. Sinunod niya ang lahat maging ang pagpapakasal sa isang lalaking walang ginawa kundi ipakita sa kanya kung gaano siya nito kinamumuhian. Is love enough to stay in a marriage that was loveless in the first place?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
You Are Only Mine(TAGALOG)

You Are Only Mine(TAGALOG)

Miguel Javier Mortiz, a 26 year old bachelor who fell in love with Gabriella Marie Joson, a 16 year old teenage girl. Sa unang pagkakataong nasilayan ni Miguel si Gabriella ay may kung anong klaseng damdamin ang napukaw ng dalaga sa kanya. Her innocent eyes took him by a surprised. Sinubukan ni Miguel pigilan ang damdamin, ngunit tila bomba itong sasabog kahit ano mang oras. Alam niyang mali, pero hanggang kailan niya kayang itago ang nararamdaman para sa dalaga.
Romance
1018.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

Lumaki sa saktong pamumuhay si Nessa Villego, siya ngayon ay 25-taong gulang na at isa ng lisensyadong engineer. Tanging ang nakababata na lamang niyang kapatid na si Tasha 20-taong gulang, ang mayroon siya nang mamatay ang mga magulang nila 5 years ago sa hindi inaasahang trahedya. Dahil dito ay mas lalong naging malapit ang dalawang magkapatid na halos siya na ang tumayong ina at ama para kay Tasha. Naghangad si Nessa ng magandang pamumuhay upang matulungan ang kapatid. Hanggang sa isang araw ay labis siyang nabanas nang mapansin niya na tila unti-unting nagsisilipatan ang mga dati niyang kliyente. Si Engr. Veos Dimitre, ang lalaking labis na nagdala ng pagbabago kay Nessa dahil naging kakompentensya niya ito dahil sa pagkakapareho nila ng propesiyon. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon ni Nessa kapag nalaman niya na palihim na minahal ng kanyang kapatid na si Tasha si Veos? At paano kung ang damdamin ni Veos ay hindi pala nakalaan kay Tasha? At sa ibang babae ito mas nahuhumaling. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay nina Nessa, Veos at Tasha. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang propesiyon o tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan dahil sa hindi nila palaging pagkakaunawaan.
Romance
9.913.9K viewsOngoing
Read
Add to library
A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)

A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)

Si Luke Cruise ay nagmula sa angkan ng pamilya Cruise na siyang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa balat ng lupa. Nang dahil sa kanyang naging poverty training ay kinailangan niyang itago ang kanyang pagkakakilanlan, husay sa martial arts, iba pang talento at abilidad sa loob ng mahigit tatlong taon. Nakaranas siya ng panlalait, pang-iinsulto at pangmamaliit nang panahong iyon. Ngayon, sa kanyang pagbabalik bilang Young Master ng pamilya Cruise, ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang tunay niyang pagkakakilanlan?
Urban
9.942.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status