Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Pangarap Kong Matikman Ka

Pangarap Kong Matikman Ka

Ikakasal na lang ang bachelorette na si Alina Lovia, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang napunta sa tapat ng isang lumang apartment habang nakasuot pa rin ng wedding gown. Laking-gulat niya nang tumagos siya sa dingding ng apartment na ‘yon at doon niya nakita ang isang lalaking hubu’t hubad habang nilalaro ang sarili nitong ari. Doon niya napagtanto na para bang isa na lamang siyang kaluluwa. Hindi niya alam kung paano siya namatay o kung may pumatay ba sa kaniya. Habang kaluluwa na lang siya, doon niya nalaman kung sino sa pamilya niya ang kakampi, kaaway at kung sino ang nagmamahal sa kaniya. Habang tumatagal din na palagi siyang nakabuntot kay Corvus Ferrara at napapanuod niya ang ginawa nito habang nakahubu’t hubad ay tila ba natatakam na siya sa rito. Naging pangarap niyang mabuhay ulit para kay Corvus. Naging pangarap niya na matikman ito. Ano ang magiging koneksyon ni Corvus Ferrara sa kaniya? Bakit siya lang ang nakarinig at nakikita sa kaniya? Ito ba ang makakatulong sa kaniya para malaman kung ano ang nangyari sa kaniya at kung sino ang pumatay sa kaniya? Pero ang magandang tanong, tutulungan kaya siya ni Corvus?
Romance
1081.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10727 viewsOngoing
Read
Add to library
ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

NAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw. Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang. Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon. Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito. Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao. Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?
Romance
1010.3K viewsCompleted
Read
Add to library
ESCANDALO DE SAN IGNACIO

ESCANDALO DE SAN IGNACIO

Felicity
SCANDAL... BILLIONAIRES... MARRIAGE... Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio. Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan. Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon. Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan. Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas. At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco. Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon. Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Romance
770 viewsOngoing
Read
Add to library
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Million Worth Marriage (Fillipino)

Million Worth Marriage (Fillipino)

Darlene Paey
Si Jade Sy and epitome ng isang perfect daughter. Pinalaki siyang masunurin at mapagbigay to the point na tila nakakalimutan niya na kung ano ba talaga ang kanyang gusto at kung sino ba talaga siya. Itinatak sa isipan niyang dapat niyag sundin ang pamilya dahil sila ang nakakaalam ng makabubuti sa kanya. Sinunod niya ang lahat maging ang pagpapakasal sa isang lalaking walang ginawa kundi ipakita sa kanya kung gaano siya nito kinamumuhian. Is love enough to stay in a marriage that was loveless in the first place?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid for You (Hiding Series #2)

Maid for You (Hiding Series #2)

Hirap sa buhay si Yngrid Dela Fuente naiwang mag-isa at siya na lamang ang bumubuhay sa sarili niya. Ganunpaman, nagsumikap siyang maghanap ng trabaho at hindi niya aakalaing matatagpuan niya ang sarili niyang maging personal maid ng isang kinatatakutang tao ng lahat, si Devron Montecillo, isang Mafia Boss. Ngayong isa siya naging personal maid ng taong ito, ano ang mangyayari sa buhay ni Yngrid? Magiging tahimik ba ito o magiging magulo dahil sa taong kasama niya?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
You Are Only Mine(TAGALOG)

You Are Only Mine(TAGALOG)

Miguel Javier Mortiz, a 26 year old bachelor who fell in love with Gabriella Marie Joson, a 16 year old teenage girl. Sa unang pagkakataong nasilayan ni Miguel si Gabriella ay may kung anong klaseng damdamin ang napukaw ng dalaga sa kanya. Her innocent eyes took him by a surprised. Sinubukan ni Miguel pigilan ang damdamin, ngunit tila bomba itong sasabog kahit ano mang oras. Alam niyang mali, pero hanggang kailan niya kayang itago ang nararamdaman para sa dalaga.
Romance
1022.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status