Million Dollar Marriage Contract
Salvia Avery
He sees her as nothing more than a gold digger.
She regards him as a callous brute.
She shouldn't fall for him...
____
Isa lang ang pangarap ni Charity de la Vega at iyon ay maiahon ang sarili at ang may-sakit na ama sa hirap. Hindi man nakapagtapos, masipag at determinado naman siya. Kaya nga lang ay kulang iyon para maging matagumpay siya.
Hanggang sa dumating ang isang oportunidad sa kaniya... oportunidad na yumaman. Ang kailangan lang gawin ng dalaga ay pakasalan si Ien Carreon: gwapo, mayaman, arogante at walang kasing lamig.
Makakaya ba ni Charity na palagpasin ang once in a lifetime opportunity na ito?
Pero ano kaya ang sikreto sa kabila ng kanilang pagpapakasal?