Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
1.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 51 kali sebagai balitang panlipunan
Baca
+Pustaka
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
9.873.9K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.6K kali sebagai balitang panlipunan
Baca
+Pustaka
Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)

Pregnant By The Playboy Surgeon(Jace Villareal)

Matapos ang balitang sumuko na sa pag-ibig ang kilalang playboy na si Sebastian Castillo, ang akala ng lahat ay wala nang makakatibag sa "malamig na pader" ni Dr. Jace Villareal. Si Jace ang pinakamatalino, pinaka-arogante, at ang tanging miyembro ng The Quad na walang puso. Para sa kanya, ang emosyon ay parang isang sakit na dapat i-opera para tuluyang mawala. ​Hanggang sa makilala niya si Zoe Mondragon. ​Si Zoe ay ang "Nation’s Sweetheart"—isang sikat na aktres na sanay sumunod sa script. Pero sa isang gabi ng mapusok at hindi inaasahang pagtatagpo, ang script ng buhay niya ay tuluyang nagbago. Isang gabi lang ang kailangan ni Jace para ituring si Zoe na isang "mistake" sa kanyang perpektong buhay. Kaya naman bago pa siya itaboy ng hambog na doktor, pinili ni Zoe na maglaho nang parang bula. ​Apat na buwan ang lumipas. Isang positibong pregnancy test ang magpipilit kay Zoe na bumalik sa mundong pilit niyang tinalikuran. ​Ngayon, kailangang harapin ni Zoe ang malamig at mapanghusgang mga mata ni Jace. Mapipilitan siyang manatili sa loob ng "golden cage" sa penthouse ng doktor—isang high-risk pregnancy sa ilalim ng pagbabantay ng lalaking ayaw siyang mahalin. ​Ito ay isang kwento ng mga nakatagong sugat, mga sikretong anak, at isang surgeon na malapit nang matuklasan na ang pinakamalaking "pagkakamali" niya ang tanging bagay na hindi niya kayang bitawan.
101.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 60 kali sebagai balitang panlipunan
Baca
+Pustaka
BROKEN VOW

BROKEN VOW

Mugsy Wp
Si Yuan, isang simpleng lalaking nangakong habambuhay mamahalin si Donna Angeles. Isang simpleng babaeng namuhay mag-isa. Nangako siya na habambuhay itong mamahalin subalit nagkaroon siya ng misyon. Kailangan niyang hanapin ang may-ari ng microchip kaya umalis siya at tumungo sa England. Sa pagdating niya doon sa England ay Microchip ang kaniyang nakita. Isang pag-ibig sa piling ni Mitch Madrigal, Anak ng kaniyang kaaway. Sa piling ni Mitch, pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng pangako niya sa Pilipinas, Nakalimutan niya si Donna. Pagkalipas ng Tatlong-taon ay masaya silang namuhay ni Mitch bilang mag-asawa pero hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Isang araw nakarating sa kaniya ang balitang ginahasa si Donna at ngayon nga ay nagdadalang-tao ito. Nang gabing iyon ay tumawag ito sa kaniya at sa kasamaang palad ay si Mitch Madrigal ang nakasagot ng tawag na para sana sa kaniya. Hindi akalain ni Mitch na may kasintahan si Yuan sa Pilipinas at ang masakit ay nagdadalang-tao ito at hindi niya maatim na mamuhay nang payapa sa piling ni Yuan habang may batang lumaki ng walang ama. Sa boung buhay niya, palagi siyang nakatago at kinukutya ng kambal niya at hindi niya hahayaang may ibang batang makaranas nito kaya kahit na parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit ay pinili niyang palayain si Yuan. Pinili niyang sirain ni Yuan ang pangako nito sa kaniya kesa sa inosenteng bata.
2.9K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 57 kali sebagai balitang panlipunan
Baca
+Pustaka
Loveless Deal With The Possessive Billionaire

Loveless Deal With The Possessive Billionaire

Dahil sa paniniwalang mahahanap mo ang totoong taong magmamahal sa ‘yo kapag walang-wala ka, tinago ni Koa Haile Montinola ang katotohanang isa siyang heiress ng isang mayamang pamilya mula kay Conrad, ang kanyang kasintahan. Ngunit matapos niyang isakripisyo ang lahat para rito, ang tanging natanggap niyang sukli ay pagtataksil at ang pagnanakaw nito sa perang inipon niya para sa kanilang nalalapit na kasal para sa first love nito. Ang mas masakit pa, may anak ang mga ito. At ang masaksihan ang “happy family” ng taong sumira sa kanyang tiwala, walang pagdadalawang-isip siyang umalis. Bumalik siya sa kanyang pamilya at sumang-ayon sa arrange marriage na nakahanda para sa kanya. Meleck Hudson Miller, isang notoriously cold businessman na balitang may secret lover. Kahit na ayaw manira ni Haile ng relasyon, kung gusto niyang matanggap ulit ng pamilyang tinalikuran niya noon, wala siyang ibang magawa kundi ang makipag-deal sa binata. To take revenge of her ex-fiancé and to win her family’s trust back. But what if he’s too cold and heartless…and possessive at the same time? Tamang desisyon kaya ang makipag-deal dito? - Diniin siya nito sa likod ng nakasarang pinto. His thumb brushing against her lower lip. “A deal is a deal. And I hate sharing what’s mine.” “Hudson…” “You’re mine. No one’s going to touch you but me. Not even your hands, did you get me?” Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Is this still a part of their loveless deal?
104.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 149 kali sebagai balitang panlipunan
Baca
+Pustaka
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Madalas nga ay nagpa-practice na siya sa pagsusulat at idudugtong ang apelyido ni Vaughn na Lopez sa kanyang buong pangalan na Samantha Santos. Inspirasyon din niya ito sa kanyang pag-aaral para maipagmalaki siya nito. Samantalang ang binata ay may nobya sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. At nangako na pagkatapos ng sampung taon nito sa modelling career ay magpapakasal na silang dalawa at iiwanan ni Yvonne ang modelling para sa bubuuin nilang pamilya. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Hindi naman siya nagtagumpay dahil nahulaan agad ng binata ang kanyang masamang balak. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kasal nila Vaughn at Yvonne. Sinamantala naman ni Samantha ang pagkakataon na ligawan si Vaughn. Wala siyang pakialam kung siya ang humabol sa binatang CEO. Walang nakapigil sa kanya kahit ultimo ang sariling pamilya dahil katwiran niya ay nasa tamang edad na siya at tapos na sa pag-aaral. Ngunit, tila naging bato na yata ang puso ng binatang Bilyonaryo dahil kahit anong panunuyo niya rito ay hindi talaga siya nito pinapansin. Igi-give up na ba niya ang pagmamahal kay Vaughn at ibabaling na lamang ang atensyon sa nakababatang kapatid nito na matagal nang may gusto sa kanya? O maghihintay pa rin siya na mapansin ni Vaughn kahit mayroon na ulit itong bagong nobya?
102.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 51 kali sebagai balitang panlipunan
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
123
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status