After Divorce : Marrying My First Husband Again
Napilitang magpakasal ang tanyag na abogadong si Elias Macini sa isang anak ng maid na si Dasha Rivera, sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi niya pinakitaan ng kabutihan ang babae, ngunit sa kabila nito ay pagmamahal pa rin ang binabalik ni Dasha. Natapos ang kanilang pagsasama noong nalaman ng lalaki na nagdadalang tao si Dasha, kaagad na nakipag-divorce si Elias sa kaniya at sumama sa tunay nitong mahal.
Umalis ng mansyon si Dasha at isang aksidente ang nangyari na naging dahilan upang muli niyang makita si Samuel Valdez, ang una niyang naging asawa. Sa gitna ng kaguluhan sa kaniyang buhay at sa pag-alalang walang tatayong maging ama ng kaniyang anak, muli niyang pinakasalan si Samuel na walang kaalaman na ito ang desisyon na pagsisihan niya buong buhay.