Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back
Handa ka bang talikuran ang isang pagsasamang nabuo lamang mula sa isang kasinungalingan?
"Naiintindihan ko kung bakit kinamumuhian mo ako, Diane. Huli na rin nang malaman ko ang ginawang panloloko sa'yo ni Caleb pero maniwala ka man o hindi, nagawa niya lamang ang lahat ng iyon para sa akin, para sa kapakanan naming dalawa ng anak kong si Theo. Kaya hanggang maari, huwag mo sana siyang sisisihin."
"Malinaw sa akin ang lahat nang ikinasal kaming dalawa ni Caleb, Serena. Alam kong may limitasyon ang pagsasama naming dalawa at kung si Theo ang pag-uusapan, malinaw sa akin ang karapatan mo bilang biological mother."
Ngumiti ito— isang ngiting hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Diane." Inilatag nito sa mesa ang isang dokumento at sinadyang itulak ng kamay papalapit sa kaniya. "Handa na akong bawiin ang mag-ama ko. Heto ang application for annulment ninyong dalawa ni Caleb..."
Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito mula umpisa hanggang dulo.
"Ibig sabihin, handang ibigay sa'yo ni Caleb ang mansyon at ang rest house sa Tagaytay. Maliban doon, handa siyang bayaran ka ng limampung milyon bilang kabayaran sa limang taong pagsasama ninyong dalawa."
Muling nagtama ang mga mata nilang dalawa, doon nasilayan niya kung paano naging nakakalason ang maamong ngiti ni Serena kanina.
"If you think everything's okay. Pwede ka nang pumirma."
Nanatiling blanko ang ekspresyon niya sa kinatatayuan. Hindi nito alam kung matutuwa ba siya o masisilaw sa mga ari-arian at milyones na alok ng dalawa.
Dahil kung tutuusin, isa lang naman ang gusto niya...gusto nitong makalaya mula sa mala-impyernong buhay kasama si Caleb.