Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG)
Sa mata ni Claudette Aoife Villamor, ang kasal ay sagrado—isang pangakong hindi dapat nilalapastangan. Pero sa loob lang ng tatlong buwan bilang misis, nadurog ang buong pagkatao niya nang mahuli niya ang sariling asawa—nakikipagtalik sa kasambahay nila. Sa kama nilang mag-asawa.
Dala ng galit at pagkawasak, nilisan niya ang tahanan nila nang walang balak bumalik. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, isang misteryosong lalaki ang sumulpot sa landas niya—si Killian Nicolaj, ang tahimik ngunit makapangyarihang billionaire na siyang bagong CEO ng unibersidad kung saan siya dating nagturo.
Hindi alam ni Claudette na matagal na pala siyang pinagmamasdan ni Killian. Matagal nang kinikimkim nito ang damdaming hindi niya kailanman inasahan—hanggang sa isang gabi ng paghihiganti, isang kasalanang pinili nilang kapwa pasukin.
Sa loob ng sasakyan ni Killian, sa harap ng lalaking minsan niyang minahal, isinuko ni Claudette ang sarili sa bisig ng kanyang boss.
Isang gabi ng kapusukan.
Isang simula ng mga lihim.
At isang ugnayang hindi kailanman dapat nabuo.
Hanggang saan ka dadalhin ng galit, pagnanasa, at muling pagtuklas sa sarili mong halaga?