Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Evenfall

The Evenfall

Nabulag si Czarina sa isang malagim na aksidente. Dahil dito ay lumayo ang loob n'ya sa lahat. Ang dating masiyahin at palatawang si Czarina ay naging tahimik at mailap. Imbes na mawalan ng pag-asa ay hindi siya sumuko at nilabanan ang hamon ng buhay, kasama ng mga magulang na sumusuporta sa kanya. Pinangako rin n'ya sa sarili na kapag nakakita ay hahanapin ang taong sangkot kung bakit siya bulag ngayon. Subalit ang tila kuntento na niyang buhay ay napalitan ng sakit at dalamhati nang sabay na mamatay ang mga magulang sa parehong aksidente. Czarina was left alone in the dark. Tila binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa pangyayaring iyon. Hindi rin n'ya alam kung paano magsisimula muli. Ngunit isang araw ay nagpakilala sa kanya si Attorney. Mauricio De Cardenas. Siya raw ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang Ama. Pati na rin sa mga naiwan nitong ari-arian. Kaya ganoon na lamang ang pagdududa n'ya sa taong ito, lalo pa't ibinilin siya dito ng kaniyang Ama bilang maging legal guardian n'ya. Labag man sa loob ang naging desisyon ng Ama ay wala siyang nagawa. Hindi man magkasundo at parang aso't pusa ay tila nakadikit na sa kanya ang amoy nito. He always make her feel uncomfortable whenever he's around. Her heart was unexpectedly thumping hard against her chest everytime she hears his soft voice and smell his sweet scent. How can Czarina resist his charm. Kung sa umpisa palang ay binihag na nito ang natutulog niyang puso? Paano kung sa pagbabalik ng kaniyang paningin ay tumambad sa kanya ang isang katotohang si Mauricio ang dahilan kung bakit siya nabulag? Kaya ba niyang tanggapin ang sakit at kalimutan ang pangakong paghihiganti para sa tinatawag na pag-ibig?
1033.4K viewsCompletedAdded to Library 801 Times as better alone quotes
Read
+Library
I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée

I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée

Pitong taon na ang lumipas mula nang gumuho ang mundo ni Anastasia, at hanggang ngayon, dala pa rin niya ang sakit na hindi kailanman tuluyang naghilom. Noong araw na isinilang niya ang kanyang anak, sinabi sa kanya ng Doctor na hindi ito nakaligtas. Kasabay ng pagkawala ng sanggol ay ang pagkawala rin ng mga pangarap na binuo niya kasama ang lalaking pinakamamahal niya, si Nicolas Leandro Villamor. Akala niya noon, ang pag-alis niya ng Pilipinas ay magdadala ng kapayapaan. She believed na makakatakas siya sa bangungot, pero mali siya. Dahil kahit gaano lumayo at umiwas, hindi pa rin siya tinigilan ng mga alaala niya na kailanman ay hindi niya nasabi kay Leandro na minsan ay nagkaroon sila ng anak. She carried it alone, ngunit hindi niya alam na ang sanggol na ipinagluksa niya sa loob ng pitong taon ay buhay at nasa puder ni Leandro. Ngayon, bumalik si Anastasia sa Pilipinas upang magsimulang muli. At isang kakaibang job offer ang magpapabaliktad sa akala niyang tahimik na buhay. Fake fiancée needed. At ang lalaking kailangan niyang pakasalan sa papel ay walang iba kundi si Leandro, ang dating nobyo na iniwan niya at ang lalaking hindi pa rin alam ang buong katotohanan. Habang pilit nilang ginagampanan ang pekeng relasyon, isang matalinong batang lalaki ang lihim na gumagawa ng paraan upang pagtagpuin silang muli. Determinado siyang sirain ang engagement ng kanyang ama sa isang mapagkunwaring babae at hanapin ang totoong babaeng nararapat dito. Ang hindi alam ng bata, ang babaeng pinipilit niyang maging nobya o asawa ng kanyang ama ay siya ring tunay niyang ina. Habang unti unting nabubuo muli ang pag-ibig na minsang nasira ng mga kasinungalingan at pagkawala, mabubunyag ang isang lihim na kayang baguhin ang lahat. Dahil minsan, ang pinakamagaling na kupido ay ang anak na inakala nilang patay na.
10155 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as better alone quotes
Read
+Library
PREV
1
...
121314151617
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status