Share

Chapter 2

Author: veloria
last update publish date: 2026-06-09 18:21:31

VIVIENNE ANASTASIA

“Sigurado ka na bang babalik ka ulit sa Pilipinas, iha?” Malumanay ang tono ng boses ni Mama, ngunit ramdam ko ang pag-aalala sa bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Dahan dahan kong ipinasok sa maleta ang huling piraso ng aking damit bago ako napabuntong-hininga.

Seven years.

Pitong mahabang taon ang lumipas mula nang iwan ko ang Pilipinas.

Pitong taon na pilit kong binuo ang sarili ko mula sa mga pirasong iniwan ng nakaraan.

At ngayon, heto ako.

Handang bumalik sa lugar na minsan kong tinakasan.

Simula nang manganak ako at malaman kong hindi nakaligtas ang anak namin ni Leandro, nagpasya akong lisanin ang bansang Pilipinas.

Hindi ko kinaya.

Pakiramdam ko noon ay unti unting nilalamon ng sakit ang bawat parte ng pagkatao ko.

I lost everything. 

My dreams.

My future.

And the child I had already loved with all my heart.

Mas masakit pa roon ang katotohanang hindi ko man lang nagawang sabihin kay Leandro ang tungkol sa aming anak.

Hindi ko nabigyan ng pagkakataon ang sarili ko.

Hindi ko rin siya nabigyan ng pagkakataon.

Bago pa man ako magkaroon ng lakas ng loob na harapin siya, tuluyan na akong nawala sa buhay niya.

At nang mangyari iyon, agad na ikinatuwa ni Doña Margarita.

Para bang sa wakas ay nakuha niya ang gusto niya. Para bang sa wakas ay naalis niya ang hadlang sa mga plano niya para kay Leandro.

Ngunit hindi rin nagtagal ang kaniyang kasiyahan.

Dahil kahit iniwan ko si Leandro… Hindi ko naman siya pinagbigyan sa gusto niyang mangyari.

Hindi ko pinakasalan si Rafael.

Hindi ko tinanggap ang pera niya.

At lalong hindi ako yumuko sa mga pagbabanta niya.

Kaya marahil ay doon nagsimulang maging mas malupit ang lahat.

Dahil para kay Doña Margarita, ang hindi pagsunod ay isang kasalanan na dapat pagbayaran.

At ako ang malas na pinili niyang parusahan.

Unti unti niyang winasak at pinaglaruan ang mga natitira pang pag-asang pinanghahawakan ko noon.

At hanggang ngayon, malinaw pa rin sa alaala ko ang huli naming pagkikita.

“Kung hindi ko makukuha ang gusto ko...” malamig niyang sabi habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Pakiramdam ko noon ay nanigas ang buong katawan ko.

Dahil alam kong may kasunod iyon.

At alam kong hindi ko magugustuhan ang maririnig ko.

“Hindi mo rin makukuha ang gusto mo.”

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang paraan ng pagkakasabi niya noon.

“Mahal mo si Leandro, hindi ba?” Bahagya siyang tumawa.

“Then let's see how long that love survives.”

At sa loob ng pitong taon…

Araw araw kong iniisip ang mga salitang iyon.

Habang pilit kong kinakalimutan ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa sarili ko. 

Habang pilit kong tinatanggap ang pagkawala ng anak na hindi ko man lang nagawang makasama. 

Habang pilit kong binubuo ang buhay na winasak ng nakaraan.

Napakurap ako at bumalik sa kasalukuyan.

Napagtanto kong nakatulala na pala ako sa maleta sa harapan ko.

Tahimik akong napangiti kay Mama.

“Yes, Ma.” Mahina ngunit sigurado ang boses ko.

“It's time.”

Oras na para harapin ko ang katotohanan.

Pitong taon na akong nagtatago.

Pitong taon na akong tumatakbo.

At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon…

Handa na akong harapin ang nakaraan.

Kahit hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin pagbalik ko sa Pilipinas ay muli akong susubok.

“I'm not going there to find Leandro, nor beg for their family or do revenge.” Paglilinaw ko kay Ate Victoria nang mapansin ang pangamba at takot sa kaniyang mata.

“I just want to go back to the Philippines, I just want to live on my own and be independent again. Besides, doon din nakalibing ang anak namin.” Seryoso kong paliwanag.

Napabuntong hininga naman si Ate at mukhang wala na rin magagawa sa desisyon ko.

“Sige na nga, basta mag iingat ka ha? Mag papadala ako buwan buwan ng pera sa bank account mo. Use it when you need it.” Tugon niya kaya bahagya akong tumango.

“Touchdown, Philippines.” Isang maliit na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang dahan dahan kong nilalanghap ang pamilyar na simoy ng hangin.

Kabababa ko pa lamang mula sa eroplanong sinakyan ko.

And now, I am finally here.

Back in the Philippines.

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang mga taong nagmamadaling maglakad sa paligid ko.

Maraming nagbago sa loob ng pitong taon.

Ako… At ang buhay ko.

At marahil pati na rin ang mga taong iniwan ko rito.

Ngunit may isang bagay na hindi kailanman nagbago. Ang dahilan kung bakit ako palaging bumabalik.

The first thing I wanted to do was visit my child.

My baby.

Ang anak na pitong taon ko nang ipinagluluksa.

Ang sanggol na kahit minsan ay hindi ko nahawakan nang buhay.

Ang batang araw araw kong nami-miss kahit wala naman akong sapat na alaala para panghawakan.

Every year, umuuwi naman ako rito para dalawin siya.

Para magdala ng mga bulaklak. Para kausapin siya. Para ikuwento kung gaano ko siya nami-miss.

Pero hanggang doon lang.

Pagkatapos noon, agad din akong umaalis. Dahil hindi ko kayang manatili. Hindi ko kayang magtagal sa bansang puno ng alaala ni Leandro.

Puno ng mga pangarap na hindi natupad.

Puno ng mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom.

“Here you are, Vivienne.” 

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Agad akong napalingon.

At doon ko nakita ang isang babae na kakababa pa lamang mula sa kaniyang itim na Land Cruiser.

Nakasuot ito ng mamahaling sunglasses at isang fitted blazer na lalong nagbigay-diin sa kaniyang elegante at matikas na tindig.

Kahit pitong taon na kaming hindi halos nagkikita, agad ko pa rin siyang nakilala.

Some people never change.

And Celestine Dela Vega was one of them.

A confident smile immediately appeared on my lips. “Long time no see, Dela Vega.”

Hindi ko na napigilan ang paglapit at marahang pagyakap sa kaniya.

Agad naman niya akong niyakap pabalik.

“Seven years,” natatawa niyang sabi habang bahagyang lumalayo upang tingnan ako mula ulo hanggang paa. “Seven freaking years, Vivienne.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée    Chapter 13

    NICOLAS LEANDROflashback…“Nicolas.” Naputol ang pagtakbo ng isip ko nang marinig ko ang boses ni Thadeus mula sa likuran ko. Bahagya akong napalingon sa direksyon niya at agad na nakita ang pamilyar na mukha ng matalik kong kaibigan. Nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon habang ang isa naman ay may hawak na maliit na purple box na matagal ko nang hinihintay. Sa simpleng ekspresyon pa lamang ng mukha niya ay alam ko nang dala niya ang ipinabili ko. “You’re finally here.” Bahagya akong napangiti habang hinihintay na lumapit siya. Hindi ko man direktang ipinapakita, pero matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Ilang linggo ko ring pinag-isipan ang bawat detalye ng proposal na balak kong gawin para kay Anastasia. At sa lahat ng bagay na kailangan kong ihanda, ang singsing ang pinakamatagal kong pinagdesisyunan. I wanted it to be real. Something meaningful. Something that would represent us. Something that would remind Anastasia that after everything we went thr

  • I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée    Chapter 12

    NICOLAS LEANDRONang makita kong tuluyan nang makapasok si Anastasia sa loob ng building ay saka lang ako huminga nang maluwag. Kanina pa nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Mula nang bumaba siya ng sasakyan. Hanggang sa makapasok siya sa lobby. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. At kahit wala na siya roon, ilang segundo pa rin akong nanatiling nakatitig sa direksyong iyon. Parang may bahagi ng utak ko na gusto pang makasigurado na ligtas talaga siyang nakauwi. Na hindi siya biglang mawawala ulit. Na hindi ito isa sa mga panaginip na paggising ko ay mawawala na naman siya. Mahigpit kong hinawakan ang manibela bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. For the first time in seven years... I knew where she was. And somehow, that thought alone gave me peace. Tahimik akong nagmaneho pauwi habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang buong gabi. Ang pagkikita namin.Ang ekspresyon niya nang muli akong makita.Ang paraan ng pagtitig niya kay Isaac.Ang paraan ng pagngiti niya

  • I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée    Chapter 11

    VIVIENNE ANASTASIA At iyon pa lang ay sapat na para mas lalo akong mainis sa sarili ko. Dahil kung tutuusin, dapat ay pagod na pagod na ako. Dapat ay stress ang nararamdaman ko. Dapat ay nalilito ako. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari ngayong araw... May maliit na bahagi ng puso ko na hindi ko maitatangging masaya. Masaya dahil nakita kong muli si Leandro. Masaya dahil nakilala ko si Isaac. Masaya dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, nakaramdam ako ng bagay na matagal nang nawala sa buhay ko. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit pilit kong iniiwasan ang usapan. Dahil natatakot akong aminin iyon. Hindi lang kay Celestine… Kundi maging sa sarili ko. Kaya agad kong binago ang direksyon ng usapan. “Isaac is also a seven-year-old kid.” Agad na nawala ang pang-aasar sa mukha ni Celestine at napansin niya ang pagbabago ng tono ko. “Matalino siya.” Napatingin ako sa basong hawak ko at hindi ko namalayang napapangiti na naman pala ako. Sa totoo

  • I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée    Chapter 10

    VIVIENNE ANASTASIA“At sino 'yang naghatid sa'yo?” Halos hindi ko pa nasasara nang maayos ang pinto ng condo ni Celestine ay sinalubong na agad niya ako ng tanong.Bahgyang nakaupo pa sa itaas ng couch habang nakapamewang. Mukhang kanina pa ako hinihintay at natunugang paparating na ako kaya ganiyan ang pwesto.“Ganda ng sasakyan.” Sumilip pa siya sa bintana. “Mukhang mamahalin.” Napabuntong-hininga ako. Pagod na pagod na ang utak ko. Pakiramdam ko ay isang linggo akong nakipagdigmaan sa dami ng nangyari ngayong araw. “Pwede bang time out muna?” Diretso akong naglakad papasok. “Bukas na ang storytelling session.” “Denied.” Mabilis niyang sagot. “Celestine.” “Nope.” Agad niyang putol.Ayaw talaga papilit.“Cel.” “Nope.” Napairap ako. “Kasalanan mo 'to, e.” Agad siyang napatawa. “Aba't ako pa ngayon?” “Oo.” Itinuro ko siya. “Kung hindi mo ako pinilit kanina, wala sana ako rito ngayon.” Mas lalo lang lumawak ang ngiti niya. “As if naman nagsisisi ka.” Bahagya akong

  • I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée    Chapter 9

    NICOLAS LEANDRO“Hop in.” Marahan kong sambit habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Bahagya siyang natigilan bago tumingin sa akin. “Thank you.” “Anytime.” Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan. At sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. Napairap ako sa sarili ko. Fucking ridiculous.I’ve negotiated billion-peso deals.I’ve faced board meetings filled with ruthless executives.I’ve handled problems that could destroy companies.Pero ngayong gabi?Isang babae lang ang pilit na nakakapag pakaba sa akin.A mowan who I’ve known for years.A woman I’ve spent seven years looking for.A woman I never truly forgot.Pakasara niya ng pinto ay umikot na ako papunta sa driver’s seat.Tahimik akong umupo at pinaandar ang makina ng aking sasakyan,.Katahimikan ang bumalot sa amin.Nakakabinging katahimikan.Parang pareho kaming maraming gustong sabihin ngunit walang gustong maunang mag salita.Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa labas

  • I Hired My Mommy to be My Dad's Fiancée    Chapter 8

    NICOLAS LEANDRO“You’ll come back naman po, right?” Inosenteng tanong ni Isaac habang pilit na nilalabanan ang antok. Nakita kong bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Anastasia. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, wala akong nakita kahit katiting na pag-aalinlangan sa mga mata niya. “Yes, baby.” Simple lang ang sagot niya ngunit sapat na iyon para lumiwanag ang mukha ni Isaac.“Promise?” “Promise.” Natatawang tugon ni Anastasia.“Pinky promise?” “Pinky promise.” Agad nilang pinagdugtong ang mga daliri nila. At hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong mahigpit na humila sa dibdib ko habang pinagmamasdan sila. “Read me a book before you leave, Mommy, Daddy.” Halos nakapikit na si Isaac habang nagsasalita. Pagkatapos ay iniunat niya ang mga kamay niya sa direksyon ko.Tahimik kong binuhat si Isaac.Agad niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na pagod na talaga. Napatingin ako kay Anastasia. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. Parang hinihintay kung an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status