LOGINVIVIENNE ANASTASIA
“Hindi pa rin nagbabago ang order mo.” Natatawang puna niya habang pinagmamasdan ang pagkain sa harap ko.
Napatingin ako sa inorder kong pasta at bahagyang natawa. “Neither does yours.”
Agad siyang napatingin sa steak na nasa harapan niya at nagkibit-balikat. “Well, some habits are worth keeping.”
I shook my head in amusement.
“So, what are your plans?”
Naputol ang magaan na usapan namin nang marinig ko ang tanong niya.
Bahagya akong natigilan.
“Find a job and a place to stay.” Simple lang ang sagot ko. Pero alam kong hindi magiging simple ang proseso.
Natahimik si Celestine habang nakatingin sa akin.
Pagkatapos ay umiling siya. “You can stay at my condo.”
Agad akong napatingin sa kaniya. Matagal na niya akong gustong makasama sa iisang bahay.
Kahit noon pa.
Noong pareho pa kaming nagtatrabaho sa kompanya ni Leandro. Noong pareho pa kaming mga overworked secretaries na halos doon na nakatira sa opisina.
Hindi ko na mabilang iang beses na niya akong inalok noon.
At ilang beses ko rin siyang tinanggihan.
“Siguro naman hindi ka na tatanggi sa akin ngayon?” Nakanguso siyang tumingin sa akin na parang batang inaagawan ng kendi.
Natawa ako. “Mhm.”
Agad namang lumiwanag ang mukha niya.
“Really?”
“Mukha bang may choice pa ako?” Biro ko.
Humigop ako ng juice bago siya tinitigan nang seryoso.
“But you better not pull any strings para makapag-work ako.”
Gusto kong magsimula ulit nang sarili kong pagsisikap.
Napatitig si Celestine sa akin nang ilang segundo bago siya napabuntong-hininga.
Pagkatapos ay itinaas niya ang kanang kamay niya na parang sumusumpa.
“Yes, Ma'am.” Napatawa siya bago pa tuluyang sumaludo sa harap ko. “Cross my heart and hope to die.”
“Oh siya, gusto kong mag lakad lakad at baka mag dilang anghel ang kalangitan at biyayaan ako ng magandang trabaho. At sana yung malaki ang perang kikitain.” Biro ko kay Celestine na agad na ikinairap nito.
“Daig mo pa humihiling ng himala.” Reklamo niya at sumunod din naman sa akin sa paglalakad.
Marami kaming nadaanang job postings habang naglalakad ni Celestine sa isang commercial complex.
Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak mag-apply agad agad.
I was just looking around. Sinusubukang alamin kung ano ang sitwasyon ng job market ngayon.
Pero sa dami ng posters na nakapaskil sa bulletin board, may isa talagang agad na nakakuha ng atensyon ko.
At sa kasamaang palad…
It also caught Celestine's attention.
HIRING: FAKE FIANCÉE NEEDED!
Napahinto ako at napakurap.
Pagkatapos ay napatingin ulit sa poster para siguraduhing tama ang nabasa ko.
“Hiring... fake fiancée needed?” Mahina kong basa sa nakasulat.
Parang hindi pa rin ako makapaniwala na may taong seryosong naghahanap ng ganoong klaseng trabaho.
“Wow.” Agad namang sumingit si Celestine sa tabi ko. “May ganiyan na palang trabaho ngayon?”
Bahagya pa siyang napayuko para basahin ang buong poster. “Unique ah.”
“Try mo kaya mag-apply?”
Napalingon ako sa kaniya. “Celestine…”
Tumawa siya at imbis na tumigil ay mas lalo pa siyang naging interesado.
Binasa niya ang contact number na nakasulat sa ibaba.
Call this number: 09676732456
“Viv.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Call natin.”
“Hoy!”
Agad akong umiling. “Hindi ako mag-aapply diyan.”
Bakit?” Painosente niyang tanong.
“Dahil una sa lahat, fake fiancée ang hanap.” Reklamo ko.
“So?”
“So anong klaseng trabaho ba iyon?” Dagdag ko.
“Hindi ba't exciting at may thrill ang gusto mo? Ayan oh, binigay na ni Lord. Malaki pa nga ang sahod oh, 100k a month.” Puna niya kaya bahagya akong napaisip.
“Viv, call natin.” Suhol ni Celestine.
“Hoy!” At bago pa ako makatanggi ay tuluyan na niyang tinawagan ang number.
Makalipas ang ilang segundo ay may sumagot sa kabilang linya.
“Hello, who's this?” Malalim at maayos ang boses ng isang binata.
“Uhh, hi!” masiglang bungad ni Celestine. “We saw the poster and it says Hiring: Fake Fiancée Needed. And my friend is interested in applying.”
“Let me talk to her. Is she with you right now?”
“Yes.” Ngumiti si Celestine at agad na iniabot sa aking ang kaniyang cellphone
“Hello?”
“Yes, I'm the friend, Vivienne..” Halos wala sa sarili kong sagot.
“I'm Ramon. Let's talk in person.”Diretso ang tono ng lalaki. Walang paligoy ligoy.
“Let's meet at a café near Villamor Estate.”
At bago pa man ako makapagtanong ng kahit ano… Pinatay na niya ang tawag.
“Tara na.” Hinila pa niya ang braso ko. “Bawal nang umatras.”
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa café.
“Vivienne?”
Tumango ako. “Yes.”
“I'm Ramon.”
Nakipagkamay siya sa akin, pagkatapos ay naupo kami.
“Personal Information?”
Tumikhim ako. “Twenty-seven years old. Single.”
“Alright, you're hired.”
May inilabas siyang folder mula sa kaniyang bag. Pagkatapos ay inilapag iyon sa harap ko. “Please sign this contract and certificate.”
Napakurap ako. “Contract?”
“Standard procedure.” Mahinahon niyang sagot.
“Once you sign the papers, there's no turning back.”
Sa totoo lang, gusto ko sanang basahin muna ang laman.
Pero bago ko pa mabuklat ang unang pahina…
“Pirmahan mo na.” Bulong ni Celestine.
Napabuntong-hininga ako. At dahil sa walang tigil niyang pangungulit… Tuluyan kong pinirmahan ang kontrata.
Kinuha ni Ramon ang mga papeles.
“Kailan ako magsta-start?” tanong ko.
“Now. And you'll go with me.” Diretso niyang sagot.
Kapag may mangyaring masama sa akin… Kakatayin talaga kita, Celestine.
“Bye, girl!” Masaya pang kumaway ang bruha. “Balitaan mo na lang ako!”
Napairap nalang ako sa kawalan at hinayaan na siya.
Lahat ng reklamo ko ay biglang naglaho nang makarating kami sa parking lot.
Sa isang mamahaling itim na SUV… May batang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.
A child.
A very familiar child.
Nanigas ako at biglang tumigil ang mundo.
Dahan dahan akong napakurap.
Umaasang mali lang ang nakikita ko.
Pero hindi.
Hindi ako maaaring magkamali.
Kilalang kilala ko ang batang iyon.
Isaac Hiro Villamor.
Ang kaisa-isang anak ni Nicolas Leandro Villamor na dati kong nobyo.
At bago pa man tuluyang makabawi ang utak ko sa pagkabigla…
Nagsalita si Isaac. “Is she my mommy?” Tanong nito.
“Mhm, she's the fake fiancée we hired.”
What the fuck?
My boss is a freaking seven years old?!
Oh God.
NICOLAS LEANDROflashback…“Nicolas.” Naputol ang pagtakbo ng isip ko nang marinig ko ang boses ni Thadeus mula sa likuran ko. Bahagya akong napalingon sa direksyon niya at agad na nakita ang pamilyar na mukha ng matalik kong kaibigan. Nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon habang ang isa naman ay may hawak na maliit na purple box na matagal ko nang hinihintay. Sa simpleng ekspresyon pa lamang ng mukha niya ay alam ko nang dala niya ang ipinabili ko. “You’re finally here.” Bahagya akong napangiti habang hinihintay na lumapit siya. Hindi ko man direktang ipinapakita, pero matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Ilang linggo ko ring pinag-isipan ang bawat detalye ng proposal na balak kong gawin para kay Anastasia. At sa lahat ng bagay na kailangan kong ihanda, ang singsing ang pinakamatagal kong pinagdesisyunan. I wanted it to be real. Something meaningful. Something that would represent us. Something that would remind Anastasia that after everything we went thr
NICOLAS LEANDRONang makita kong tuluyan nang makapasok si Anastasia sa loob ng building ay saka lang ako huminga nang maluwag. Kanina pa nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Mula nang bumaba siya ng sasakyan. Hanggang sa makapasok siya sa lobby. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. At kahit wala na siya roon, ilang segundo pa rin akong nanatiling nakatitig sa direksyong iyon. Parang may bahagi ng utak ko na gusto pang makasigurado na ligtas talaga siyang nakauwi. Na hindi siya biglang mawawala ulit. Na hindi ito isa sa mga panaginip na paggising ko ay mawawala na naman siya. Mahigpit kong hinawakan ang manibela bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. For the first time in seven years... I knew where she was. And somehow, that thought alone gave me peace. Tahimik akong nagmaneho pauwi habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang buong gabi. Ang pagkikita namin.Ang ekspresyon niya nang muli akong makita.Ang paraan ng pagtitig niya kay Isaac.Ang paraan ng pagngiti niya
VIVIENNE ANASTASIA At iyon pa lang ay sapat na para mas lalo akong mainis sa sarili ko. Dahil kung tutuusin, dapat ay pagod na pagod na ako. Dapat ay stress ang nararamdaman ko. Dapat ay nalilito ako. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari ngayong araw... May maliit na bahagi ng puso ko na hindi ko maitatangging masaya. Masaya dahil nakita kong muli si Leandro. Masaya dahil nakilala ko si Isaac. Masaya dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, nakaramdam ako ng bagay na matagal nang nawala sa buhay ko. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit pilit kong iniiwasan ang usapan. Dahil natatakot akong aminin iyon. Hindi lang kay Celestine… Kundi maging sa sarili ko. Kaya agad kong binago ang direksyon ng usapan. “Isaac is also a seven-year-old kid.” Agad na nawala ang pang-aasar sa mukha ni Celestine at napansin niya ang pagbabago ng tono ko. “Matalino siya.” Napatingin ako sa basong hawak ko at hindi ko namalayang napapangiti na naman pala ako. Sa totoo
VIVIENNE ANASTASIA“At sino 'yang naghatid sa'yo?” Halos hindi ko pa nasasara nang maayos ang pinto ng condo ni Celestine ay sinalubong na agad niya ako ng tanong.Bahgyang nakaupo pa sa itaas ng couch habang nakapamewang. Mukhang kanina pa ako hinihintay at natunugang paparating na ako kaya ganiyan ang pwesto.“Ganda ng sasakyan.” Sumilip pa siya sa bintana. “Mukhang mamahalin.” Napabuntong-hininga ako. Pagod na pagod na ang utak ko. Pakiramdam ko ay isang linggo akong nakipagdigmaan sa dami ng nangyari ngayong araw. “Pwede bang time out muna?” Diretso akong naglakad papasok. “Bukas na ang storytelling session.” “Denied.” Mabilis niyang sagot. “Celestine.” “Nope.” Agad niyang putol.Ayaw talaga papilit.“Cel.” “Nope.” Napairap ako. “Kasalanan mo 'to, e.” Agad siyang napatawa. “Aba't ako pa ngayon?” “Oo.” Itinuro ko siya. “Kung hindi mo ako pinilit kanina, wala sana ako rito ngayon.” Mas lalo lang lumawak ang ngiti niya. “As if naman nagsisisi ka.” Bahagya akong
NICOLAS LEANDRO“Hop in.” Marahan kong sambit habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Bahagya siyang natigilan bago tumingin sa akin. “Thank you.” “Anytime.” Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan. At sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. Napairap ako sa sarili ko. Fucking ridiculous.I’ve negotiated billion-peso deals.I’ve faced board meetings filled with ruthless executives.I’ve handled problems that could destroy companies.Pero ngayong gabi?Isang babae lang ang pilit na nakakapag pakaba sa akin.A mowan who I’ve known for years.A woman I’ve spent seven years looking for.A woman I never truly forgot.Pakasara niya ng pinto ay umikot na ako papunta sa driver’s seat.Tahimik akong umupo at pinaandar ang makina ng aking sasakyan,.Katahimikan ang bumalot sa amin.Nakakabinging katahimikan.Parang pareho kaming maraming gustong sabihin ngunit walang gustong maunang mag salita.Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa labas
NICOLAS LEANDRO“You’ll come back naman po, right?” Inosenteng tanong ni Isaac habang pilit na nilalabanan ang antok. Nakita kong bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Anastasia. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, wala akong nakita kahit katiting na pag-aalinlangan sa mga mata niya. “Yes, baby.” Simple lang ang sagot niya ngunit sapat na iyon para lumiwanag ang mukha ni Isaac.“Promise?” “Promise.” Natatawang tugon ni Anastasia.“Pinky promise?” “Pinky promise.” Agad nilang pinagdugtong ang mga daliri nila. At hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong mahigpit na humila sa dibdib ko habang pinagmamasdan sila. “Read me a book before you leave, Mommy, Daddy.” Halos nakapikit na si Isaac habang nagsasalita. Pagkatapos ay iniunat niya ang mga kamay niya sa direksyon ko.Tahimik kong binuhat si Isaac.Agad niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Pagod na pagod na talaga. Napatingin ako kay Anastasia. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin. Parang hinihintay kung an







