Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE UGLY ME & MY ROMANCE

THE UGLY ME & MY ROMANCE

Katulad ng ibang babae pangarap ni Dianne na makilala ang kanyang prince charming at makasama ang kanyang forever, ang lalaking itinadhana sa kanya na makapiling niya habang buhay. Na mahal niya at mamahalin din siya ng buong buo. Ngunit magkatotoo kaya ang pinapangarap niyang iyon kung siya ang tipong babae na madalas ay husgahan na pangit, baduy at napagkakamalan na katulong sa tuwing magkasama sila ng mga naggagandahang mga kaibigan niya? Ang totoo madali siyang mafall inlove sa lalaking magaling sumayaw, kumanta at maggitara. Si DJ mayaman at gwapo sana pero ito ang lalaki na kinaiinisan ni Dianne, yong feeling na stress sya sa tuwing magkuros ang landas nila dahil sa panghuhusga at pang iinis sa kanya, minsan ay nasabi niya sa kanyang mga kaibigan na kahit ito na lang ang lalaking natitira sa mundo, hindi mangyayari na magkagusto siya. Ngunit paano kung sa hindi niya inaasahan ay mabihag nito ang kanyang puso? Saka niya lamang nalaman na bukod sa gwapo at mayaman ito na nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya ay taglay nito ang gusto niya sa isang lalaki na magaling sumayaw, kumanta at maggitara...at higit pa doon, may taglay itong mabuting kalooban. Basahin ang kwentong magpapaantig sayong puso, magpapakilig at maaaring makakapagbigay ng ngiti sayong natutulog at naiidlip na damdamin...
109.8K viewsCompletedAdded to Library 342 Times as big man ting meaning
Read
+Library
A WONDERFUL MEETING WITH YOU

A WONDERFUL MEETING WITH YOU

MATECA
Farina has a perfect life. Pera, edukasyon, mga kaibigan, guwapong boyfriend. She had it all. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat nang maaksidente siya at sa halip na mamatay ay pumasok ang kaluluwa niya sa katawan ni Feelin. Isang babaeng pinikot lamang ang asawa para mapakasalan ito. Her life turned into a mess when she also falls in love with Captain Rafael. Ang lalaking kinamumuhian ang kanyang asawa dahil sa ginawa nitong pamimikot sa kanya. Paano niya sasabihin kay Rafael na hindi ang babaeng kinamumuhian nito ang nasa loob ng katawan nang inaakala nitong asawa kundi ibang tao na? May pag-asa kayang magkaroon ng happy ending ang kakaibang pagtatagpo nilang iyon? Will Rafael helps her to solve the mystery of her sudden death?
102.7K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as big man ting meaning
Read
+Library
Turn Her Into Demure Woman

Turn Her Into Demure Woman

desire_ru
THIS STORY IS INSPIRED BY THE JAPANESE SERIES, "YAMATO NADESHIKO" or "The Wallflower" Limang makikisig, matatangkad, at naggagwapuhang lalaki ang naninirahan sa mala-palasyong mansyon na pagmamay-aari ng isang kilalang bilyonara sa iba't ibang panig ng mundo na nangangalang Madame Madeline Dawson at kinikilala nila ito bilang kanilang Auntie. Ang limang lalaki ay may kaniya-kaniyang pribadong rason kung bakit sila kinukupkop nito. Ngunit isang araw, sinurpresa sila ng kanilang auntie ng isang misyon na akala nila ay madali lamang nila itong mareresolbahan. Ang misyong kanilang dapat matupad ay gawing disente, malumanay, at mahinahong dalaga ang kanyang pamangkin. Ikinasindak nila na kung hindi 'man nila ito mapagtagumpayan ang misyon, sisingilin sila ng renta na umaabot ng milyon-milyong dolyar. Maraming naging kwestyon ang nabuo sa isip nila kung anong uri ng babae ang kanilang makakasalamuha gayong walang sapat na impormasyon na binigay sa kanila ang kanilang auntie sa nagngangalang Ayla Desire Dawson. Mapagtatagumpayan kaya nila ang misyong nakalatag sa kanila? At anong mga senaryo ang mabubuo sa kanilang anim sa mahabang panahon na kanilang pagsasama sa iisang bubong.
2.0K viewsOngoingAdded to Library 78 Times as big man ting meaning
Read
+Library
An Everlasting Love (Book 1 & 2)

An Everlasting Love (Book 1 & 2)

Babz07aziole
"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
6.3K viewsCompletedAdded to Library 145 Times as big man ting meaning
Read
+Library
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
9.5261.0K viewsCompletedAdded to Library 9.4K Times as big man ting meaning
Read
+Library
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
105.9K viewsCompletedAdded to Library 201 Times as big man ting meaning
Read
+Library
Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo

Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo

Trixxie Angeles. Gusto lang niyang paghiwalayan ang kapatid at ang hipag pero nag-backfire ang plano niya. Nagbunga ang isang gabibf pinagsaluhan nila ni Gavin. Gavin Mendez. Isang lalaking malikot sa babae ngunit nagkagusto sa babaeng may asawa na. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Dumaan ang limang taon at kailangan niyang makipagkita sa lalaking nilinlang niya para sa kapakanan ng kanyang anak na may sakit. Ano ang kaya niyang ibigay sa lalaking minsan na siyang sinabihan na walang iibig sa kanya?
1014.5K viewsCompletedAdded to Library 419 Times as big man ting meaning
Read
+Library
Poisoned By The CEO's Tempting Love

Poisoned By The CEO's Tempting Love

Isang dalagang may pambihirang ganda ngunit may pusong naghahangad ng kalayaan. At Isang makapangyarihang lalaki na kayang kontrolin ang batas, ang tao, at ang kapalaran. Mula sa isang inosenteng pagkikita, unti-unting nahulog si Virgo sa marangyang mundo ni Leo. Isang mundong puno ng yaman, kapangyarihan... at kasakiman. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, mas lalo nilang nararamdaman ang higpit ng hawla na unti-unting bumabalot sa kanila. Dahil si Leo ay hindi lang mapagmahal. Siya ay possessive. Seloso. Manipulative. At handang sirain ang lahat para lang manatili ang babaeng itinuturing niyang pag-aari. Pero... Ang pag-ibig ba ay magiging panlunas para sa kanilang dalawa? O tuluyan lang nitong lalasunin ang isa't isa?
91 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as big man ting meaning
Read
+Library
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
2.7K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as big man ting meaning
Read
+Library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
544 viewsOngoingAdded to Library 21 Times as big man ting meaning
Read
+Library
PREV
1
...
910111213
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status