Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
351 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Into Your Arms Tonight

Into Your Arms Tonight

Dahil sa hirap ng buhay, nagpasyang kumapit sa patalim si Cassandra upang matustusan ang gamutan ng kaniyang inang may sakit. Gayunpaman, hindi pa man nagsisimula ang kaniyang karera ay tila napigilan na ito ng isang lalaking naging kliyente niya na nagbigay sa kaniya ng malaking halaga. Ito na nga ba ang mag-aahon sa kaniya sa kahirapan? Subalit hindi inasahan ni Cassandra na magbubunga ang isang gabi nilang pinagsaluhan ng lalaking kliyente. Ang maginhawang buhay na inaasam-asam niya ay tila naglahong parang bula sa bagong bunga na nasa sinapupunan niya. Makawala pa nga kaya ang dalaga sa mala-roller coaster na buhay niya?
Romance
1034.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Viva Guardian: Return Of Convicted Wife

Tahimik at maayos ang pamumuhay ni Viva Guardian at ng asawa niyang si Emmanuel. Pero nagising na lamang si Viva isang gabi na may hawak na kustilyo, puno iyon ng dugo. At wala nang buhay si Emmanuel. Si Viva ang itinuturo ng suspect sa pagkamatay ni Emmanuel. Nakulong siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nang magkaroon ng sunog sa Manila City Jail ay kinuha ni Viva ang pagkakataon na iyon para tumakas. Pero ang kalahati ng kanyang mukha ay nasunog. Ginamit niya ang mukha ng dating asawa ni Hendrix Lorenzo, ang witness, sa pagkamatay ni Emmanuel. At gagamitin rin ni Viva si Hendrix para alamin kung ano ang nangyari sa asawa niya at lilinisin ang pangalan niya.
Romance
371 viewsOngoing
Read
Add to library
Run Away from the Labyrinth

Run Away from the Labyrinth

klareynah
Si Yumi ay isang ordinaryong babae ngunit silay pinagtagpo ni Xionus sa isang di inaakalang aksidente na nakapagpabago ng kanyang buhay. Palaging magulo ang buhay at ikaw ang nakatakdang labanan ito. Ngunit ang totoong problema ay, paano niya ba lulutasin ang gulong binigay sa kanya ng buhay? Sumuko at matalo o tumayo at lumaban? Alin ang kanyang pipiliin?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Party A Is In Love!

Party A Is In Love!

mooncake_o07
Simple lang ang pangarap ni Lalaine Madrigal at yun ay ang magkaron ng maayos na trabaho na may mataas na salary para maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman hanggang sa makilala niya ang aroganteng si Juaquin Cristobal ang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Siya na kaya ang sagot sa pangarap ni Lalaine? At ano kaya ang gagampanan ng binata sa buhay ng dalaga?
Romance
2.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Kiss of Ruin

Kiss of Ruin

Akala ni Elara Cruz, nakatakas na siya sa madilim na nakaraan ng pamilya niya. Tahimik na buhay na lang ang gusto niya—malayo sa gulo, malayo sa sakit. Pero lahat nagbago nang makilala niya si Damian Blackthorn—ang cold, ruthless, at sobrang dangerous na heir ng isang crime empire. He’s everything she should avoid. Pero isang halik lang mula sa kanya, at malinaw na: “Akin ka.” Mahalaga ba ang puso kung kapalit nito ay buhay? Hanggang saan kaya ang kaya niyang isugal para sa isang pag-ibig na bawal, mapanganib, at nakakatukso? Sa mundong ginagalawan ni Damian, ang loyalty sinusukat sa dugo… at ang betrayal binabayaran ng kamatayan. At sa huli, kailangang pumili ni Elara: lalaban ba siya—o magpapalunod sa halik ng sariling pagkawasak?
Mafia
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
In The Hands Of The Mafia Boss

In The Hands Of The Mafia Boss

Hindi akalain ni Hannah na sa pagbalik niya sa bisig ng kaniyang mga magulang ay mapapalitan na ang kanilang pagmamahal dahil lang sa isang ampon ng kanilang pamilya. Kung sa mata ng iba, itong ampon ay napaka bait at di makabasag pinggan pero ang katotohanan ay malayo sa alam nila. Pero sa pagpasok ni Raymond Olivarez sa buhay niya, naramdaman niya ang pagmamahal na di nasusukat. "Iwan ka man ng iba, but I will not do the same thing to you, Hannah," nakangiting sabi ni Raymond. Hindi niya din akalain na ang business man na si Raymond Olivarez pala ay may itinatagong ibang katauhan bilang boss ng "Black Eagle" na isang Mafia sa pilipinas. Siya na nasa kamay ng Mafia Boss, magiging maganda ba ang kaniyang buhay pagkatapos makamit ang hustisya na gusto niya o pasimula lamang iyon bago mahukay ang isang deep rooted sydicate na salot sa lipunan?
Mafia
241 viewsOngoing
Read
Add to library
Maid for You (Hiding Series #2)

Maid for You (Hiding Series #2)

Hirap sa buhay si Yngrid Dela Fuente naiwang mag-isa at siya na lamang ang bumubuhay sa sarili niya. Ganunpaman, nagsumikap siyang maghanap ng trabaho at hindi niya aakalaing matatagpuan niya ang sarili niyang maging personal maid ng isang kinatatakutang tao ng lahat, si Devron Montecillo, isang Mafia Boss. Ngayong isa siya naging personal maid ng taong ito, ano ang mangyayari sa buhay ni Yngrid? Magiging tahimik ba ito o magiging magulo dahil sa taong kasama niya?
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status