Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Assassin Series 1: Chasing Contract

Assassin Series 1: Chasing Contract

sheenxinxin
Payne Nivanna Warwick never imagined that she will be following a man, just to get the partnership she was aiming for so many years. As a business woman, para kay Payne ay walang kasing halaga ang partnership na ito kumapara sa iba. She badly needed this partnership to secure her good spot in the business industry. Isa pa ay ito ang pangarap ng mga magulang niya kaya kaylangan niya itong tuparin. Akala ni Payne ay magiging madali lamang ang lahat sa kanya, pero mukang hindi lang sabi-sabi ang titulo ng binata na sinusuyo niya. Hindi nga ito tinawag na Ruthless Businessman dahil lang sa wala, at ultimo ang karisma niya ay hindi tumatalab sa lalaking iyon. Lahat ng paraan ay ginawa na ni Payne pero talagang nagmamatigas ang binata. Kung tutuusin nga ay madali lang ito para sa kanya, kayang-kaya niyang gumamit ng dahas makuha lang ang gusto niya. Pero hindi niya malaman kung bakit ba pagdating sa binata ay tila nakakalimutan niya kung sino ba talaga siya.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Affair with my Uncle

Lustful Affair with my Uncle

WARNING: R18+ Si Savrinna Angel Dela Vega, ang unica hija ng mga Dela Vega. Sa kabila ng pagiging istrikto ng kanyang magulang ay lumaki siyang ginagawa ang gusto niya. Nang magtungo siya sa isang bar ay nakilala niya doon si Markus Axel Policarpio. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may naglagay ng party dr•gs sa kanyang inumin na muntik na niyang ikamatay kung hindi siya nailigtas ni Markus. Kumalat ang video ni Savrinna na nagsasayaw sa bar kaya pinadala siya ng magulang niya sa probinsya sa bahay ng kanyang lolo at lola. At doon ay muli niyang nakita si Markus, na nagpakilala bilang uncle niya. Nagulat siya sa nalaman dahil ang lalaking nakahalikan niya sa bar ay uncle niya pala. At mukhang wala itong planong magustuhan siya kaya naisip niyang gumawa ng paraan para makuha ang atensyon nito. Ang simpleng pagpupustahan kung sino ang unang matutupok sa laro ng pag-ibig, ay nagbunga ng hindi inaasahang pagmamahalan. Hanggang sa pareho na nilang hindi kayang layuan ang isa’t isa.
Romance
1090.0K viewsCompleted
Read
Add to library
THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

Kontento si Jovy sa pamilyang mayroon siya. Hindi sila mayaman pero may sarili silang bahay ng asawa niyang si Kristoff at biniyayaan ng dalawang anak, lalaki ang panganay at babae ang bunso. Mechanical techinican ng isang malaking precision company sa kanilang lungsod si Kristoff. Sapat na ang sahod nito sa pangangailangan nila. Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pamilya nang magkasakit ang bunso nilang anak. Nagkaroon ng bukol ang atay nito at kailangang alisin ang bahagi kung saan tumubo ang cancer. Hindi lamang iyon, nirekomenda rin ng doctor ang pagkakaroon ng liver transplant para maagapan ang pagkalat ng cancer cells sa malusog na parte ng atay ng bata. Hindi sila handa lalo na sa financial na aspeto. Wala silang matakbuhan. Buhay ng anak niya laban sa kaniyang dignidad at katapatan bilang asawa, pinili niya ang una. Tinanggap ang alok na tulong ng congressman kapalit ang isang gabing aliw. Pero ang gabing iyon ng pagkakasala ang nagsadlak sa kaniya sa kulungang hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang lumaya.
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Stupid Mafia Boss

My Stupid Mafia Boss

Glen Da O2r
    “Because you’re a daughter of a Mafia Lord. You are the heiress of Blackheart Empire. Our duty is to protect you. That’s why you can never leave from our side.” ……     Jaymee Santillo- Eighteen years old, maganda mala-british ang maamong mukha, mabait sa kabila ng pagiging short-tempered. Ang higit sa nakakabilib sa dalaga ay sanay ito sa hirap ng buhay.    Mula nang mamatay ang kanyang ina, naging mag-isa na lang sa buhay si Jaymee. May kamag-anak man, ngunit sa hindi niya malaman na dahilan ayaw sa kanya ng mga ito.     Ang akala ni Jaymee na panaginip lang ang lahat ng nangyayari ay hindi pala.      Ay hindi na pala ito panaginip. Bangungot! Oo bangungot! Sino ba naman ang gugustuhin na maging instant Mafia Heiress? ABER?!     And being a heiress na kailangang protektahan, hindi naging madali kay Jaymee ang lahat. Lalo na ang pagkakahulog ng damdamin niya sa masungit at gwapong protector and instructor niya.    Si KC. Ang lalakeng magpapatibok ng kanyang puso.     Malalabanan kaya ni Jaymee ang nararamdaman para sa lalakeng kapatid lamang ang turing sa kanya?      Gusto niya lang naman maging masaya, ngunit paano niya naman gagawin yun kung masaya rin si KC sa iba?     Lilisanin na lang ba niya ang Blackheart Empire para hindi na masaktan? O mananatili siya para sa kanyang kaligtasan? 
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10708 viewsOngoing
Read
Add to library
SWEET HOME

SWEET HOME

Apolinariaaa
Nagulat, namangha at nainggit ang lahat kay Shine Garcia nang luhuran siya ng elite na boyfriend at inalok ng kasal. Iyon na ang pangatlong alok nito ng kasal. Dalawa na nagawa niyang tanggihan at ngayon na hindi niya malulusutan. "Will you marry me?" Lumuhod si Elias Gustavo sa kaniyang harapan. Sa harap ng media. Cameras are snapping at them and her head spinning. Hindi pa siya pwede magpakasal. Hindi pa gayong hindi naman siya totoo at perfect na si Shine Garcia. She is just Luningning. Luningning Garcia-Altamayo. Probinsiyana at may tinatagong asawa. "Y-Yes," sagot niya sa kaniyang boyfriend. Dahil sa impulsive na pagpayag, napilitan si Reyna na balikan ang nakaraan para sa annulment. Sinong ang mag-aakalang ang tinatakbuhan niya noon, hahabulin niya ngayon para matuloy ang kaniyang happy ending. “Annulment? I don't need that. Ikaw lang ang may kailangan,” ang halos 'di na niya nakikilalang asawa, si Akim. "Ayaw mo bang mag-asawa ulit?” "I already have a wife," anito na ikinapula ng pisngi niya. "I never been a wife to you." "Iyon na nga, paano tayo maghihiwalay kung hindi ka naman naging asawa sa'kin? Why don't you try show me how bad of a wife you are. Be my wife for once, Ning, even just for a month. Baka magbago ang isip ko." At that very moment, Ningning felt like destiny slapped her on the face. "Sweet home, bitch!"
Romance
534 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10640 viewsOngoing
Read
Add to library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
214 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status